Chapter 65

458 13 0
                                    

Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse nina Bruce. Sumasakit na ulo ko kaka-isip. Tumalikod ako nang hindi ko na masilayan ang itim na kotse. Papasok na sana ako sa loob pero nagulat ako sa nakita, isang puting pusa na may asul na mata.

Nakahiga ito sa harap ng pintuan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at lumapit sa pusa. Tinapon siguro ito dahil madumi pero maganda.

Halatang walang lakas. Kinuha ko ito at pumasok sa apartment. Bagong labas siguro ito sa tiyan. Kawawa naman ang kuting na to.

"Ate? Kaninong pusa iyan?" tanong saakin ni Sunshine. Kasalukuyang pinapatulog ko ito, mabuti nalang at kalmado.

"Nakita ko sa labas, pinulot ko lang." sagot ko.

"Baka may may-ari yan, isauli mo."

"Ano? Hahayaan ko nalang siyang mamatay sa labas? Kung may maghahanap edi isasauli. Akin na muna ito."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "Bahala ka. Anong pangalan niyan?"

"Snow."

May Sunshine at Sunny na ako, snow nalang. Bagay rin naman dahil sa kulay. Kinabukasan ay maaga akong nagising, nauna ako sa classroom.

"Sa susunod, huwag kayong maglaro sa loob ng classroom room. Maliwanag?" banta ko sa kanila. Dahil sa kakulitan ay nakabasag tuloy.

Hinayaan ko silang mag-usap-usap sa loob ng klase. Wala naman akong ikaklase dahil tapos na ang grading. Kaunting advices at announcement na lang galing sa punong guro.

Napatingin ako sa relo, limang minuto nalang at alas nwebe na. May meeting kami ngayong alas nyebe.

"Class, may meeting ako sa taas. Huwag malikot, huwag kayong labas ng labas." sambit ko at kinuha ang lahat ng kailangan.

Lumabas ako, saktong papunta pa lang si Dianne kaya sumabay na ako.

"Paano ka napa-oo ni Riyu, Dianne?" tanong ko. Nakita kong namula ang pisngi niya kaya hindi ko mapigilang humalakhak. Napayuko siya at mukhang nahiya.

"Huwag na lang pala." nakangising asik ko. Ilang oras kaming nagmeeting, malapit na ang uwian at ngayong panibagong sermon na naman.

Kung kahapon nakabasag, ngayon nakasira ng upuan dahil ginamit sa pag-abot ng pinakadulo ng shelves.

"Didn't I said earlier to behave?"

Gusto kong magmura kaso mabuti nalang at naalala kong mga bata kasama ko.

"Kamusta araw mo, Ma'am Corie?" tanong saakin ni Riyu. Nagkasabay kaming dumaan sa hallway. Patungo siya sa classroom ni Dianne habang ako ay papauwi na.

"Medyo okay.. mauna na ako, bye!" paalam ko at kumaway sa kanya. Umupo ako sa waiting shed at kinuha ang wallet.

Sa sabado nalang siguro ako maggo-grocery. Bibili ako ng karneng uulamin namin mamaya. Tumayo ako pagkatapos makakuha ng pera.

Biglang may humintong pamilyar na kotse. Bago ko pa makita kung sino ay kaagad akong sumakay sa tricycle. Base sa kotse ay alam ko kung kanino ito, yung plate number din.

Napabuntong-hininga ako at tinuon ang pansin sa daan. Aksidente akong napatingin sa side mirror at nakitang nakasunod ang itim na lambo.

Hindi nagtagal ay nawala ito sa paningin ko. Napahinga ako ng maluwag at nagbayad. Bumaba ako at bumili ng karne. Nilakad ko na ang daan patungo sa apartment. Hindi naman masyadong malayo at sayang ang pamasahe.

Bago pa ako makarating sa gate ng apartment ay napahinto ako. May itim na lambo na nakapark sa harap ng gate. Nakita ko roon si Hades na kinakausap ang land lady.

"Oh, nandito na pala. Ang tagal mo, kanina pa to naghihintay sayo.." sumpladang wika ng matandang land lady. Napunta ako tingin ko kay Hades na ngayon ay nakatitig saakin.

Kunot-noo akong lumapit, "M-May kailangan ka?"

Umiling siya, "What takes you so long?"

"Ahm, bumili kasi ako ng karne," sambit ko at pinakita ang hawak kong supot ng isang kilong karne. Dalawa kami ni Sunshine kaya baka may sobra at maulam namin bukas, kung meron.

Tumango siya, "Bakit ka andito?" tanong ko. Sa halip na sumagot ay tinalikuran niya ako at mabilis na sumakay sa kotse bago ito pinaharurot papalayo.

Anong nangyari dun?

Sa sumusunod na araw, binalaan ko na naman ang mga bata. Naku, ang kukulit.

"Again, behave kung ayaw niyong kurutin ko ang mga singit nyo." pananakot ko. Tumulong ako sa mga batang nagpapractice, absent kasi iyong assign dito.

Mabuti nalang at noong bumalik ako sa classroom ay nakaupo ang lahat habang busy sa pinagawa ko.

Uwian na, nagpaalam ako sa mga bata at pinagpatuloy ang pinagawa saakin ng principal.

"Hay, salamat. Natapos na rin!" wika ko at nag-unat. Pagtingin ko sa labas ay malapit ng dumilim. Napatingin ako sa wrist watch ko, alas 5:55 na pala.

Niligpit ko ang mga gamit at umuwi. "Natagalan kayo, Ma'am? Busy?" tanong noong guard. Tanging tango lang ang sinagot ko at umupo sa waiting shed. Naku, sa ngayon oras, minsan na lang ang dumadaang jeep o tricycle.

"Ate, sakay ka na po daw sa estrangherong yun! Bibigyan po ako ng isang libo pagsumakay ka. Sakay ka na po, Ate-- Ma'am pala." wika noong batang pulubi at tinuro ang kotseng itim.

Ayaw ko sana pero naaawa ako sa bata, minsan kasing noong natagalan ako, alas 7 or 8 na ng gabi ako nakakauwi. Hindi naman estranghero si Hades, kilala ko ang sasakyan niya.

Tumalon naman sa tuwa ang batang pulubi at tinanggap ang isang libo. Pinagbuksan niya ako, naiilang akong sumakay.

May kailangan na naman ba to? Tinalikuran lang ako kahapon ah!

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon