Napamulat ang aking mata ng makaramdam ako ng sinag ng araw. Maya maya pa ay nakita ko si Leonel na nagaasikaso na sa mga papeles sa lamesa nya. Napaupo ako ng dahan dahan saka kinusot ang mga mata ko. Umaga na pala di ko manlang namalayan.
"magandang umaga" saad nya at Ngumiti. Tumango lang ako at inayos ang buhok ko. Lumapit naman sya sa akin at tumabi. Napatingin uli ako sa paligid, namalayan ko naman na dito na pala ako na tulog. Omg lagot ako kay ate lucinda. Napalaki ang mata ko dahil doon. Tatayo na sana ako ng magsalita si Leonel.
"huwag kang mag alala sinabi ko na kay lucinda nakatulog ka dito, pumunta rin sya dito kanina lamang dahil umalis ako saglit." sambit nya at inaayos na ang kama na hinigaan ko. Maliit lang iyon at nasa gilid lang ng silid, dito siguro sya natutulog.
Napaisip naman ako s asinabi nya. Kahit pala gabi ay may inaasikaso parin sya.
"kumain kana ng agahan dinalhan ka ni ate lucinda kanina. Umalis na rin pala sya upang pumatungo sa kanyang pagaaral sa musika." saad nya at tumayo na. Napaupo na lamang ako uli.
"aalis muna ako may kailangan lamang akong asikasuhin" sambit nya at lumapit na sa akin para halikan ang noo ko. Pinabayaan ko na lamang sya dahil alam kong busy din sya. Kumaway na lang ako sakanya bago sya umalis.
Kumain narin ako ng idinala ni ate lucinda. Maya maya pa ay umalis narin ako para makabalik sa bahay. Ang sabi kasi ni ama at ina sa sulat ay malapit na silang bumalik, baka andun na sila.
"magandang umaga po binibining gabby, kumain na ho ba kayo?" tanong ng katulong pagkapasok ko. Nagpalingon lingon naman ako sa paligid mukhang wala pa naman sina ina. Napatingin na lang ako uli sa katulong na hinihintay ngayon ang sagot ko.
"ah opo kakatapos lamang."sambit ko at umakyat na sa kwarto ko. Ilang oras na din ang lumipas at wala din naman akong nagawa. Natapos ko ng basahin ang dalawang librong hiniram ko. Kahit boring ay natapos ko rin dahil wala talaga akong magawa rito.
Ilang saglit pa ay bumaba na ako para kumain ng tanghalian. Nagtaka din sila kung bakit ang aga ko daw kulain ng tanghalian e ilang minuto nalang ay tanghalian na.
Agad akong umupo. Nakapagdala na daw si ate lucinda ng pangtanghalian nya kaya hindi rin ako makalabas para dalhan sya. Inalok ko ang mga katulong na sumabay sa akin kaso tumanggi lang sila.
Mabilis lang din akong kumain, di ko rin hilig ang gulay kaya kaunti lamang ang kinain ko. Dadalhin ko na sana ang plato ko sa kusina ng makarinig ako ng pagbukas ng pintuan.
"magandang tanghali heneral Leonel"
Naglalakad ako kasama si Leonel. Bigla bigla nalang pupunta tapos dadalhin ako sa hindi ko alam na lugar. Napakamot nalang ako sa inis kanina pa kasi kami naglalakad. Sinabi ko sakanya na dapat ay nagkalesa nalang kami kaso sabi nya mas masarap ang maglakad. Well totoo naman kaso ang init eh.
Maya maya pa ay napatanggal ang kamay ko na nakatakip na parang Sombrero, ng makarating kami sa isang malawak na lupain. Maraming pananim roon may mga prutas, gulay at sa tabi naman ay may nakatanim na mga bulaklak at puno.
Sinundan ko lang sya dahil naglakad sya papunta roon. May bitbit na sya na dalawang basket saka binigay sa akin ang isa. Napataas naman ang kilay ko anong gagawin ko rito?
Napatawa lang sya sa reaksyon ko para tuloy nababasa nya yung isip ko.
"mmitas ka ng kahit anong nais mo" sambit nya. Tumango lang ako ng dalawang beses. Hindi narin ako nagreklamo atleast ngayon ay may gagawin ako. Napatingin naman ako sa basket na hawak ko ngayon, prutas lang naman ang ilalagay ko rito.
BINABASA MO ANG
Kahilingan Sa Buwan
Historical Fiction(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him. it hurts her heart knowing that she will not be having a long time living in this world. Her wish u...