"gabby?" rinig kong may boses sa tabi ko ng minulat ko ang aking mata.
"ina si gabby ay gising na!" sigaw ni ate luicinda na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang ang paligid at mukhang nasa silid ako. Unti unti akong bumangon dahilan para alalayan ako ni ate luicinda. Bakas din sa mukha nya ang pagaalala.
Hinawakan ko naman ang ulo ko dahil sa saglit na pagsakit ngunit maya maya pa ay nawala narin iyon. Ramdam ko rin na guminhawa ang pakiramdam ko ngayon. Nakita ko namang agad agad na pumasok si ina sa silid, dali dali syang pumatungo sa akin saka pinagmasdan ako habang hawak ang Magkabilang balikat ko.
"diyos ko salamat naman at nagising kana" saad ni ina saka yumakap sa akin. Ilang araw nanaman kaya ako natulog dito?
"ayos ka lamang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ni ina ng kumalas na sya sa pagyakap.
"ayos lang po ako, huwag na kayong mag alala" saad ko.
"nagulat nalang kami ng makitang wala ka sa loob ng silid mo. Hinanap ka namin sa buong bahay ngunit wala ka talaga kaya naman nagsimula na kaming maghanap sa labas. Akala nga namin ay sumunod ka kay Leonel ngunit natagpuan ka namin na walang Malay sa aklatan. Pagkatapos non ay wala ka paring malay ng dalawang araw"pagpapaliwanag ni ate luicinda. Kung ganon ay dalawang araw na akong wala rito. Napahinto naman ako ng marealize ang sinabi ny kanina na akala nila ay pupunta ako kay Leonel, kung ganon ay wala parin sila hanggang ngayon?
"si Leonel po-" hindi ko na na tuloy ang sasabihin ko ng makarinig kami ng ingay sa labas. Tumayo narin ako roon saka tumingin, maraming guwardiyang sibil ang naghahanda at yung iba ay nakasakakay sa kabayo mukhang aalis.
Siguradong may nangyayari talaga. Ar sigurado din akong ang mga guwardiyang sibil ay tutungo kung nasaan si Leonel. Buong araw kong inisip kung ano ang gagawin ko, hindi na ako mapakali kung wala akong gagawin.
Mag isa na ako ngayon sa kwarto at naghihintay na sa hapunan. Napatingin naman ako sa kalesa na nasa labas. Naalala ko si angelito, siguradong alam nya kung nasaan si Leonel ngayon. At isa pa alam ko rin kung saan sya matatagpuan, kailangan ko lang syang kumbinsihin na ipunta nya ako roon.
Tapos na akong kumain at naghahanda na para umalis. Balak kong bumaba sa bintana, mayroong palumpong sa gild at doon ko balak bumagsak. Pinulupot ko lang ang kumot sa katawan ko para hindi ako gaano masaktan. Ng mabuksan ko ang bintana ay agad na sumalubong ang malamig na hangin sa akin. Naghintay ako ng ilang Segundo dahil may mga taong dumadaan sa gilid.
Ng wala ng tao ay agad kong niyakap ang sarili ko saka tumalon ng diretso sa palumpong. Mabuti na lamang at maayos na ang pakiramdam ko para magawa ko ito. Ng makalapag ay napagulong ako dahilan para manlaki ang mata ko ng makakita akong aso. Winagayway ko lang ang kamay ko para umalis na sya, mabuti na lamang at hindi sya tumahol. Tumingin sa akin yung aso na para bang hinuhusgahan ang ginawa ko kanina. Tumayo na lang ako saka inayos ang sarili ko, iniwan ko lang din ang kumot doon.
"binibining gabby anong ginagawa nyo dito?" tanong nito habang kinukusot ang mata nya. Mukhang nagising ko yata. Papapasukin nya pa sana ako ng tumanggi ako kailangan ko ng sabihin kung bakit ako nandito.
"angelito dalhin mo ako kung nasaan si Leonel" mabilis kong sabi dahilan para mapatigil sya at tumitig sa akin. Mukhang gulong gulo naman sya.
"ah ano po kasi hindi ko alam kung nasaan si-" pagsasalita nya ngunit hindi ko na sya pinatapos. Alam kong alam nya kung nasaan si Leonel.
"angelito huwag kanang magsinungaling pa. Alam ko na alam mo kung nasaan sya." saad ko habang nakatitig lang sa kanya. Todo iwas lang sya ng tingin.
"totoo ho hindi ko talaga alam kung nasaan sy-"
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Narrativa Storica(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...