-'paumanhin aking mahal hindi ako nakapunta sa ating tagpuan kahapon. Nagalit si ama sa akin dahil madalas na daw akong umalis ng gabi. Alam kong masama ang iyong loob dahil alam kong naghintay ka, ngunit huwag kang mag alala sa susunod ay hindi na kita pag hihintayin. Sana'y matanggap mo ang paghingi ko ng tawad.
Sana rin ay iyong tanggapin ang bulaklak na nakita ko kanina. Naalala kita tuwing nakikita ko ang bulaklak na ito, palagi akong napapangiti. '-
-'nakauwi kaba ng maayos? Gusto ko lang malaman mo na masaya akong makita ka kahit sa kaunting saglit lamang.'-
-'alam kong dapat ay mahaba ang isusulat kapag magsusulat ng sukat para sayo.
Ngunit gusto ko lang sabihin na masaya akong nakilala kita'-
-'narinig kong nagkasakit ang iyong ina kaya naman ay nagpadala ako diyan ng prutas. Pasensya narin at hindi manlang kita nasilayan ng ako'y pulunta dyan. Kahit ako ay dismayado dahil hindi ko manlang ika' y nakita.
Ngunit huwag mo sanang kakalimutan na ikaw lang ang nasa isip ko'-
-'nakita ko ang buwan ngayon. Gusto ko sana sa susunod ay sabay natin itong matitigan mahal ko' -
-'kamusta ka na. Alam kong hindi mo ito makikita dahil hindi ko na ito ipapadala sayo. Nasilayan kita kaninang umaga, masaya akong malaman na ayos kana at masigla kana muli katulad ng dati.
Mahirap man ngunit kailangan na ata nating kalilutan ang isa' t isa. Isa ka sa mahalagang nangyari sa buhay ko kaya naman sa tingin ko ay hindi ko basta basta magagawa iyon. Ngunit kakayanin para sayo'-
-' hindi ko na kaya. Akala ko ay kakaayin ko ngunit hindi pala. Lubos na nagdurusa ang puso ko sa tuwing naalala ko na hindi mo na ako maalala at ang mga pinagsamahan natin, ngunit ang mas masakit ay dapat hindi mo na talaga ako maalala pa. '-
-'ikaw parin.' -
Tulyan na akong napaluhod at humagulgol ng matapos kong basahin ang mga sulat na nasa baul. Patuloy lang ang pag iyak ko ng maalala lang ang mga salitang isinulat nya. Nahirapan siguro syang gawin ang lahat ng iyon buong araw. Sa tuwing naiisip ko kung paano nya nagawang maging ayos lang pero sa totoo lang ay pagod na rin sya.
He's a good person, hindi nya deserve ang nangyari sa kanya.
"iha kumain kana hindi pwedeng titigan mo lang ang pagkain" saad ni manong ng nakita nyang hindi pa ako kumakain. Nakatulala lang ako buong oras. Na saktan ako dahil nalaman ko na ang totoo, nasaktan din ako dahil nalaman ko ang lga pinagdaanan ni Leonel.
Nagsimula na akong kumain. Hindi ko naubos ang pagkain dahil wala akong gana. Hinayaan lang ako ni amnong saka iniligpit ang plato.
"kailan po ba ako makakauwi?" tanong ko. Napalingon naman sa akin si manong.
"mamayang Takipsilim. Tuwing Takipsilim nagbubukas ang lagusan. Kailangan rin na dala mo ang lamparang ginamit mo. Huwag kang mag alala ako na ang kukuha ng lampara sa bahay nyo dahil kilala naman ang aklatan na ito sa pagbebenta rin ng lampara" saad ni manong. Napahinga naman ako ng malalim buti nalang at hindi ako puoubta uli doon. Gusto ko na talagang umuwi, kahit sa maikling panahon ay naging masaya naman ako dito.
Tama si manong naging masaya talaga ako dito. Dahil lang naman iyon kay Leonel. Hindi ko man nais na umalis at dumagdag sa sakit sa nararamdaman nya, ngunit ayoko naring masaktan pa. Alam kong ang selfish ko pagdating sa part na to, siguro tama rin ang magulang ko,dapat talagang kalimutan na namin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Ficção Histórica(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...