Epilouge

36 3 1
                                    

-Leonel Santiago-

"g-gabby" rinig kong hagulgol ni lucinda habang hawak ang katawan nito.

Kanina pa ako tulala at ayaw lingunin ang katotohanang wala na sya. Hanggang ngayon ay prinoproseso ko parin ang nangyari, nakita ko kung paano sya namatay sa piling ko. Ayokong makita ang katawan nyang hindi na humihinga dahil kailanman ay hindi ko ito matatanggap.

Dahan dahan kong pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo kanina pa. Tinakpan ko na ang mukha ko ng mapahagulgol ako sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Ang hirap isipin na kinabukasan ay hindi ko na sya makikita dahil habang buhay ay wala na sya.

Kasabay ng kanyang pagkawala ay unti unti narin akong nawawalan ng landas.

"hindi ka nanaman kumain, Leonel anak kahit kaunti lamang" pagmamakaawa ni ina sa pintuan. Nakasandal lamang ako sa pader habang pinagmamasdan ang makalat na silid ko. Dalawang araw na ng makalipas simula ng mangyari iyon. Nawala ako sa sarili ko at hindi makapagisip ng maayos tila blangko lamang ang nasa isip ko.

Dalawang araw pa lamang paano na ngayon na wala na sya habang buhay.

Narinig kong lumakad na papaalis si ina sa tapat ng pintuan ko. Lumingon muli ako sa paligid at nakita ang litrato namin noong bata pa. Tumayo ako Dahan dahan, napahawak ako sa noo ko ng makaramdam ng hilo sa pagtayo ko. Pinagmasdan ko ito saka dahan dahang hinawakan.
Pwede bang bumalik sa simula? Sa simula na walang problema at tayo'y nakangiti lamang sa isa't isa.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko Kasabay ang pagkirot ng puso ko. Mahirap mabuhay sa mundong ito ngunit mas mahirap kung wala sya dahil sya ang pinagkukunan ko ng lakas.
Napayuko na lamang ako habang patuloy parin ang agos ng luha sa aking mga mata.

Sa tagal ng pinagsamahan natin paano pa ako babangon nito?








"kamusta ka?" bungad na tanong ng ama ni gabby na nasa harapan ko ngayon. Pumunta sya rito upang bisitahin ako. Napayuko nalang ako at hindi alam ang sasabihin kung sasabihin kong ayos lamang ako ay agad nyang malalaman na nagsisinunfaling lamang ako. Tahimik lang akong nakatingin sa sahig. Rinig ko ang buntong hininga nya ng hindi ako makasagot.

"alam kong mahirap Leonel, pero sana huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil hindi yan magugustuhan ni gabby,ang makita ka nyang nagdurusa dahil sa kanya. Kilala mo naman yun nakokonsensya sya kapag alam nyang sya ang dahilan ng kung ano." mahinhin nyang sabi. Tama sya siguradong hindi magugustuhan ni gabby ang makikita nya ngayon kapag nakita nya ako.

"isa pa ay nagaalala rin kami. Maraming nagaalala sayo Leonel kaya huwag mong iisiping mag isa ka lamang" muli nyang salita dahilan para mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Parang pamilya na ang Turing ko sa kanila at ganun din sila sa akin.

"gusto kong magpasalamat dahil nandyan ka kay gabby sa mga panahong wala kami para sa kanya. Kilala ko ang anak ko ikaw ang palaging mukambibig at palaging buntot sayo kaya hindi na ako magtataka kung sayo nya lamang sinasabi ang mga problema nya. Nagpapasalamat rin ako dahil minahal mo sya at pinaramdam mo sa kanya na mahalaga sya. Nagpapasalamat ako dahil ikaw iyon."

"hindi mo kailangang isisi ang nangyari sayo Leonel wala kang ginawa sadyang tadhana na ang kumilos. Kung kailangan mo ng mararamayan nandito lang kami, pangalawang magulang. Magpahinga ka Leonel huwag kang susuko" saad nya bago pa umalis ay binigyan nya ako ng yakap. Kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nya. Masyado akong nadala ng emosyon ko hindi magugustuhan ni gabby kung basta basta na lamang akong susuko.







"aalis ako ng maaga ina huwag ka ng mag abala pa" saad ko ng maglagay na naman si ina ng pagkain sa plato ko. Umaga na at lumabas n ako sa silid ko dahil may pupuntahan ako.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon