Chapter 26

543 19 0
                                    

Corielyn POV

Nagising ako dahil sa malakas na ingay, parang salamin o babasaging nahulog. Shit, napakasakit ng ulo ko.

Aksidente akong napatingin sa suot ko. Kahapon nakagreen t-shirt ako at maong shorts. Ngayon? Bakit ako nakasuot ng pangtulog?

Ano ang ginawa ko kagabi? Wala akong naalalang nagpalit ako. Guni-guni ko lang siguro.

Pero.... sure ako, sure akong hindi ako nagpalit ng damit dahil ang naalala ko ay nakatulog agad ako sa lasing. Kumikirot din ang ulo ko dahil sa hangover, hindi na ako iinom ulit.

Bakit ba ako uminom? Napakatanga ko din naman. Oo nga pala, minsan minsan lang din naman at hinding hindi ko na uulitin. Argg napakagulo ng buhay ko!

Napatingin ako sa buong lugar, walang anino ni Hades. Hindi ba siya dito natulog? I mean, mas mabuti iyun.

Napatingin ako sa wall clock. It's 8:30 am in the morning. Maaga akong nagpahinga kaysa kina Sunny, paniguradong puyat iyun dahil sa inuman.

Lumabas ako at bumungad saakin ang dagat at sinag ng araw. Napapikit ako, ang sarap sa pakiramdam.

"Breakfast is ready." maikling saad ng pamilyar na boses. It's Hades, alam na alam ko ang baritong boses niya.

Nilingon ko siya at nakitang naglalakad siya papunta sa malaking kubo. Doon kasi kumpleto, may kitchen at dining kaya doon ata kakain ng agahan.

Sumunod ako sa kanya. Gusto ko ring tanungin kung ano ang nangyari kagabi. Ayaw kong mag-assume na si Hades ang gumawa, natatakot lang ako na baka kung siya ang gumawa ay baka nakita na niya ang katawan ko.

Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako agad. Si Sunshine lang ang naghahanda, tulog ata yung iba.

"Señorito, nakahanda na po lahat. Tulog pa ang iba kaya kayo po muna ang kakain ngayon." Magalang na wika ni Sunshine. Teka, hindi niya kami sasamahan kumain?

"Aahh, Sunshine. S-Sabayan mo na kami kung ganoon."

"Salamat po pero kakatapos ko lang pong kumain. Mauna na po ako."

Malakas na kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit, nasanay na ako sa presensya ni Hades sa mansion at sa silid niya pero ngayon ay mabigat ang presensya niya.

Ang presensya niyang nakakakilabot, wala na man siguro akong ginawang masama diba o kaya kinagalit niya?

Nauna siyang umupo kaya umupo na rin ako. Mahina akong nagdasal na sana ay may dumating at samahan akong kumain.

Tahimik siyang kumain. Halos hindi ko magawang igalaw ang kamay ko dahil sa takot na hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Bakit nga ba?

Nagsimula na siyang sumubo. Tahimik at tanging kubyertos lang ang gumagawa ng ingay sa amin. Hindi ko maintindihan ang tensyon sa aming dalawa.

"Hades..." tawag ko sa kanya. Hindi niya ako kinibo. Tumahimik nalang ako at nagsimulang kumain.

Walang nagsalita saaming dalawa. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig mo hanggang sa natapos kaming dalawa.

"Hades--"

"Wag mo akong kausapin. Doon kana kina Mom at suotin mo rin iyung two piece mo."

Kunot-noo ko siyang tinignan. About ba to kahapon? Problema niya sa suot ko? Minsan lang din naman at ayoko ko ng magsuot ng ganun.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng malaking kubo. Nasa taas sina Ma'am, natutulog pa.

Uminom muna ako ng tubig bago pumunta sa cave. Doon muna ako magpapalipas ng oras. Umupo ako at isinawalang bahala ang suot kong pajama na madampi ng buhangin.

Pinapanood ko lang ang araw na unti-unting sumisikat. Ang tao parang araw lang iyan, lulubog pero sisikat din balang araw. Kaya kayo, magsipag kayo. Hindi yung palamunin lang sa bahay.

Nakaupo lang ako doon hanggang sa unti-unting  humahapdi ang balat ko dahil sa init. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili.

Habang pabalik ako ay nakita ko si Ma'am na nakatayo at nakarelax sa upuan. Ganun din si Sunny at Manang. Napakademansing ah!

Hindi ko sila pinansin kahit tinawag nila ako, dumiretsyo lang ako sa kubo at pumasok doon. Naabutan ko si Hades na nakaupo sa kama at masama ang tingin saakin.

Ano na naman? Wala naman akong ginawang masama ha? Kanina pa tong g@gong to.

"Where have you been?" bungad na tanong niya saakin. Nasan ba ako? Nasa isla lang ako. Hindi ako pumunta ng ibang bansa.

"Sa maliit na cave."

"Sana sinabihan mo akong doon ka pupunta para hindi ako nag-abalang hanapin ka." ani nito na ikinakulo ng dugo ko. Talaga? Paano ko sasabihin?

"Paano ko sasabihin, eh sabi mo wag kang kausapin."

Mukhang lalo siyang nainis sa sagot ko. Lalong nandilim ang mukha nito. Problema nito? Minsan hindi ko talaga alam kung napano itong si Hades. Baka may sakit? Sakit sa utak.

"Kahit na. You should have tell me first, goddamit."

"Anong ba ang problema mo?!" ang ayaw ko sa lahat ang murahin ako ng wala naman akong ginawa sa kanya.

"Parang hindi na ikaw ang Hades na kilala ko! Wala naman akong ginawa ha!"

Umiwas ako ng tingin at pinikit ko ang mata ko para pigilan ang taksil kong luha na kumakatok na sa mata ko. May isang pumatak na. Natahimik siya, tanga ba to?

Narinig ko ang malalim nitong hininga. Mukhang pinapakalma ang sarili. "Look, i'm sorry. I didn't mean to, okay?" ani nito at lumapit saakin.

Hindi ko siya masyadong makita dahil sa mga luhang bumagsak. Shit dumagdag pa tong luhang ito.

"Kinain ako ng tampo ko sayo, Almirah. I'm really sorry, hindi ko na uulitin. Okay? I'm sorry." wika nito at kasabay noon ang pagyakap niya saakin. Anong ginagawa mo, Hades? Bakit mo ito ginagawa? Paano ko mapipigilan ang sarili kong mahulog sayo?

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon