Chapter 2

51 5 0
                                    




"wag iyan" suway ni mama at inilayo ang chicken na sana ay kakainin ko. Napasimangot na lang ako.

"binili ko talaga yan kay ate ma, ngayon lang naman" saad naman ng kapatid ko. Walang nasabi si mama at inilagay sa tapat ko ang gulay na kakainin ko. Sanay na naman ako na ganun, protective din sila dahil sa sakit ko.

Humiga na ako sa kama ko at saka sinuot ang earphones ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may nagbukas ng pintuan sa kwarto ko. Iniluwa ng pintuan ang mukha ni papa na may dalang plato at chicken and juice. Gulat akong tumayo at agad nya namang sinaraduhan ang pintuan.

"oh pa-" di ko na na tuloy ang sasabihin ko.

"oh ito na bilisan mo lang ang pagkain mo ha" sambit nya at Ngumiti sa akin. Napangiti naman ako saka kinain na iyon. Maya maya pa ay nagpasalamat na ako kay papa at sya narin ang nagbalik ng plato at baso.



Nakatunganga ako sa pintuan at iniisip ang nangyari kahapon. For sure galit nanaman yun si gab. Lumabas na ako dahil kung mag tatagal pa ako ay mas lalo lang syang magagalit. Pagkaupo ko ay nag goodmorning ako sa kanila. Ngumiti lang s aakin si mang ren at saka pinaandar ang kotse.

Wala ring nagsalita sa buong byahe. Di narin akong nagabala pang magsimula ng paguusapan, wala ein ako sa mood. Nasira pa kasi ang sapatos ko kaya naman wala akong choice kundi gamitin yung luma, wala namang problema sa luma ang kaso di na kasya sa akin. Paniguraodng sasakit ang paa ko nito.

Ng makarating na kami ay nagpaalam na ako saka naunang umalis. Medyo paika ika pa nga ang pag lakad ko kasi naiipit talaga ang paa ko. Sana nag rubber shoes nalang ako. Marami rin akong gagawin sa school dahil may event ngayon, kasama kasi ako sa mag aayos ng mga magpeperform.

"may sakit daw kase sya ngayon, kaya wala sya sa school e" sambit naman ng isa kong kasama. Nasa isang room kami at naghahanda. Wala raw kasi ang isang magpeperform sa event ngayon, hindi naman pwedeng walang mag perform doon. Nagsimula na akong maglakad sa mga room para makahanap ako ng ipapalit.

Di ko sila masyadong kilala kaya naman nahirapan din ako. Ng makarating ako sa isang room at nakita ang isang babae roon. Right!
Naalala ko sya kasama sya dati sa banda last two years ago, kaso di na daw sya tumutugtog o kumakanta.

"pwede ba?" sambit ko matapos ko sabihin sa kanya ang problema. Mukhang ayaw pa nya noong una ngunit ng sinabi ko na may pera na binibigay e umagree nalang din sya. Hinatid ko na sya doon sa music room at pinapili sya ng gitara. Nakita ko rin na ina adjust nya ngayon ito. Matangos ang ilong nya at morena rin. She has almond eyes that complete her look. Tumingin sya sa akin ng maramdaman nyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti na lang ako.

Nasa backstage na kami sya na ang susunod na kakanta. Ang sabi ko lang sa kanya na any song will do since sya naman ang kakanta. Kinakabahan naman sya kaya naman di ako umalis sa tabi nya, mamaya na lang ako aalis pag nasa stage na sya. Nagsimula na syang lumabas papuntang stage at lumingon sa akin. Ngumiti lang ako at nag thumbs up sakanya to cheer her up.

Agad akong bumaba para makita syang mag perform. Nasa dulo ako ngayon ng court na nakatayo. Meron pa namang vacant seats pero wala naman din akong magagawa dahil may gagawin pa ako. Nagsimula na syang kumanta at tahimik lang ang paligid. Napangiti naman ako ng makita syang comfortable na sya. Maya maya pa ay lumingon ako sa paligid ko at nahagip ko si gab na nakatingin sa akin.

Agad naman akong umiwas ng tinhin at pinigilan ang pag ngiti ko. I remember what he said i should stop smiling na daw kase di bagay sa akin. I try not to smile pag kasama ko sya kaso wala e habbit ko narin siguro ang pag smile.

Natapos na ang pag peperform ng iba. May mga ibang natira sa court dahil di pa naman end ang event. Pero ang ibang students ay bumalik na sa room. Hinahanap ko si Chrysantha para sabihin kung nasaan ang payment nya. Naglalakad ako ng makita ko sya sa may sink kasama ang isang lalaki. Mukhang may pinaguusapan sila.

Kahilingan Sa Buwan  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon