Pabagsak akong humiga sa kama. Finally, makakatulog na ako ulit dito. Sana makarma si Hades. Ilang kape ata naubos, makakasama pa na man yun.
Hindi kaagad ako dinalaw ng antok dahil sa kape na ininom ko kanina. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame bago ko napagpasyahang lumabas para magpahangin.
Lumabas ako sa kwarto at bumaba. Sa back door ako dumaan dahil mas malapit sa garden. Pinalagyan din ni Ma'am Claudia ang garden ng maliit na kubo na gawa sa kawayan.
Hindi pa ako nakabisita doon kaya doon ako magpapahangin. Presko daw doon. Naalala ko sina Ma'am at ang asawa niya. Busy daw sa trabaho, hindi pa kami nagkausap para sa planong suyuin si Hades.
Kaunting hintay lang siguro?
Lumabas ako, bumungad saakin ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko. walang ulan dito, doon lang sa unahan. Kung alam lang namin edi sana ay dumiretsyo kami rito.
Pumasok ako sa loob. Nakatitig lang ako sa malaking buwan. Ang buwan na nagbigay ilaw sa gabi. May mga garden lights naman pero ang buwan ang pinakamaliwanag.
Ang paborito kong ilaw sa gabi.
Ilang oras akong nakaupo doon hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Pumasok kaagad ako sa loob. Sa back door pa rin ako dumaan.
Pumasok ako doon at ni-lock iyun. Hindi ko inaasahang nandoon si Hades habang nagtitimpla ng gatas. Hades the milk boy!
"Hindi ka makatulog?" tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot. Aba'y malamang, apat na tasang kape eh. Baka bukas, bawian to ng buhay.... joke
Wag naman sana, baka bawian din ako ng trabaho dahil wala na akong babantayan.
"Sige, drink well." Wika ko at tumalikod. Binuksan ko ang pintuan.
"Goodnight....." awtomatiko akong napalingon sa kanya. Ngumiti ako, "Goodnight din sayo...."
Lumabas ako at sinara ang pinto. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tahimik ang paligid at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko ngayon.
Pumasok ako sa kwarto at pabagsak na humiga. Biglang nawala ang antok ko. Gusto kong matulog pero nawala ang antok ko. Gusto ko pigilan ang sarili ko. Hanggang dito lang kami, tanggap ko yun. Nasa tuktok siya habang ako ay nasa pinakababa. Hinding-hinding ko siya kayang abutin.
Palaging pinapaalala ng utak ko ang puso ko.
Pinikit ko ang mga mata ko. Kung pwedeng layuan ko siya ay gagawin ko. Ngunit kailangan ko ng pera. Kailangan ko ring tupadin ang pangako ko kay Sunny. Lulubusin ko na ang mga araw na lilipas.
Sana magbonding din ang magkapatid, alam kong matigas ang ulo ni Sunshine. Mas matured pa ata mag-isip si Sunshine kaysa saakin.
Hindi nagtagal ay nakatulog ako sa dami ng inisip ko. Naalimpungutanan ako sa mainit na sinag ng araw sa tumama sa mukha ko. Napatingin ako sa oras, alas siyete na ng umaga.
Tumayo ako at naghanda bago bumaba. Simpleng agahan lang ang hinanda ko bago hinatid iyun sa kwarto ni Hades. Hindi ko na ginising dahil mahimbing ang tulog.
Nilapag ko lang sa coffee table niya. Dumiretsyo ako sa laundry dahil nandoon si Sunny.
"Aba'y nakauwi na pala kayo, akala ko nagtanan na kayong dalawa." Alam ko kung sino ang tinutukoy ni Sunny.
"Pinagsasabi mo?"
"Wala, bagay kayo." nakangising ani nito. Inirapan ko siya at lumapit upang tumulong. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ngumiti.
"Huwag na, ako na. Baka mapagod ang prinsesa."
Tinaasan ko siya ng kilay upang ipahiwatig na hindi ko siya naiintindihan. Tumawa lang siya ng malakas at iniwan ako sa loob, bumalik din kaagad siya. Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang isang damit at tinapon iyon sa kanya. Sapol sa mukha.
Hindi ako nagtagal doon dahil iche-check ko pa ang Señorito kung kumain na ba. Pagkarating ko ay nakita ko ang platong walang laman. Rinig ko rin ang patak ng shower.
Niligpit ko ito at bumaba, nagdadalawang isip kung babalik pa. Hindi na niya siguro ako kailangan doon?
Tinulungan ko ulit si Sunny sa gawain niya dahil wala akong magawa. Bonding na rin. Hindi rin ako nagtagal dahil tinawag ako ni Hades.
Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakatayo hindi malayo sa laundry room.
"Oh? May kailangan ka?" takang tanong ko. Mainit ang sinag ng araw at baka mangitim itong si Hades. Kutis mayaman pa naman.
"I need you." mahina niyang bulong.
"Bakit? Anong kailangan kong gawin ngayon?" tanong ko ulit habang sinasangga ang init ng araw sa mukha ko. Para akong iniihaw.
"I'm bored."
"Tapos?"
"Pinapatanong ni Mom kung sasama ka ba."
"Saan?"
"Zoo."
"Kailan?"
"Now."
"Sinong kasam--"
"Stop asking. Just go ang get dressed." putol niya sa sasabihin. Pagkakataon niyang sabihin iyun ay tinalikuran niya ako at umalis. Patago akong ngumiti, nag-usap ba sila ni Ma'am? Malapit na ba? Sana.
Kaagad akong pumasok at patakbong umakyat sa hagdanan. Nagbihis ako, Blouse, striped pants, at platform sandals na brown.
Mas marami ang pants ko at t-shirts dahil doon ako kumportable. Nag-ponytail hairstyle lang ako at lumabas. Naabutan ko si Sunny na naglalakad sa hallway. Kumaway siya at kinindatan ako.
Inirapan ko siya at bumaba. Kasama ang Magulang at kapatid ni Hades. Aba'y family bonding pala to, ba't pa ako sinama?
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...