"Pagpasensyahan mo na yung babaeng yun ha. Pagod lang yun." kagat labi kong wika. Anong pinagsasabi ng babaeng yun? Patay talaga yun saakin. Lakas ng trip, mamaya talaga yun.
"Yeah..." natatawang sagot niya habang nakatitig saakin.
"Totoo ba? Healthy ba talaga yun?" kuryosong tanong ko. "Maybe." kibat-balikat na tugon nito.
"Well.. if you want, I'll prove it to you."
Umiwas ako ng tingin at umiling. Tumawa siya at tumango. "Sige, mauna na ako." paalam ko habang hindi makalingon sa kanya. Pumasok ako sa loob at iniwan siya sa loob ng balcony. Mamaya saakin yung Sunny na yun.
Ano kayang trip ng babaeng yun? Pero ang halik ba ay healthy talaga sa katawan?
Bumaba ako at inilibot ang tingin. Hinahanap ko pala si Sunny. Naabutan ko siyang nagtutupi ng mga damit sa loob ng kwarto ng mga maid.
Nanggigigil akong lumapit sa kanya, "Bakit mo sinabi yun? Nakakahiya kaya." wika ko at mahina siyang hinampas. Napa-aray naman ito habang hinimas ang braso na hinampas ko.
"Aray, grabe ka ha. Dapat magpasalamat ka saakin." nakasimangot na wika nito. "Nagkiss ba kayo?" nakangising tanong nito. Hinampas ko ulit siya sa braso at mas nilakasan ko para matahimik tong babaeng to.
"Aray, nakadalawa ka na ah."
"Bahala ka na nga jan." inis na wika ko at tumayo. Tinalikuran ko siya at hindi na pinaniwalaan. "Hindi kayo nagkiss? Hoy!"
Umirap ako at bumalik sa taas. Tanaw ko si Hades sa malayo na ngayon ay naglalakad patungo sa direksyon ko habang hawak hawak ang tasa. Napakagat ako ng labi at mabilis na tumalikod.
"Where are you going?"
Gulat akong napatingin sa kanya. Naabutan niya ata ako. Umiwas ako ng tingin at tinuro ang kwarto kahit hindi talaga ako pupunta roon.
May lumapit na isang maid at kinuha ang tasang walang laman na hawak ni Hades. Nang umalis ang maid ay napunta saakin ang tingin niya.
"Let's go."
"Huh? Saan tayo pupunta?" takang tanong ko. "In your room." inosenteng sagot niya saakin.
"Hoy, banned ka na sa kwarto ko." wika ko sabay ekis ng kamay. Hinawi niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa kwarto.
"Ano ba, wag ka ngang pumasok." inis na ani ko at pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak niya sa braso ko.
"Why? But I'm your future boyfriend. Why can't I?"
"Gusto mong mafriend-zone o kaya bastedin kita?"
++++
Napakagat na lang ako ng labi habang nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung bakit nakatulog sj Hades sa kwarto ko eh kakainom lang ng kape. Hinayaan ko siyang matulog sa kama.
Hindi ko na siya pinilit dahil ang tigas talaga ng ulo nito. Bakit ba gusto niya rito sa kwarto ko? Kasalukuyang akong nakaupo sa maliit kong sofa at binuksan ang cellphone.
Bigla kong naalala na ginawan pala ako ng Facebook ni Jhona noon kaya doon kami nagkakilala ni Eric.
Binuksan ko ang account ko at nagbasa ng message. May iilan akong messages sa mga manliligaw na binasted ko. Sayang lang sa oras.
May iilan din akong messages sa ibang kaibigan ko noon. Pero naagaw ko ng pansin ang isang pose ng sikat sa aktres. Nakabikini ito habang nakapose, pero hindi iyun ang nakaagaw ng pansin ko, ang babae sa likod nito na kawangis ng... dating kasintahan ni Hades.
Pinatay ko nalang ang cellphone, baka antok lang to. Tumingin ako kay Hades dahil narinig kong tinawag niya ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Wanna go something?"
"Bakit ba?"
"Ahmm... Date?"
Natahimik ako at napakagat ng pang-ibabang labi. Napabuntong-hininga ako at tumango. "I-Ikaw bahala."
NAPATINGIN ako sa suot ko. Nakasimpleng dress na puti ako. Pinasuot saakin ni Sunny ng malamang niyaya ako ni Hades sa date.
"Bongga, bagay sayo. Teka kailan mo sasagutin?" Tanong nito habang inaayos ang buhok ko. "Kailangan pa ba to? Simpleng date lang naman." Nahihiyang wika ko, hindi naman sa kinakahiya ko si Hades o ang date. Nahihiya lang akong banggatin ang date sa harap mismo ni Sunny.
"Oo naman, kailan mo sasagutin?" tanong niya ulit saakin. Napakagat ako ng labi at tinanong sa sarili, kailan ko siya sasagutin?
"Diba gusto mo? Bakit naman ang tagal." reklamo niya. Hindi ko siya sinagot, dahil kahit ako ay walang maisagot sa sarili.
"Pero Corie, base sa nakikita ko araw-araw pagkasama kayo o kung paano ka tumingin kay Señorito ay parang mas higit pa sa gusto ang nararamdaman mo. Umamin ka nga, mahal mo na ba si Señorito?"
Yumuko ako at tinanong iyon sa sarili. Hindi ata, ewan ko.
"Corie, higit din sa gusto ang tingin sayo ni Señorito. Kung tumingin siya sayo ay parang ikaw ang pinakamaganda at pinakaiingatan niya. Baliw na baliw sayo iyun-"
"Wag kang gumawa ng kwento-kwento, Sunny. Hindi na nakakatuwa." putol ko sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro, aminin mo kaya sa kanya ang tunay mong nararamdaman."
"Bakit ko gagawin iyun?"
"Habang buhay mo nalang bang ikikimkim iyang nararamdaman mo?"
Niyakap ako ni Sunny sa likod habang ako ay hindi makasagot. "P-Paano kung ganun?"
"Ako bahala, practice muna tayo bago kayo umalis. Malapit na atang matapos si Señorito kaya bilisan natin." nakangiting wika nito at hinila ako sa sofa.
"Ganito ah, dapat.."
Tumango-tango lang ako at pilit na sinasaulo ang tinuro niya saakin. Kaya ko ba? Siguro.
Ngayon alam ko na ang feeling ng mga lalaking umaamin saaking gusto nila ako. Siguro masakit dahil binasted ko sila.

BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomansaCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...