"Gabby ayos ka lamang ba? Kanina ka pa nakatulala dyan" nawala naman ako sa pagkatulala ko ng magtanong si ate lucinda. Nagtutupi sya ng damit dito sa kwarto ko para mabantayan na rin daw ako.
"ah wala, may iniisip lang" sambit ko. Syempre wala naman akong iniisip ngayon, Maliban dun sa nangyari kanina lang.
"may problema ba?" tanong uli nya. Umiling na lang ako at humiga na uli sa kama. Nakakahiya bakit kase may kalabaw doon sa place nayon. Paano na ako haharap sa kanya!
"o sya mamaya ay pupuntahan uli kita para bumaba. Sabay na tayong kakain ng hapunan" saad ni lucinda at umalis na. Kaya ko namanng maglakad at tulayo kaya pwede na akong sumabay sa kanila. Malapit naring maghapunan kaya nauna na akong bumaba.
"sabi ko puountahan kita e, huwag ka ng mag abala umupo ka nalang doon" sambit ni ate lucinda ng makita nya akong nagbibitbit ng mga plato. Napakunot na lang ang ulo ko ng kinuha nya iyon. Kaya ko naman e atsaka kailangan ko ring maging busy para may iba naman akong maisip.
Wala na akong gumawa at umupo na lang. Bored na bored na ako kaya umakyat muna ako sa taas. Nakita ko namang bukas ang kwarto ni ama, sasaraduhan ko sana ng makita ko yung maliit na baul na nasa kwarto ko. Akala ko nawala na iyon andito lang pala, pero bakit nandito?
Papasok na sana ako ng marinig kong tinawag na ako ni ate lucinda. Wala na akong nagawa at bumaba na at sinaraduhan ang pintuan. Pagkaupo ko sa upuan ay ang nasa isip ko lang yung baul.paano napunta yun doon, baka naman kay ama talaga iyon kaya nasa kwarto nya. Kulain na lang ako habang si ama at ina ay naguusap lamang ng kung ano ano.
Mabilis lang din natapos ang pagkain namin. Naghuhugas ako ngayon kasama si ate lucinda, pinauwi namin ng maaga yung mga katulong. Buti nga pinayagan akong maghugas eh.
"may balita ka naba ate kay jose?" tanong ko. Kahit ako ay walang balita rin sa kanya hindi naman kami close masyado tapos baguhan din ako sa lugar nato.
"ayos lamang daw siya. Hindi parin tanggap ng ama at kapatid nya ngunit wala naman silang ginagawang masama. Ang sabi din nya ay maari ka daw mag sampa ng kaso kay david dahil sa nangyari, ayos lamang daw." saad nya. Pinagpatuloy ko lamang ang paghuhugas ko at napaisip. Kung magsasampa lang ako ng kaso ay magiging malala lang ang lahat, ayoko ng gumawa ng problema rito.
Wala si ama dahil may pinuntahan lang sya saglit. Si ina naman ay nasa kusina. Umakyat na ako ng mapadaan ako sa kwarto ni ama. Wala nalan sigurong masama kung hihiralin ko lang yung bauk diba?
Dahan dahan akong pumasok at kinuha ang maliit na baul na nasa lamesa. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at sinaraduhan iyon.Napasapok na lang ako sa ulo ko ng makita na may kandado nga pala ito. Ibinaba ko nalang ang baul, ibabalik ko nalang ito pag may time. Tinanggal ko na ang mga accessories na suot ko. Pagkatanggal ko ng hikaw ay inikagay ko ito sa lalagyanan,ng may nakita akong isang kwintas. Kinuha ko iyon, meron syang susi na pendant sino bang nagbigay sa akin nito?
Naalala ko naman ang baul at saka kinuha ito kasama na ang kwintas. Bumaba ako sa may likod ng bahay namin saka nagpalingon lingon kung may tao ba sa paligid. Akmang uupo na sana ako ng maramdamang may tao sa harapan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita si david. Kita ko naman na bugbog sarado din sya, ano bang nangyari dito. Nagulat naman ako ng lumapit sya sa akin at malakas na sinampal ako. Nasa lapag na ako at kita ko rin na nasa lapag narin yung baul at yung kwintas. Kukuhanin ko na sana iyon at tatayo ng biglang hablutin ni David ang damit ko para humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...