Pagkalabas ko ng aklatan ay nagsitinginan din ang iba dahil sa kasuotan ko. Nagpalingon lingon na lang ako. Naglakad lakad ako baka sakaling may nakakakilala sa akin para ibalik na nila ako sa bahay ko. Maraming nagbago dito dahil may mga nakatayong tindahan na talagang pinagbago sa naalala ko dati noong nandito pa ako.
"gabby?" natigilan ako ng marinig ang isnag boses. Nagpalingon naman ako at nakita si Leonel, agad syang bumaba sa kabayo at tumakbo papaunta sa akin. Kita sa mukha nya na hindi sya nakatulog at oagod na pagod.
Agad nya akong niyakap. Napayakap naman ako pabalik. Maya maya pa ay nakita ko na tumatakbo si ama at ina pati narin si ate lucinda papunta sa akin.
"anak ko!"
"gabby!"Sigaw nila habang tumatakbo papunta sa akin.
Ilang saglit pa lamang ay nakaramdam ako ng pagkahilo, unti unti naring sumasakit ang ulo ko. Napansin naman agad iyon ni Leonel, dahilan para mapabitaw sya sa yakao at tintigan ako.
"gabby?" saad nya at inalalayan ako. Unti unti naring nawawalan ng lakas ang bawat tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Mabuti na lamang at naalalayan ako ni Leonel. Maya maya pa ay nawalan na ako ng malay at bumagsak sa braso ni Leonel.
Agad akong nagising ng pagkatapos kong maalala ang lahat ng nangyari simula pa lamang. Hinahabol ko ang hininga ko pagmulat palang ng mata ko. Napahawak naman ako sa dibdib, maya maya pa ay may pumasok sa loob. Ngayon ko lang din napansin na nasa silid na pala ako.
Nagulat naman ako ng biglang tumakbo papunta sa akin si leonel saka hawak sa mukha ko. Pinagmasdan nya lang ako at chine check ang temperature ko.
"ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong nya. Nagpailing iling lang ako saka niyakap sya. Nagtaka din sya sa ginawa ko pero niyakap nya ako pabalik at hinahaplos lang ang buhok ko.
"Leonel naala ko na. Naalala ko na lahat" saad ko. Napa buntong hininga naman sya. Maya maya pa ay hinawakan nya ang mukha ko saka iniharap iyon sa kanya. Wala syang sinabi ngunit hinalikan nya lang ang ulo ko saka pumatuloy sa pagyakap.
Ilang minuto din at napatahan nya na ako. Nakasandal ako sa dibdib nya habang ang braso nya ay nakapalibot sa akin. Hawak ko ang baul at pinagmamasdan ito.
"kung ganon ay nabasa mo na pala ang mga sulat ko" sambit nya. Tumango ako bilang tugon. Paulit ulit ko rin iyong binasa. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano nya nakayanan iyon.
"ang mahalaga ay ayos ka lang" saad nya at hinalikan ang ulo ko. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. Nawala naman ang ngiti ko ng may maalala ako. Humarap ako sakanya ng nakakunot ang noo.
"sa susunod huwag kang magdedesisyon ng mag isa" sambit ko at tinuro turo pa sya. Napatawa naman sya ng bahagya. Umayos sya ng upo at tumingin sa akin.
"sa susunod ay huwag ka ng umalis ng walang paalam o pasabi manlang" saad nya dahilan para mapataas ang kilay ko.
"huwag mo akong sinusumbatan" pagtataray ko. Nakita ko lang syang Tumango na para bang sumuko na sya.
"pangako, hindi na ako mag dedesisyonng mag isa. At hindi na rin ako susumbat" salita nya dahilan para mapatawa naman ako. Mukhang seryoso pa naman sya doon. Ngumiti lang ako saka niyakap uli sya.
"ina huwag mo akong siksikin"
"huwag kang maingay"
Rinig kong bulungan galing sa pintuan. Napalingon naman ako doon ng makita si ina at ate lucinda na nakadungaw sa pintuan. Si ate lucinda naman ay may hawak na camera siguro ay pinipicturan kami.Napaayos naman sila ng tayo ng makitang nakatingin na kaming dalawa sa kanila.
"ang totoo nyan ay napadaan lang kami" saad ni ate lucinda at saka tinago ang camera. Siniko naman ni ina si ate lucinda.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Fiksi Sejarah(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...