Napatingin lang sa akin ang mga tao habang ako ay gulat at hindi alam ang gagawin ko. Napatingin naman ako sa suot ko ngayon na nakapantulog pa ako. Habang hawak ko ang lampara saka ang jacket.
"hindi ba sya ang bunsong anak ng pamilyang ramos" Narinig ko na bulungan nila. Ako? Isang ramos?
Cruz ako e.Ramdam ko naman na may kumaripas na tumakbo sa likuran ko at nakita ko ang isang babae na alalang alala. Agad nya akong niyakap.
"gising kana. Gising na ang anak ko" sambit nya habang umiiyak. Naguguluhan parin ako sa nangyayari. Nakita ko rin na may isa pang babae na lumapit sa akin at halatang iiyak na.
"gabby ayos ka lang ba?" tanong nya s aakin habang hinahaplos nya ang ulo ko. Napatulala na lang ako. Gabby? Sino yun.
"ina, kailangan na natin syang iuwi sa bahay tatawagin ko na lamang si doktora gomez para makapunta sa bahay." saad nito. Tumango lang ang babaeng nakayakap s aakin. Muli nya akong tiningnan kita parin ang mga luha nya. Itinayo nila ako ng dahan dahan at ilang saglit pa ay may dumating na kalesa sa harapan ko.
Pumasok lang kami roon habang ako ay marang baliw na kanina pa natulala. Akala ko ay budol lang nito ni manong hindi pala. Nakatingin na ako sa labas ng kalesa ng makita ang mga tao. Tumigil ang kalesa sa isang malaking bahay, meron kasing third floor kaya malaki na para sakin yun.
Inilalayan nila akong bumaba pati narin sa pagpasok nagtagal tuloy kami sa pintuan. Sasabihin ko sana na ayos lang ako at kaya kong maglakad ng makita ang mukha nilang sincere, kaya hinayaan ko na lang sila.
Ng makapasok kami sa isang silid ay inihiga na nila ako roon. Maya maya ay hinawakan ng babae ang noo ko, tinitingnan yata kung maiinit ba ako?
"ano po bang nangyari?" tanong ko, dahil kanina pa ako takang taka. Napaupo naman ang isang babae sa tabi ko at tumingin sa akin.
"nilagnat ka nung pagkauwi mo sa bahay kaya dinala ka na namin sa ospital dahil nawalan ka na ng malay. Matapos ang dalawang araw ay hindi ka parin nagigising kaya naman ay nagtataka na kami." sambit nya at huminga ng malalim bago magsalita muli.
"at ngayon ay nakita na lamang namin na wala kana sa kama. Agad ka naming pinahanap, hanggang sa makita ka na namin" pagpatuloy nya. Ako nilagnat, bakit naman.
"ayos ka lamang ba gabby?" tanong naman ng isang lalaki na kakapasok lang sa pinto at halatang tumakbo. Siguro ay magkasing age lang sila ni papa.
"gabby?, Ako?" tanong ko agad at itinuro ang sarili ko. Lahat sila ay nakatitig sa akin. Gosh feel ko tuloy may nagawa akong kasalanan. Sino ba kase si gabby ha, atsaka bakit dahon pa yung pinangalan sa kanya.
Hindi na na tuloy ang sasabihin ko ng may pumasok ng isa pang babae may hawak syang maleta. Ah ito siguro yung doctor.Bumati muna sya sa kanila at saka dumeretso sa akin. Chineck nya ang temperature ko gamit ang kamay nya pagkatapos ay may kung ano ano pa syang ginawa na di ko maintindihan, kahit yung materyales nya ay hindi mukhang high-tech.
"mukhang nawala na ang lagnat ni gabby. At tungkol naman sa pag hindi pag gising nya noong nakaraang dalawang araw ay maari dahil lamang ito sa pagod" saad naman nung doktora dahilan para kumalma ang mukha ng lahat.
"sana lamang ay wag kanang umalis ng walang paalam binibining gabby. Pinagalala mo ang pamilya mo" salbit nya sa akin habang nakangiti. Napa tabingi naman ang ulo ko at tumitig sa kanya. Nawala rin ang ngiti nya natakot siguro.
"ako umalis?, ng walang paalam. Parang tumakas ganon?" tanong ko uli at lahat sila naman ay takang taka na sa mga pinagsasabi ko. Siguro balak na nilang ialog ang ulo ko para maging matino man lang ako.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Fiksi Sejarah(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...