Chapter 18

11 3 0
                                    





Nakalipas na ang dalawang araw simula noong lumuwas si Leonel papuntang cebu. Pa alis alis din si ama dahil sa inaasikaso nya. Pilit din akong sinasabihan nina ina na ayos lang ang lahat dahil halatang nagaalala na ako.


Hindi rin ako makaayos sa pagtulog sa kakaisip.





"paumanhin po" saad ko ng namalayan kong may nabangga pala ako habang naglalakad dahil sa pagkatulala ko. Napatingin naman sa akin si ate lucinda dahil sa inaakto ko. Napabuntong hininga na lamang ako saka kinuha ang bitbit na binili namin ni ate lucinda.




Sumabay na lang uli ako sa paglakad ni ate lucinda. Ramdam ko namang kanina pa sya tingin ng tingin.

"tila malalim ang iyong iniisip, pati paglakad ay nakatulala ka parin." saad nya saka inayos ang bitbit nya. Napatingin naman ako sa kanya saka napabuntong hininga. Hindi na ako nagsalita dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang sasabihin, ni hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.





"huwag kang mag alala, tiyak akong magiging ayos narin ang lahat." saad nya saka hinawakan ang kamay ko. Ngumiti na lamang ako sakanya. Sana nga.

Habang naglalakad ay nakita namin si angelito na kakababa lang ng kalesa. Napatingin muna ako kay ate lucinda bago pumunta kay angelito.

"angelito? Nakabalik na kayo?" agad na tanong ko kita ko naman sa mukha nya na pagod na pagod din sya. Tinanggal nya ang Sombrero nya saka nagbigay galang sa amin ni ate lucinda.

"kakabalik lamang ho namin ni heneral Leonel binibining gabby. Marami pong nangyari kaya agad na umuwi na si heneral Leonel, mukhang masama din ho ang pakiramdam nya." saad nito napayuko naman ako dahil sa sinabi nya.

"mauna na po ako binibining gabby at  binibining lucinda, tiyak na pagod na ang kabayo na ito" sambit nya at saka dahan dahang hinimas ang kabayo. Tumango lang kami at nagsimulang naglakad muli. Habang naglalakad ay nakatulala lang ako, ano ba talagang nangyayari.



Natigilan naman ako ng mamalayan na kinuha na pala ni ate lucinda ang bitbit ko kanina. Lumingon ako sa kanya ng taka.

"sige na puntahan mo na sya. Ako ng bahala magpaliwanang kina ama at ina" saad nya at Ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.

"salamat ate lucinda" sambit ko sakanya at lumakad na papaalis. Nakita ko ring Ngumiti muna sya bago pumuntang bahay.





Sinabi din ni angelito na nasa dating bahay pumunta si Leonel. Simula ng umalis ang magulang nya at nanirahan sa cebu ay hindi narin sya pumunta rito, tukuyan narin syang nakatira sa bahay ng tiyo nya.

Kumatok muna ako bago pumasok ngunit parang wala namang tao. Ng hawakan ko ang pintuan ay nakabukas na pala iyon, pumasok na rin ako dahil walang sumasagot sa pagkatok ko. Wala ring tao sa sala kaya naman nagpalingon lingon ako kung andito ba talaga si Leonel. Napatingin naman ako sa isang silid na medyo bukas ang pintuan.



Nakita ko na may nakakalat na mga bagay sa loob ng silid na iyon. Dahan dahan akong pumunta papunta doon. Sumilip ako ng makalapit na ako, nakita ko naman si Leonel na nakahawak sa ulo nya. Magulo din ang buhok nya pati ang polo na suot nya ay nakabukas ang dalawang butones. Nakita ko naman uli yung mga gamit na nasa lapag mukhang binagsak ito at pinabayaang nasa lapag.




Pumasok ako ng dahan dahan saka humarap sa kanya. Tintigan ko lang sya na nakayuko parin mukhang hindi pa alam na nandito ako sa harap nya. Maya maya pa ay nakita kong dahan dahan nyang itinangala ang ulo nya. Ng magtama ang mga mata namin ay agad uli syang napayuko at bumuntong hininga. Ng makita ko ang mukha nya ay mukhang gulong gulo narin ang isipan nya.




Lumuhod ako para makita ang mukha nya. Malalim din ang paghinga nya. Hinawakan ko ang kamay nya saka hinawakan din ang mukha nya para. Ng magtama uli ang mukha namin ay uni unti ng tumulo ang luha nya dahilan para mapatigil ako, ngayon ko lang syang makitang umiiyak. Alam kong may pinagdadaanan sya ngayon kaya agad ko syang yinakap.



Ramdam ko ang hagulgol nya sa leeg ko. Hinimas ko lamang ang ulo nya habang yakap parin sya. Mahigpit din ang pagkayakap nya sa akin, ramdam ko rin ang sakit sa bawat paghagulgol nya.





