Chapter 23

14 3 0
                                    






Inalis ko na ang tingin ko sa bintana ayoko ng mag isip pa ng kung ano ano. Baka si Leonel lamang iyon. Uupo na sana uli ako sa kama ng magsalita si ate lucinda sa baba.

"gabby bumaba ka rito Nandito si Leonel! " sigaw nito. Tumayo ako at pumatungong pintuan at agad din naman akong napahinto, kung andito si Leonel edi hindi sya yung lalaki na nakita ko kanina. Binuksan ko na ang pintuan saka dahan dahang bumaba habang iniisip parin ang lalaking nakita ko kanina. Pag kababa ko ay nakita ko si Leonel na nakaupo na at kasama si ate lucinda na nag uusap.


"atan kana pala, bakit ang tagal mo bumaba. O sya pupunta muna ako sa kusina iwanan ko na kayong dalawa" saad ni ate lucinda ng nasa harapan na nila ako. Napalingon naman si Leonel sa akin at nawirduhan sa katahimikan ko. Hanggat maari ayokong mag isip ng masama tungkol doon ang kaso ang creepy kase.

"gabby? Ayos ka lamang ba?" na tigilan ako ng may maramdamang kamay sa balikat ko. Kanina pa pala ako kinakausap ni Leonel at mukhang natulala ako. Humarap lang ako sa kanya at nakitang naka uniporme parin sya ng pang heneral.

"kung ganon hindi nga ikaw yun" Walang malay kong banggit. Napakunot ang noo ni Leonel ng marinig iyon. Ayokong ring sabihin sa kanya yun kaso ang lutang ko.

"anong ibig mong sabihin?" tanong nya, wala naman akong maisagot at napatahimik na lamang.

"gabby sabihin mo sa akin." pagpupumilit nya. Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"akala ko kasi ikaw yung nakatingin sa bintana ko kanina. Eh mukhang hindi ikaw yun dahil iba ang suot mo ngayon. Ngunit huwag kang mag alala sigurado akong istranghero lamang-" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng mas lalong kumunot ang noo ni Leonel at Napalingon sa labas. Agad naman syang lumabas na ikinagulat ko. Naistatwa naman ako ng ilang minuto at saka agad na sinundan sya.

Ng makalabas ako ay nakita kong nasa tapat sya sa bandang bintana ko at sa gilid ng bahay.

"Leonel!" saad ko at tumabi sa kanya. Nakita ko namang taimtim nyang tinititigan ang gilid sa bahay namin. Nagtaka naman ako at tinitigan iyon, wala namang bagay o kaya tao doon.

"Leonel huwag ka ng mag alala, sigurado akong isang istranghero lamang iyon. Tara na" saad ko at hinawakan ang kamay nya at pilit na hinihila sya. Hanggang ngayon taimtim parin ang tingin nya sa lugar na iyon at tila may iniisip.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na natuloy ang pagkain ng hapunan ni Leonel rito. Nagtagal lang sya rito dahil kinakausap nya ang mga taga bantay sa bahay. Nagulat nga ako ng dagdagan nya pa ang mga tagabantay, dahil ba 'to sa sinabi ko kanina sana pala hindi ko na binanggit yun.

"mag iingat ka Leonel, salamat uli" saad ni ate lucinda at Ngumiti kay Leonel na ngayon ay aalis na. Hindi naman ako kumibo o nagsalita. Umalis narin si ate lucinda at kaming dalawa na lamang ang naiwan.naghari ang katahimikan sa paligid ng ilang minuto, maya maya pa ay ramdam kong aalis na si Leonel at lumalakad na sya papalayo. Nakatungo ako ngayon at tanging sahig lamang ang nakikita ko, wala rin akong masabi dahil feel ko ako ang may kasalanan sa pagdagdag ng problema sa kanya.


Ilang saglit pa ay nagulat ako ng hinawakan nya ang mukha ko at  hinalikan ako sa noo. Tumingin naman ako sa kanya at nakitang nakangiti sya, wala akong nagawa kundi ang ngumiti rin dahil sa kanya.

"ayos lang ang lahat. huwag ka ng mag alala" mahinhin nyang sabi habang ang noo nya ay nasa noo ko rin na ngayon ay magkadkit. Napapikit na lamang ako at tumango.
Maya maya pa ay bumitaw na sya saka ngumiti bago umalis.

Pumasok na ako sa silid ko saka pumunta sa may lamesa para tanggalin ang ipit ko. Napatigil naman ako ng makakita ng isang papel, kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon