Nakatulog ako buong byahe. Narito kami sa isang beace resort sa Cebu. Mahaba-haba rin ang byahe pero worth it dahil sa ganda ng view.
Private Beach kasi ito kaya kaunti lang ang mga taong naliligo. Nakareserve na pala sina Ma'am ng tatlong hotel rooms.
Hinila ko si Hades papunta sa isang puno na may dalawang duyan. Umupo kaming dalawa sa duyan. Malayo-layo sa mga taong naliligo. Tatlong araw ata kami rito, sumama ako dahil hindi naman sasama si Hades kung hindi ako samama. Syempre, family bonding na nila to. Puro trabaho pa naman ang inaatupag ng magulang.
"Hindi ka ba pagod? Magpahinga ka muna, alam kong pagod ka sa byahe." tumingin ako sa kanya. Nakatulog ako sa byahe habang gising na gising si Hades.
"I'm not." Maikling sagot niya. "Gutom ka ba?" Umiling ulit siya, "How about you? Are you hungry, Love?" Lumapit siya saakin at pumunta sa likod ko. Tinulak niya ng malakas ang duyan kaya napatili ako at mabilis na hininto iyun.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Let's eat." Natatawang wika niya at hinawakan ang bewang ko. Hindi na ako umangal dahil nakaramdam ako ng gutom. Maaga pa naman kaming bumyahe.
Lumapit kami kina Ma'am na ngayon ay hinahanda ang malaking lamesa. Hindi mainit dahil katabi lang namin ang malaking puno. Maraming seafood ang nakahanda.
Pagkatapos umalis noong waiter na tumulong saamin ay nagkanya-kanya upo na kami.
"Wait, I'll call Charles." Tumayo si Ma'am at pumunta sa dalampasigan. Naiwan si Sir Marcus na ngayon ay seryosong nakatitig saamin.
"Kailan naging kayo?" Tanong nito saamin. "Noong Miyerkules lang po." sagot ko, nakita ko ang gulat sa mukha nito.
"I thought.."
"I'm still courting her that time, Dad." Putol ni Hades sa ama niya. Tumango naman si Sir bago dumating sina Charles.
"Let's eat?"
Kumain na kami, todo tanong naman si Ma'am saamin ni Hades. Tahimik lang kaming sumasagot.
"Such a sweet couple. I remember when I was highschool, I used to have a lover. We are sweet lovely couple like you."
"Can we stop discussing that, past is past." asik ni Sir Marcus. Mabilis kaming natapos kumain. Kasalukuyang kaming naka-upo sa sun lounger. Kasama ko si Ma'am, wala si Hades. Nakatulog sa pagod ng byahe. Lumabas muna ako tapos naabutan ako ni Ma'am.
"I want the best for my son, please treasure him well even though his not a perfect man for a gorgeous lady like you. It's rare seeing him falling again. Hades is lucky to have you."
"Nope, Ma'am. Ako po ang swerte na meron akong Hades." Tugon ko. Lalong lumapad ang ngiti ni Ma'am. "Stop calling me Ma'am. Call me Mom or Tita, kung saan ka kumportable."
Tita nalang siguro? Nahihiya akong tawagin siyang Mom.
"Okay po, Tita." ani ko.
"Tawagin mo rin akong Tito Marcus kung ganoon."
Sabay kaming napalingon kay Sir Marcus na ngayon ay may hawak na bote ng beer. Natatawa akong tumango.
"Hades has been looking for you. He's too clingy." Sabat ni Charles. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Bumalik ako sa hotel room. May isang malaking kama yung room kaya paniguradong kasya kami roon.
"Where have you been, Love?"
Naramdaman ko si Hades sa likod ko na pinalupot niya ang braso niya sa bewang ko. Sumandal ako sa dibdib niya habang nakatitig sa telebisyon.
"Sa labas lang, ano kaba simula noong naging tayo sobrang clingy mo na. Hindi ka naman ganito noon ah?"
"Do I have to limit myself? I can't stop myself, okay?" Tugon niya. Natatawa akong tumango. "No way."
"Yes way."
"You can't do that."
"Well, I can.."
Narinig ko ang malalim buntong-hininga na tila may malaking problemanh kinakaharap. "Maliligo ako sa dagat, gusto mong sumama?" Tanong ko. "Yes."
Tumayo ako at lumapit sa malaking luggage. Kinuha ko iyong two piece na pula na sinuot ko noong sa private nilang isla.
"Susuotin ko to ha?" Paalam ko sa kanya, napatingin siya saakin na ngayon ay nakahubad na ang pang-taas at beach short nalang ang suot. Nagulat ako ng tumango siya. Naalala ko kasi iyong nangyari, nagalit siya dahil suot ko to.
"Bakit ka pumayag? Akala ko hindi ka papayag." Sabi ko at kinuha ang isang manipis na red floral dress.
"Of course as long as you're with me, so behave, Love."
Pumasok ako sa banyo at nagbihis. Tinupi ko iyong damit at nilagay sa luggage. Lumapit ako sa salamin at inayos ang suot ko. Kitang kita pa rin iyong two piece. Bahala na, huhubarin ko pa rin naman iyon.
Kinuha ko iyong malaking duck na salpadiba. Sayang yung swan na salpadiba, may butas tapos si Sunny yung last na gumamit.
Bukas namin gagawin ang iilang activities. Gusto kong i try iyong banana boat. Mukhang nakakatuwa dahil nakita ko iyong grupo ng magkakaibigan na sumakay tapos sabay na nahulog.
Pinalupot niya ang braso sa bewang ko. Lumabas kami at sumakay ng elevator. Ngayon ko lang napagpasyahang maligo dahil hindi na mainit sa balat ang araw.
Dumiretsyo kami sa sun lounger kung saan nakahiga si Tito. Tumakbo ako sa dalampasigan at iniwan si Hades roon. Tinawag niya ako ngunit hindi na ako lumingon at patuloy na tumakbo.
Napangiti ako ng maramdaman ang maalat na dagat sa paa ko. Nilapag ko ang malaking salpadbida at tinulak iyong hanggang sa may dibdib.
Napatili ako ng hilahin ako ni Hades. Nawalan kami ng balanse kaya nadapa kami sa dagat. Tatayo na sana ako dahil nahihirapan na akong huminga ngunit naramdaman ko ang labi ni Hades.
Underwater kiss? Nagtagal ang halik ng ilang segundo. Humihingal pa ako at tumawa. Umubo ako para lumabas iyong nainom kung tubig.
"Hayop ka!"
Malakas siyang humalakhak at binuhat ako. Nilapag niya ako sa malaking salpabida. Tinulak niya iyon hanggang sa hindi ko na maaninag ang ilang tao.
"Hades, ayoko dito!"
"Shh!"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...