Dalawang araw ng makalipas ng matapos ang pangyayari. Nakabalik narin sina don danilo at donya dayana sa cebu ng matiwasay. Naging maayos narin ang koneksyon nilang dalawa ni don antonio at nagsama muli sa iisang negosyo, upang magsimula muli.
Naging mapayapa narin dahil natapos na ang kaso sa negosyo nila don danilo. Nakulong narin ang sangkot sa kaguluhang ito sa dahilan na panlinlinlang at pangaabuso sa mga taong umaasa sa negosyo na ito. Ilang araw naring pansin ko ang palaging malalim ang iniisip ni Leonel, iniisip ko rin na baka may bago nanaman syang problema sa pagkakataong ito gusto kong malaman iyon para malaman nyang hindi nya dapat ito sinasarili.
"binibining gabby? Ikaw nga!" nagulat ako ng biglang sumulpot si jose at lumapit sa akin.
"jose ilang araw na kitang hindi nakita ah" saad ko habang nakaharap sa kanya. Ngumiti sya sa akin at kumapit sa braso ko saka sinamahan ako sa paglalakad.
"oo nga e ang ate lucinda mo lang ang nakita ko nitong mga nakaraang araw. Sya nga pala kamusta na? Nabalitaan ko ang nangyari sa cebu." sambit nya habang binabagalan ang paglalakad namin dahil maraming tao.
"ayos lamang. Mabuti nga at mabilis ang naging solusyun dito. Teka nga ako dapat ang magtanong sayo nyan, ikaw kamusta ka na? Mukhang ayos na ayos kana ah" saad ko at nakita ko namang napatawa sya at Ngumiti.
"sinabi mo pa, sa tingin ko ay unti unti ng natatanggap ni ama kung ano ang tunay na ako. Alam mo ba ay kinakausap nya na ako at sinusupirtahan sa mga nais at gusto kong gawin. Hindi man nya nasasabi ito ng deretsahan ngunit alam ko na yun ang ipinararating nya"
Sambit nya at Ngumiti ng bahagya."ang kaso nga lang ay naglayas si kuya David dahil sa nangyari. Pinahanap sya ni ama nung una ngunit wala talaga. Kaya naman kalaunan ay itinigil na ni ama ang paghahanap kay kuya, sa tingin nya ay nakisama sya sa iba nyang kaibigan o kaya naman sa mga kamag anak namin. " napayuko naman sya ng sabihin nya iyon. Magandang balita nga ang unti unting pagtanggap sa kanya ng ama nya ngunit alam kong nalulungkot din sya sa paglayas ng kuya nya kahit na ganon ang trato nito sa kanya.
"oh e ikaw saan ka papatungo?" Sambit nya muli.
"pupuntahan ko si Leonel ngayon" maikling saad ko tumango sya saka nagpaalam na dahil may kailangan syang bilhin. Naglakad na muli ako papuntang bahay nila. Lumipat na si Leonel sa kanilang tahanan kahit na lumisan muli ang kanyang magulang sa cebu. Ang sabi nya gusto nya ritong manatili kahit na mag isa sya. Nais ko sana syang samahan kaso parang ang weird naman non pag ganon lalo na't nasa makalumang panahon ako.
"gabby" mahinahon nyang salita ng makita nya ako sa pintuan. Napangiti lang ako saka tumingin sa kanya. Nakaputing polo sya at nakatanggal ang dalawang butones sa unahan. Pinapasok nya lang ako saka ako umupo sa isang upuan sa kwarto nya.
Actually wala kami sa kwarto nya nasa opisina nya kami na dati ay kay don danilo, ginagamit nya na ito ngayon. Lumingon lingon lang ako sa paligid para pagmasdan ito. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kamay sa ulo tumingala ako at nakita si Leonel na nakangiti sa akin at umupo na sa harapan ko."bakit ka naparito" mahinahon nyang salita muli. Napatingin naman ako sa lamesa nya wala naman syang inaasikaso ngayon dahil mukhang hindi naman nagalaw ito. Agad akong napatingin sa isang itim na balahibo na ginagamit ng mga tao rito pang sulat. Nabaling naman ang tingin nya sa akin ng makitang hindi ako sumagot at tinititigan lamang ang balahibong iyon. Maya maya pa ay natauhan ako na kanina pa pala ako nakatulala doon, agad naman akong napalingon kay Leonel na umubo dahilan para matauhan ako.
"mukhang mas marami pang atensyon ang maibibigay mo sa bagay na iyan kaysa sa akin." saad nya saka pinipilit na umiwas na tumingin sa akin. Napatawa na lang ako at umayos ng upo para maharapan sya.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Fiksi Sejarah(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...