"hindi ko na alam ang gagawin ko..." sambit nya nahihirapan din sya sa pagsasalita dahil sa paghagukgol nya.
Hindi parin sya kumakalas sa pagyakap nya. Alam kong nahihirapan na sya. Kaya sana sabihin nya sakin kung anong problema nya.




"nawawala sina ama at ina. Mayroon silang iniwang liham sa akin na huwag na akong makialam sa problema nila dahil mapapahamak lang ako.... Hinanap ko sila pero hindi man lang sila... Nagpakita. Andami kong tanong gabby... Sinubukan kong tuklasin kaso lahat ay wala namang nangyari... Hindi ko parin alam kung nasaan sila.. " saad nya muli. Humiwalay ako sa pagyakap ko saka pinunasan ang mga luha nya. Pinkit nya lang ang mga mata nya. Niyakap ko muli sya, wala akong maisip na pwede kong gawin para sakanya. Sana kahit pagsama ko sakanya sa tuwing may masamang nangyari ay makakatulong.







Ilang saglit pa ay nakatulog narin sya sa kakaiyak. Dahan dahan ko syang inihiga sa sofa na inuupuan namin. Kumuha narin ako ng kumot at kinumutan sya. Hinawi ko naman ang buhok na nasa mukha nya saka tinitigan uli sya. Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maitutulong sa kanya.



Nilinis ko rin ang mga kalat na naitapon nya sa lapag. Pagkatapos non ay umupo na ako sa sahig saka tumingin uli sa kanya. Kinuha ko naman ang kamay nya at hinawakan iyon nalagyan ko narin ng bandage iyon dahil nasugatan sya. Sinandal ko ang ulo ko sa kamay nya at pumikit.








Napamulat na lamang ako ng maramdaman na may naglagay ng kumot sa balikat ko. Dahan dahan akong lumingon, nakita ko naman si Leonel na nakaupo na at nakatitig lang sa akin. Agad akong napatayo para kalustahin sya.

Magsasalita pa sana ako ng kinuha nya ang kamay ko at hinila ako dahilan para mapaupo ako sa mga binti nya. Niyakap nya lang muli ako.

"salamat" saad nya habang nakayakap parin sa akin. Napanguso naman ako sa sinabi nya.

"para saan? Wala naman akong naitulong" sambit ko saka napayuko. Nakita ko namang tumingin sya sa akin. Nginitian nya lang ako.

"malaking tulong na ang pagsama mo sa akin. Wala kang dapat gawin" saad nya saka ngumiti muli. Ngumiti na lang din ako, kahit papano ay umaliwalas narin ang mukha nya.
Inilapag nya na ako sa tabi nya at hawak parin ang kamay ko.




Nagkwento lamang sya sa nangyari.ang sabi nya lamang ay matagal nya ng alam na may problema ang kanyang magulang sa negosyo nila sa cebu. Ng hindi sa malamang dahilan ay nawalan sya ng koneksyon sa kanila kaya naman agad na inasikaso ito ni Leonel. Ang nalaman nya lamang ay mukhang nasabutahe daw ang negosyo ng kanyang ama sa sarili nilang kasapi.






"heneral Leonel! Wala na ho si don danilo sa kasalukuyang tinitirahan nila. Wala rin ho silang iniwan kahit anong gamit papeles at bakas kung saan sila pumunta!"agad na sambit ng isang guwardiyang sibil. Napatayo naman kaming dalawa ni Leonel sa balita. Nakita ko namang napakunot ang noo ni Leonel.



"kung ganon ay wala ring nakakaalam na umalis sila kahit ang kasapi nila sa negosyo?" tanong ni Leonel. Tumango naman ang guwardiyang sibil.

"ang sabi nila ay tuluyan na daw humiwalay sa kanila si don danilo ngunit pinapakita parin nila na kasapi parin si don danilo sa negosyong ito." saad ng guwardiyang sibil. Umalis na din sya dahil may tumatawag sa kanya sa labas.



Napatingin naman ako kay Leonel na inaayos na ang damit nya at mukhang aalis. Habang nagaayos ay napalingon naman sya sa akin. Napatitig na lang din ako sa kanya at yumuko na lang uli.

"May kailangan lang akong gawin. pangako babalik ako." sambit nya at hinalikan ang noo ko. Ngumiti pa sya sa akin. Tumango na lang ako saka sumunod sa kanya papalabas. Pagkalabas naman namin ay may nakahanda naring kabayo at may mga guwardiyang sibil din syang kasama. Tumingin muli sya sa akin at Ngumiti. Ngumiti na lang din ako bago pa sya umalis.

Napahawak naman ako sa kumot na nasa balikat ko parin. Napabuntong hininga na lamang ako ng makitang napalayo na sila. Sana matapos na ang lahat ng problema na ito.





Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon