Kakatapos lang namin magtanghalian at balak ko sanang puntahan si gabby sa kanilang bahay. Nagaayos ako ng gamit ko ng may marinig akong nagsisigawan sa baba. Agad akong bumaba para tingnan kung anong nangyayari.
Nakita ko naman si ina hawak sa braso si ama habang sumisigaw ito.
"paano mo nagawa ito danilo? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin!" sigaw ni don Antonio nakita ko namang andun din ang ina ni gabby at hawak din ang kamay ni don antonio para pakalmahin sya.
"may kailangan akong gawin Antonio. Wala ng naitutulong ang negosyo na ito!" sumbat ni ama at punong puno ng galit.
"kaya ba nakipagsama ka sa kaalitan ko! Alam mo namang kaalitan ko iyon!" sigaw uli ni don Antonio. Nasa hagdanan parin ako at naistatwa na lamang. Hindi naman nakapagsalita si ama at napayuko na lang.
"kung ganon ay pinuputol ko na ang anuman ugnayan ng pamilyang Santiago at pamilyang ramos!" saad ni don Antonio dahilan para matigilan ako. Kung puputulin nya ang ugnayan ng pamilya namin at ang pamilya nila ay siguradong pati kami ni gabby ay hindi na maaring magkita.
"matagal ko namang nais yan! Buti na lamang at sinabi mo na" Sigaw ni ama bago pa man umalis si don antonio at donya dayana.
Ng pumasok na si ama at ina s aloob ay na tigilan sila ng makita ako sa hagdanan. Narinig ko naman ang buntong hininga ni ama at dumeretso na lamang sa kanyang silid. Agad namang lumapit si ina sa akin at yumakap.
Simula ng araw n aiyon ay tuluyan ng nawalan ng koneksyon ang pamilyang ramos sa amin at ganon din sa kanila. Ngunit hindi parin nalan naiba ang trato nila sa akin, pati din ang mga magulang ko ay hindi trinato si gabby ng katulad sa magulang nya. Dahil wala naman kaming kinalaman.
Simula din ng araw na iyon ay pahirapan narin ang pagkikita namin ni gabby. Bihira man ay matagal din kaming nagsasama tuwing may pagkakataon. Palihim lang din Kaming nagkikita dahil alam naming magagalit ang mga ama namin kapag nalaman ito.
At sa tuwing nagkakasama kami ay tuluyan naring lumalim ang pagtingin ko kay gabby.
"leo saan ba tayo pupunta? Baka makita pa tayo ni ama atsaka nilalamok na ako e" pag rereklamo ni gabby na nasa likod ko at sinusundan ako. Naoatawa na lang ako, balak kong sabihin sa kanya ngayong gabi, Kasama ng buwan.
Huminto ako saka humarap sa kanya. Takang tingin lang ang binigay nya habang yakap ang sarili. Ngumiti lang ako saka tumingin sa buwan. Napatingin din naman sya s aitaas kung saan ako tumitingin.
"naalala mo b anoong sinabi mong gusto mo akong pakasalan" sambit ko. Nakita ko namang agad syang lumingon sa akin.
"sabi ko naman sayo bata pa ako noon" saad nya halatang nahihiya na. Parang dati lang ay palagi nyang binabanggit iyon.
Ilang saglit pa ay kinuha ko ang kamay nya. Napatingin naman sya sa kamay nya. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang pulseras. Napangiti naman ako ng maalala na pinagpuyatan ko ito sa pag gawa. Isinuot ko ito sa kamay nya. Napatingin naman ako sa mukha nya ng makitang tuwang tuwa ito.
"para saan ito?" sambit nya at pinagmamasdan parin ang pulseras na binigay ko sa kanya.
"tanda iyan ng pag amin ko na nahulog na ako ng tuluyan sa iyo" saad ko at nakita ko namang naibaba nya ang kamay nya at napatigil.
"naalala ko noong una ko palang tong maramdaman ito. Buo na ang araw ko tuwing nasisikayan ko ang mukha mo, marinig ang boses mo, at makasama ka kahit Segundo lamang.
Hindi ko rin namamalayang napapangiti mo na ako tuwing gabi.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...