Chapter 68

476 16 1
                                    

Napahinga ako ng maluwag nang tagumpay akong makapasok sa apartment.

"May dala akong meryenda, Sunshine--" napahinto ako ng makita si Hades na komportableng nakaupo sa sofa. May hawak siyang remote habang nanonood ng tv.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Ate, gusto ka raw niyang makausap. Pinatuloy ko dahil pinagtitinginan siya sa labas. Sa kwarto muna ako." paalam niya habang bitbit si Snow patungo sa silid.

"Anong pag-uusapan natin? Sana naghintay ka nalang sa loob ng kotse. Walang aircon dit--"

"I thought you're single. Why are you with him yesterday?"

Napatikhim ako, "Nilibre niya lang ako dahil babalik na naman siya sa US." sagot ko.

"Iyon lang ba ang pag-uusapan natin? Kung yun lang ang sadya mo, umalis ka n--"

"So you're single?" putol niya sa sasabihin ko. Kunot-noo akong tumango. Ano naman kung single ako?

"Tumatanggap ka ba ng manliligaw?" dagdag niya. Manliligaw? Hindi ko alam, siguro dahil nagsasayang lang ng oras ang panliligaw diba?

Hindi ako sumagot. Tumatanggap? Depende siguro, ay basta ewan.

"Bakit mo natanong?"

Umayos siya ng upo, magsasalita na sana pero biglang sumabat si Lance. Akala ko ba umuwi to? Pumasok siya bigla ng bahay, "Good evening, people--" naputol ang sasabihin niya ng makita si Hades.

"Nakaistorbo ba ako? I'm sorry, people. I gotta go, bye!"

Pipigilan ko na sana pero nagmamadaling siyang tumakbo papalayo. Papaalis na siguro iyon at huminto lang saglit. Baka iba na iniisip ng baklang yun, iba pa naman mag-isip yun.

"What's your relationship with him?" excuse me, her po dapat. What's your relationship with her. Ano ba? Minsan kaibigan, minsan kaaway?

"More than friends, less than lovers." maikling sagot ko bago tinuro ang pintuan sa labas, "Layas ka na."

Imbis na umalis ay umiwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang panonood ng tv. Hala, anong ginagawa ng lalaking to?

"Nakikinig ka ba?"

Mukhang hindi. Feel at home kasi masyado. Huminga ako ng malalim upang kumalma. Nilapag ko sa gilid ng sofa ang dalang bag at pumasok sa maliit naming kusina. Inumpisahan ko na ang paghanda para sa hapunan.

"Hoy, piniritong isda pang uulamin namin kaya lumayas ka na!" sigaw ko. Mayaman pa naman, gustong masarap at mahal na pagkain.

Natapos akong maghanda. Lumabas ako at kumatok sa kwarto ni Sunshine.

"Dito ka ba kakain?" tanong ko sa Señorito namin. Tumango siya at tumayo. Hayst, dumagdag pa tong lalaki to. Mabuti nalang at bumili ako ng apat na isda. Sakto na siguro to.

"Nandito ka lang ba para kumain?" taas kilay na tanong ko.

Kumakain naman pala ito ng piniritong isda. Akala ko hindi, alam mo na mga mayayaman. Matapos kumain, doon niya lang napagpasyahang umalis. Kain lang ba sadya niya dito?

"Ahm, Hades.. Nasaan na iyong ama ni Garlea?" tanong ko. Gusto ko sanang puntahan at maglabas ng sama ng loob.

"Nakakulong. Why?"

"Gusto ko sanang bumisita at maglabas ng sama ng loob. Gusto ko rin sanang magsorry sayo sa nangyari saatin noon. Pero okay lang naman kasi kung hindi kita iniwan, hindi ko makikilala si Lance."

Mabait si Lance at naging magkaibigan kami. Kung magsho-shopping ay palagi akong sinasama. Mahal ko iyong baklang iyun kahit palagi akong bugbog sa kaniya. Dinadala ako sa mga salon, ginagawa akong taga-dala ng mga pinamili.

"So, okay lang sayong iwan ako?"

"Huh? Hindi naman sa ganun--"

"I'll let you but when the time has come, babalik ka saakin, nakalimutan mo ba? That's what I said before you left."

++

Hindi ako makapali sa kinahihigaan. Ayaw mawala sa isipan ko ang sinabi niya. Naalala ko nga, sinabi niya saakin iyun bago tumalikod at umalis.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magkahalong kaba, lungkot at saya. Babalik ako sa kanya? Ang pangit naman, mag-ex kami tapos magbabalikan?

Kinabukasan, puyat tuloy ako. Wala akong ganang pumasok kaso yung mga bata.

From Lance:

Aalis na ako. Ikaw ha, magbabalikan ba kayo? Kayo na ba ulit? Magpapaalam sana ako kaso wrong timing.

Basa ko sa text niya.

To Lance:

Sana nagpaalam ka ng maayos. Hindi naman importante pinag-usapan namin.

Reply ko naman. Nagready ako at pumasok. Biyernes, ayaw kong makaharap si Hades matapos ang sinabi niya kagabi. Busy pa naman siguro si Bruce or should I say Yuri diba?

Bakit pa kasi kailangan weekly na dalaw?

"Today is our last meeting, Class. Lahat kayo ay pupunta na sa grade 2." anunsyo ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mukha nila noong marinig ang sinabi ko.

"So, you're not our teacher anymore?" tanong ni Milly. Isa sa mga estudyante ko. Tumango ako bilang sagot.

"I don't want to!"

"Me too!"

"Can I stay?"

Napatawa nalang ako sa mga tugon nila. Mami-miss ko rin naman ang klaseng ito. Napakakulit at matalino.

"Ms. Sonero, sama ka saamin. Outing kami with some advisers. Bakasyon na naman." si Riyu. Papauwi na ako at saktong dumaan ako sa harap ng classroom niya kaya nag-usap kami sandali.

"Libre daw ng may-ari ng school. Sama ka na, libre na oh!" Si Dianne naman na kasalukuyang tumutulong kay Riyu sa pagliligpit.

"Sige-sige! Mauna na ako, lovers!"

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon