Chapter 7

32 4 0
                                    



"gabby! Saan ka nanggaling?
Kanina pa kita hinahanap, pati sina ina ay nagtataka narin" bungad sa akin ni ate lucinda. Nakita nya namang nakatulala ako kaya muli syang nagsalita.



"may nangyari ba?" saad nya dahilan para mapatingin ako.

"ah wala naman, tara gutom na rin ako" sambit ko saka hinila na sya para maglakad. Nakakapit na ako sa braso nya ng makita ko ang mukha nya. Mukhang may gustong sabihin, parang kanina lang sya ang nagtanong kung ayos lang ba ako.

"bakit? May gusto ka bang sabihin?" saad ko saka binagalan ang paglakad para makausap ko sya ng maayos. Agad naman syang lumingon sa akin at yumuko.

"kanina nung umalis ako, hindi nakapunta si jose sa tagpuan namin. Naisip ko lang baka may nangyari" sambit nya na nakayuko parin. Ah nagaalala pala sya. Na pahinga naman ako ng malalim bago magsalita.

"huwag kang mag alala ate lucinda, hindi naman basta basta mapapahamak si jose." saad ko. Hindi talaga ako magaling pagdating sa pag comfort.

"atsaka pwede naman natin syang kamustahin, tiyak na papayagan tayo ng ama nya dahil mga ramos tayo" saad ko, nakita ko namang medyo umokay na yung mukha nya. Mabilis narin kaming naglakad baka magtaka pa sina ina.






Mabilis lang din ang kainan namin. Nasa kuwarto na ako at nakapantulog narin. Hindi muna ako humiga dahil medyo basa pa ang buhok ko, naligo kasi ako ngyong gabi e. Ang init init kase kanina. Umupo ako doon sa upuan kasama ang maliit na lamesa sa tabi ng kama.



Maya maya pa ay nahagip ng mata ko ang isang maliit na baul sa ilalim ng lamesa. Yumuko ako para tingnan iyon, may nakatakip sa baul kaya naman parang wala talaga iyon doon. Lumuhod na ako para makuha ko iyon. Pagkakuha ko ay agad kong hinipan ang ibabaw dahil sa dami ng alikabok, napaubo pa nga ako dahil dun.


Umupo na muli ako saka akmang bubunsan na iyon ng makita kong naka kandado ito. Lumuhod uli ako sa ilalim dahil baka nandoon din ang susi, pero wala naman akong nakita. Napaisip tuloy ako baka mga alahas 'to o kaya may mapa para mahanap mo yung secret treasure.

Napatawa lang ako at na tigilan ng makita ko sa bintana si ate lucinda na lumalabas sa bahay. Masyado ng gabi san kaya sya pupunta.



Sumilip muna ako sa pintuan, nakita ko namang wala ng masyadong tao kaya lulabas ako ng dahan dahan. Kinuha ko ang lampara kasama sa akin dahil medyo madilil na dito sa bahay. Kapa rin ako ng kapa dahil hindi ko na alam kung nasaan naba ako napadpad.


Pagbaba ko sa hagdanan ay naglakad lang uli ako ng deretso. Napahawak naman ako sa dibdib ng biglang bumukas ang ilaw. Nakita ako ng isang katulong halata din sa munha nya na nagulat sya.


"binibining gabby gabi na bakit wala kayo sa silid ninyo?" agad na tanong nya. Napatingin naman ako sa kamay nya, nagtapon pala sya ng basura.

"ah nais ko lamang ho ng tubig" sambit ko saka lumakad papunta sa kusina. Pagkapasok ay natigilan rin ako, hindi pala talaga ako makakatakas. Kumuha nalang din ako ng tubig at saka uminom. Nagstay din ako doon ng mga ilang minuto kase merong pusang nakapasok. Dati ko pang gustong magka pusa kaso ayaw naman ni mama.




Tumayo na ako dahil knaina pa pala ako rito. Nagpaalam na ako sa pusa saka inayos ang baso na ginamit ko. Bitbit ko rin ang lampara papuntang hagdan. Nakita ko namnag nakabukas ang pintuan ng silid ko. Nakita ko namang napalakad ang isa pa naming katulong. Magsalita na sana sya ng unahan ko na sya.



"may nakita po ba kayong pumasok sa silid ko?" tanong ko.

"ah pumasok po ang iyong ama dahik nakabukas ang pintuan, nagtanong din po sya sa akin kung nasaan ikaw. Sinabi ko lamang ho na kayo'y tulungong kusina para uminom, nakita ko kase kayo kanina e" saad nya. Nagpasalamat naman ako at pumasok na sa kwarto ko.



Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon