Nakauwi na ako sa bahay at pagpasok ko palang ay nakita ko na maraming ginagawa ang mga katulong. May birthday ba?
Wait omg baka ako yung may birthday! Magtataka sila kapag di ko naalala yun. Ah alam ko na uunahan ko na lang sila. Habang naglalakad ay nakita ko si ina at saka tumakbo papunta sa kanya."napaka gandang araw ngayon" sambit ko at nakita ko na taka rin ang mukha nya. Hindi ata effective. Siguro isusurprise nila ako. Sorry pero kailangang masira ang surprise huhu.
"ah masyado kayong nag abala sa aking kaarawan. Ngunit hindi naman ito kailangan nais ko lamang Ipagdiriwang ang araw na ito sa aking silid" saad ko at binigyan nya lang ako ng weird na look. Na wiwirduhan ata sa akin, wala naman akong nasabing mali na word diba?
"ano bang pinagsasabi mo gabby, hindi mo kaarawan ngayon" saad nya dahilan para mapanganga ako sa gulat. Nakakahiya!
"ang paghahanda na ito ay para sa handaan sa puder ng mga garcia. Binigyan nila tayo ng imbitasyon at nais ko ring magdala ng pagkain para ibigay sa kanila. Kaya't magbihis kana hinihintay na lamang natin ang kalesang sasakyan" saad pa nito. Napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi naman siguro sila naghinala 'no
Aalis na ako para pumatungo sa silid ng magsalita uli sya."sandali lamang gabby, umalis ka ba ng bahay?" sambit nya para mapatigil ako sa paglalakad. Naku naku, bakit ko bang naisipang umalis!
Dahan Dahan akong lumingon sa kanya."ah, nagbanyo lamang po ako!" mabilis na sabi ko saka ngumiti. Ilang saglit pa ay tumakbo na ako papuntang silid. Pagkapasok ko naman ay agad kong sinaraduhan ang pintuan. Anubayan parang lahat ng gawin ko dito ay ma wiwirduhan sila.
binuksan ko na ang aparador at kumuha ng baro't saya. Ang pinili ko naman ay yung color light blue, saka inipit ang buhok ko ng mababa di ko narin ginawang bun style para kakaiba sa iba hehe. Nagayos din ako ng mukha ko saka bitbit uli ang pamaypay wala sigurong aircon dun.
Ilang saglit pa ay narinig kong kumatok ang kapatid ko.
"gabby ikaw na lamang ang hinihintay tara na" saad nya. Nagmadali akong lumabas, ako nalang pala ang hinihintay tss.
Habang naglalakad papuntang kalesa ay naisip ko rin na hindi ko nga pala alam ang pangalan nya."ah may tanong po ako sayo" saad ko at tumango lang sya.
"ano ang iyong pangalan ulit?" saad ko para mapatingin sya sa akin. Agad nya namang hinawakan ang noo ko.
"ayos ka lamang ba gabby? Wala ka namang sakit hindi ba?" saad nya punong puno ng taka ang boses nya. Siguro akala nya baliw na ang kapatid nya.
"ah hindi iyon-"di nya na ako pinatapos ng magsalita sya.
"lucinda ang aking pangalan, ako'y nagtataka dahil hindi mo alam iyon ngunit magtatagal tayo. May naghihintay s aatin sa kalesa" saad nya at kinuha ang kamay ko at kinaldkad papuntang kalesa. Okay so lucinda ang pangalan nya.
"narito na tayo, don Antonio." sambit ng isang matandang lalaki may bigote rin sya. Isa isa na kaming bumaba. Nauna sila ina at ama at sunod nalan kaming dalawa ni lucinda. Sa likod namin ay ang mga ka tulong na bitbit ang pagkaing inihanda para ihandog sa kanila.
Pagpasok ko palang ay nanlaki na ang mata ko dahil sa lawak nito. Marami ring makikinang na bagay kang makikita. Bahay ba talaga nila 'to?
Marami rin ang tao, akala ko ay unti lang siguro ay famous sila dito. Napatigil kami ng batiin kami ng isang babae at lalaki. Bumati lang kami pabalik sila na siguro yung mga garcia. Humiwalay na kami kina ina. Habang ako ay buntot lang kay lucinda wala pa akong kilala dito. At kung meron man ay magiging awkward yun kase di ko naman sila kilala.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Ficción histórica(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...