Chapter 3: Simula

39 5 0
                                    





"lia bakit ka nakauniform?" agad na tanong ni mama ng makita nya akong pababa. Nagtaka naman ako

"sabado po ba ngayon?" tanong ko naman.

"ah hindi, pero ngayon ang check up mo kay doc reyes" saad nya naman
Oo nga pala palagi ko nalang nakakalimutan. Napahinga naman akong ng malalim saka bumalik sa kuwarto at nagbihis na. Magang maga ang mata ko kaya kailangan ko pa kumuha ng ice kanina. Hindi ko rin pala maibabalik ang jacket nato.

Kinuha ko na ang suklay ng makita ko ang isang papel. Naalala ko tuloy yung matandang lalaki ka gabi, akala ko pa naman ay pera ang ibinigay nya. Binuklat ko ito dahil parang may nakasulat.

Mahiwagang lampara na ibabalik ka sa iyong nakaraang buhay. Bagong buhay na baka nais mong tahakin.

- Lumang aklatan malapit sa pinaka malaking puno dito -

Kumunot lang ang noo ko, baka naman gawa gawa lang to. Imposible iyon. Budol lang ata to eh. Ibinalik ko nalang uli ito saka kinuha ang cellphone para magchat na hindi ako makakapasok, ako pa naman ang naka assign sa library ngayon.

Nasa kotse na kami ngayon, si mama ang kasama ko dahil nasa office si papa. Di ko muna iniisip ang sinabi ni gab kagabi, nadala lang siguro sya sa emosyon nya kagabi. Kahit anong gawin ako di ko parin magawang magalit kay gab. Si gab ang palaging nandyan sa akin noong bata kami kahit hanggang ngayon.


"goodmorning lia and mrs. Cruz. Please take a seat" sambit ni doc reyes. Para ko na kayang tito to kase simula palang bata eh nandito na ako sa ospital dahil sa heart disease ko. Sya rin ang naging doctor ko simula pa nung bata ako.

Ngumiti na lamang ako saka umupo. Sa kabilang upuan naman umupo si mama, na kaharap ko ngayon. Katulad ng dati ay inexamin nya lang ako tumagal lang naman ito ng nineteen minutes. May tinitingnan naman sya sa monitor ngayon. Kita ko rin ang pag aalala ni doc reyes sa mukha nya. Mukhang di ako makakatulog ngayon ah.


Huminga sya ng malalil bago magsalita.

"a while ago, nasabi ni lianna na madalas ang paninikip ng dibdib nya." sambit nya at napatango tango naman si mama habang nakikinig

"sa ngayon ay bumabagal ang daloy ng dugo at maaring maipon ang likido sa ibang parte ng katawan. Sa gantong pangyayari ay kailangan malaman ni lianna kung pangagasiwaan ang kondisyon nya ngayon" saad naman ni doc reyes. Lumingon lang ako kay mama na seryoso na ang mukha. Madali lang naman siguro yon diba?

"kung hindi na kaya ay maaring mahantong si lianna sa pag susurgery.
We're still not sure pa naman pero habang magtatagal ay dun naman talaga ang babagsak ang mangyayari" saad uli ni doc para tuluyang matigilan na si mama, at ako rin. I've read many articles about surgery in heart diseases pwedeng maka survive pero pwede ding hindi kaya ang iba ay hindi nag papasurgery tinatanggap nalang nila.



Naglalakad na kami ni mama pabalik sa parking lot. Tulala parin ako bakit ba andaming nangyayari sa buhay ko. Napahinga ako ng malalim mukha namang narinig iyon ni mama kaya hinawakan nya ang kamay ko saka nagsalita.

"lunch tayo, saan mo gusto?" tanong ni mama. Gulat akong lumingon sa kanya. Totoo ba to papayagan ako ni mama na kumain sa food resto. Bihira lang kasi ako pinapayagan Ngumiti lang sya sa akin at hinigpitan ang pagkahawak sa akin. Napangiti na lang ako.



Mabilis lang din kaming nakakain pumunta muna kami sa mall dahil may bibilhin sya. Nakita ko syang tumitingin sa mga relo.

"bibilhan nyo ba si papa?, matagal pa naman ang birthday nya diba. Tapos narin naman ang fathers day" saad ko para matawa sya.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon