Chapter 9

18 3 0
                                    





Gabi na at tapos n aakong kumain. Dinalhan lang uli ako ni ina ng pagkain. Pinunasan din ako dahil hindi ako makatayo, siguro bukas makakatayo na ako. Wala rin akong magawa kaya heto ako ngayon nakatulala sa kisame. Nagiisip lang ako ng kung ano ano.



Naisip ko tuloy yung aklatan na pinuntahan ko dati. Katulad na katulad yun ng aklatan na pinuntahan ko noong gabi. So meron ding chance na pwedeng andun din yung lagusan. Ang naalala ko ay may pintuan doon sa gitna. Nakita ko rin ang binatang lalaki na nagbabantay na may hawak na lampara.


Napatingin naman ako sa lampara na dala ko ng mapadpad ako dito. Sa tingin ko ay hindi ko dapat to mawala. Bukas pupuntahan ko ang aklatan at titingnan ko kung tama ba ang hinala ko. Inayos ko na ng dahan dahan ang pwesto ko para makatulog na. Ipinikit ko ang mata ko saka niyakap ang isang unan na nasa tabi ko.





Maya maya pa ay nagising ako dahil may tao akong nakitang lumabas sa silid ko. Hindi masyadong naisara ang pintuan kaya naman medyo kita ko kung sino ang nasa labas. Nakita ko naman si Leonel at ama na naguusap. Na tulog na lamang ako dahil inaantok na ako, for sure business lang ang pinaguusapan nila.






"ayos ka lamang ba, kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni ate lucinda. Kakalabas ko lang ng banyo tama nga, bukas ay ayos na ako. Nakakalakad at nakakatayo narin ako pero masakit parin ng kaunti yung bandang tiyan ko. Napaupo na ako saka pinunasan ang buhok kong basa.


"hindi na ayos na naman ako, kailangan ko ring sanayin e" saad ko. Lumapit sya at kinuha ang towel na hawak ko saka sya na ang nagpatuyo ng buhok ko.


"kamusta nga pala si jose?" tanong ko. Dalawang arawnadin ng mangyari iyon. Wala rin naman akong naririnig na balita o kaya chismis kasi nasa loob lang ako ng bahay.

"wala pa ring balita. Ang alam ko lang ay hindi na nakikita si jose lumabas" malungkot na saad nya. Hinawakan ko lamang ang kamay nya at Ngumiti. Ngumiti sya pabalik.







Balak ko sanang pumuntang aklatan kaya naman agad agad akong bumaba para humingi ng permiso. Alam ko rin na hindi nila ako papayagan kahit pa mang hingi ng permiso kaya naman isasama ko nalang si ate lucinda.



"hindi maari. Masyadong marami pa ang nangyayari, katulad ng sabi ko ay bawal kayo umalis dito sa tahanan na ito." sambit ni ama at pumatungo na sa upuan nya. Napasimangot naman ako. Ayos na naman ako wala rin akong magagawa dito, atsaka anong maraming nangyayari eh ang tahimik sa labas.




Lumabas na si ate lucinda sa silid ni ama. Nanatili naman ako dahil may Naisip akong ideya. Agad akong lumapit sa lamesa ni ama at nagsalita.



"maari po bang lumabas kapag kasama ko si Leonel" saad ko saka tinuro yung lalaking nasa labas. Hindi ko naman talaga alam kung sino yung lalaking iyon kunwari lamang na si Leonel yun, siguro papayagan nya anman ako diba. Tumingin lang sya doon sa tinuro ko at tumingin uli sa akin.

"nais ko lamang po talagang pumuntang aklatan" sambit ko uli. Inilapag na ni ama ang librong binabasa nya at tumingin sa akin.


"pumapayag ako. Ngunit dapat ay makauwi ka ng maaga" sabi nya dahilan para mapatalon ako sa tuwa. Naalala ko nga pala na masakit ang tiyan ko kaya agad akong humawak sa lamesa para alalayan yung sarili. Napatayo naman si ama dahil dun, nag okay sign lang ako saka lumabas na.





Bitbit ko rin ang isang basket kasama doon si emma . Yung stuff toy pinangalan ko syang emma eh, ewan ko rin bat emma ang naiisp ko. Nakita ko naman sa gild yung lalaking tinuro ko bilang Leonel. Nakatalikod sya at nakikipagusap sa mga bata. Maglalakad na sana ako ng may Marinig akong tumawag sa akin.



Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon