Chapter 14

17 3 0
                                    


Naglalakad ako sa daanan papuntang
Opisina. Maraming tao ang nandito dahil nagsimula na muli silang magbenta dahil pinapayagan na sila rito. Habang naglalakad ay napahinto ako sa tindahan ng mga gamit.

Habang tumitingin ay nagulat na lamang ako ng may maramdaman akong nagpatong ng isang Sombrero sa ulo ko.

"bagay saiyo ang kulay na asul" saad nya at Ngumiti sa akin. Gulat ako ng makita si gabby na nasa harapan ko at inaayos ang sobrerong isinuot nya sa akin. Nakatingkayad pa sya.

"hindi ako mahilig sa ganyan" saad ko at inalis ito. Dali dali din akong lumakad papaalis ng hindi sya pinapansin.

"ngunit nakita kita na may suot na Sombrero noong isang araw, hindi ba?" tanong nya at hinahabol qko ngayon. Binibilisan ko ang paglakad ko ngunit patuloy parin sya sa pagsunod nya sa akin.

"huwag mo akong sundan" saad ko nakatingin parin sa daanan at hindi sya tinitingnan.

"sige po heneral" sambit nya ngunit sumasabay parin sya sa paglakad ko. Kaya naman napalingon na ako.

"ang sabi ko ay huwag mo akong sundan" saad ko at kumunot ang ulo ko ng napangiti sya.

"dito din po ako dadaan" saad nya at bahagyang tumawa pa. Napa iwas na ako ng tingin dahil sa inaakala kong sinusundan ko parin sya.

Sabay kaming naglalakad ng makitang nahihirapan sya dahil marami ang tao. Binagalan ko naman ang paglakad ko para hindi sya masyadong masisiksik sa mga taong naglalakad. Nakahabol na sya sa paglalakad kaya naman agad din syang pumunta sa gild ko at sinabayan ako sa paglakad.



Anim na araw at palaging ganon ang ginagawa nya. Madalas nya akong kinakausap at kinukulit. Wala naman akong nagawa kundi ay iwasan sya ngunit kahit anong iwas ko ay sunod parin sya ng sunod sa akin.


Hanggang sa isang araw ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa gitna ng ulan.

"siguro naman ay may kasagutan sa lahat ng tanong k-" saad nya na kanina pa ako sinusundan. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng pangyayaring ito.

"Walang kasagutan dahil wala ka namang dapat na tinatanong" sambit ko at huminto para harapin sya. Basang basa na sya dahil kanina pa nya ako sinusundan habang umuulan. Nag simula na syang mag hinala.

"kung ganon bakit ganito yung nararamdaman ko, tiyak ako na may-" hindi ko na sya pinatapos dahil alam ko kung saan ito tutungo.

"wala. Walang dahilan ang nararamdaman mo. Nagiisip ka lamang ng kung ano ano kaya lubayan mo na lamang ako" saad ko at umalis na at iniwan syang magisa.

Pagkatapos ng pangyayari ay nalaman ko na nasa ospital na sya dahil sa nangyari. Hindi muna ako lumapit sa kung sino mang ramos.

Makalipas ang dalawang araw ay narinig ko na na gising na daw si gabby. Na pahinga naman ako ng malalim sa oras na malaman iyon. Alam kong kasalanan ko ang nangyari sa kanya.



Habang naglalakad ay kinuha ko ang pulseras na ibinigay ko kay gabby dati. Bago ko ibigay kay don Antonio ang baul ay kinuha ko na ang pulseras na ito. Habang pinagmamasdan ay nagulat na lamang ako ng may lga batang nagtatakbuhan papunta sa akin dahilan para labitawan ko ang pulseras na hawak ko.

"paumanhin po heneral!"
"pasensya na po!"
Pag pa paumanhin ng mga bata. Nginitian ko na lamang sila para malaman nila na ayos lamang. Napalingon naman ako para hanapin ang pulseras. Nakita ko naman na pinagsisipa na ito ng mga taong naglalakad. Kaya naman ay agad ko itong hinabol dahil kung saan saan ito napapadpad.



Ilang saglit pa ay napatigil lang ako ng makita si gabby na pinulot ito at pinagmasdan. Dahan dahan akong lumakad papunta sa kanya at humarap. Napatingala naman sya.

"nasayo ba ang pulseras" tanong ko.
Napatagilid naman ang ulo nya. Agad din syang tumayo.

"ah wala sa akin" pagsisinungaling nya. Marahil ay galit parin sya dahil sa nangyari noong gabing iyon. Aalis na sana sya ng agad akong lumapit sa kanya. Patuloy ang pag layo nya sa akin dahilan para mapasandal sya sa pader na nasa likuran nya.

