TW:violence
"ama?" agad na tanong ko dahil nakita ko syang papaalis nanaman. Napatingin din sya sa akin at kay Leonel na nasa tapat ko.
"Leonel iho bakit ka naparito?" saad nya at pumagitna sa aming dalawa.
"inihatid ko lamang ho si Gabby don Antonio" sambit ni Leonel saka tinanggal ang Sombrero nya. Nagpatango tango na lamang di ama saka humarap sa akin.
"may kailangan lamang akong asikasuhin. Salamat Leonel" saad nya saka tuluyan ng umalis. Nagpaalam na lang uli ako kay Leonel bago pumasok.
Pagpasok ko ay walang katao tao sa bahay. Sabagay wala din si ina at si ama, si ate lucinda naman nakakulong sa kwarto. Ang mga ka tulong nalang yung nakikita ko.
Pumunta ako sa kwarto ni ate lucinda para kamustahin sya. Ngunit pag kapasok ko palang ay walang tao sa loob. Lumabas na uli ako saka humanap ng isang ka tulong para magtanong.
"may tanong lamang po ako. Umalis po ba si ate lucinda, wala po kasi sya sa silid nya" tanong ko sa isang katulong na nakita ko.
"kanina pa po sya umalis. Bago pa dumating si don Antonio" sambit nya naman. Nagpasalamat lang ako saka pumasok na sa kwarto ko. Saan naman pupunta iyon?
Baka nagkita lamang sila ni jose.Nagayos muna ako ng mga damit ko at naglinis. Nagbasa rin ng kaunti, nagsulat, naghalungakat ng gamit. Half na ata ng oras wala pa rin si ate lucinda. Malapit narin kaming maghapunan, kaming dalawa na lang ang kakain kasama ang mga katulong.
Tumingin naman ako sa bintana at nag isip.Maya maya pa ay nag ayos na ako para umalis. Baka mamaya kung anong nangyari na dun. Nagpaalam na uli ako sa mga katulong bago umalis. Pagkalabas ko ay napatigil ako, hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin si ate lucinda. Hindi ko pa sya masyadong kilala para malaman kung anong favorite place nya na pwede nyang puntahan.
Napakamot na lang ako sa ulo ko saka naglakad. Napatigil naman ako ng may tumawag sa akin.
"binibining gabby! Bakit ho kayo naparito" saad ng isang ale sa gild. Humarap lang ako at hindi alam ang sasabihin, hindi ko naman alam yung pangalan nya.
"ah umalis na naman ba si binibining lucinda?" saad nya at napatawa ng kaunti. Wait so palaging tumatakas si ate lucinda? Napa usog naman ako sa kanya at tumango na lang. Baka alam nya kung saan ko makikita si ate lucinda.
"sabi na nga ba, nakita ko syang pumunta sa bahay ng mga ferrer." sabi nya saka nag abala na uli sa mga paninda nya. Ferrer? Surname yun ni jose di ba?
Sabi na nga ba eh pumunta yun kina jose. Nagtanong lang ako kung nasaan ang bahay ng ferrer at nagpasalamat uli. Naglakad lang ako dahil maari namang lakarin kasi malapit lang iyon.
Dumidilim narin kaya naman binilisan ko na. Ng makakita na ako ng isang malaking bahay ay agad na akong napatakbo. Natigilan naman ako ng makakita ako ng isang babae na pilit na gustong pumasok. Lumapit uli ako at nagulat ng makita si ate lucinda. Mas lalo namang napabilis ang takbo ko ng makitang itinulak si ate lucinda ng isang bantay. Tumayo uli si ate lucinda at lumapit, kaso mas malakasna tulak ang ibinigay nung bantay.
Pagkalapit ko sakanya ay inilalayan ko agad sya. Nagulat naman sya ng makitang nandito ako. Nalukuha narin ang mukha nya, ano bang nangyayari.
"sinabi ko na sayo binibining lucinda hindi ka maaring pumasok rito!" sigaw ng bantay sa amin. Bakit naman hindi pwede, ang alam ko ay pinapayagan naman ng pamilyang Ferrer si ate lucinda dito ah.
Magsasalita pa sana si ate lucinda ng may Marinig kaming malakas na ingay sa loob ng bahay.
"Martino tama na!" sigaw ng isang babae sa loob ng bahay. Tuluyan ng Lumuha si ate lucinda. Umalis na sya at sinubukang pumasok uli. Hawak na sya ng bantay ngayon at pinipigilang pumasok, agad naman akong pumunta sa kanila at pilit na tinatanggal yung kamay ng bantay kay ate lucinda.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...