"alam kong nasayo ito" muling pagsasalita ko. Saka kinuha ang pulseras na nasa kanang kamay nya.

"ito lamang ang kailangan ko sayo" saad ko para malaman nya na dapat ay iwasan nya ako. Tuluyan na akong umalis.





Nagpunta kami ng aking tiyo at ang pamikya nya sa handaan ng Fernandes. Hindi na sana ako sasama ngunit pinilit nya ako. Hindi naman talaga ako sasama dahil wala sila ama at ina tuluyan na silang tumira sa cebu at pinagpatuloy ang kanilang negosyo.



Sinusundan ko lamang sila, madalas din ang pagbabati nila sa akin dahil isa akong heneral. Habang nakikipagusap sa isang bisita ay napansin ko na nakarating na ang pamilyang ramos. Nakita ko naman si gabby na pinagmamasdan ang paligid na parang bata.


Maya maya pa ay nawala na sa tingin ko sina tiyo dahil may mga taong kinakausap pa ako. Pinabayaan ko na lamang sila, hahanapin ko na lang sila mamaya. Ilang saglit pa ay umalis na ako at nagsimula na akong hanapin sila. Habang naglalakad ay napahinto ako sa isang lamesa dahil may narinig akong bagok ng ulo doon.

"aray ko" nagulat naman ako ng makita si gabby na dahan dahang umaalis sa ilalim ng lamesa habang nakahawak sa ulo nya. Nakita ko rin na gulat syang makita ako. Tatayo na sana sya ng tuluyan na akong umalis.

"Leonel iho!" tawag sa akin ni tiyo at tinuro ang lamesang inuupuan nila. Nagtungo na ako rito. Naiwan lang ako kasama ang dalawang bata na anak nila tiyo. Nasa edad sampung taon ang isa at ang isa naman ay pitong taon.


Ilang saglit pa lamang ay napatingin ako kay gabby na magisa. Wala rin syang magawa dahil mukhang nababagot na sya rito. Pinagmasdan ko lamang sya. Mukhang tinigilan nya na nga ang pagsunod sa akin. Masmabuti na rin iyon. Maya maya pa ay nakita kong napunta narin doon si ate lucinda at umupo sa tabi nya.





Nandito na ako sa mga pagkain dala ko rin ang dalawang bata upang tulungan sila sa pamimili ng kakainin nila. Lumuhod ako para tanungin sila kung ano ang nais nilang potahe.

"kahit ano po basta yubg walang gulay"

"yung matamis po sa akin"

Sambit nila napatawa nalang ako dahil sa sinabi nila. Kinuhanan ko na sila ng pagkain at inilapag sa lamesa. Iniwan ko sila doon para makakuha na ako ng sarili kong pagkain.




Natigilan naman ako ng nakitang magkatabi na kami ni gabby. Nakita ko namang may iniisip sya at parang kinakausap ang sarili. Nakita ko naman ang mga paborito nyang pagkain at agad itong nilagay sa plato nya. Maya maya pa ay napatingin sya at gulat ng makita ako. Umalis na lamang ako at nagtungo sa lamesa namin.








Mabilis na tumakbo ang oras naguusap lamang ang mga tao rito. Pinauwi narin ang dalawang bata dahil gumagabi na.

Ilang minuto pa ay nakita ko si gabby na mag isa sa kanilang lamesa.
Maya maya pa ay nakita ko na tinikman nya ang alak na nasa lamesa. Napatawa ako ng bahagya ng makita ang mukha nyang napaitan. Hindi ko rin akalain na iinomin nya parin yun. Pinagmasdan ko lang ang pag inom nya hanggang sa umalis na sya at pumuntang balkonahe.




Sinundan ko lamang sya at nakita na nakaupo na sya at nakasandal ang ulo.nakita ko namang mukhang nakatulog sya. Lumapit ako ng kaunti para makita sya. Pinagmasdan ko lamang uli sya, kita rito ang buwan.
Maya maya pa ay tinanggal ko ang dyaket ko at isinuot iyon sa balikat nya. Hinawi ko rin ang buhok na nakatakip sa mukha nya.









Ilang araw ang lumipas ay naging malapit uli kami.

Kaya naman ay lubos akong magtaka ng malaman na nawawala daw si gabby. Pinarating sa akin ni don Antonio ang pagkawala nya at ang dahilan. Nagsimula kaling hanapin si gabby sa ibat ibang lugar.


Ilang araw narin ng mawala sya. Alalang alala naman si donya dayana. Hindi rin ako makatulog sa gabi. Siguro ay dahil nalaman nya na ang dahilan kaya sya umalis.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon