"Ang haba ng hair natin ah, kapal din ng mukha. Bakit ayaw mong sagutin?"
"Manliligaw pa, Sunny."
"Kaya nga. Bakit ayaw mong magpaligaw o kaya kayo nalang agad. Pag ako ang nasa sitwasyon mo ay kasal agad. Ang gwapo kaya tapos mayaman at ang hot." aniya
Kasalukuyang tumutulong ako kay Sunny sa paglinis ng pool. Maliligo kasi si Charles. Umiling-iling nalang ako kay Sunny. Malapit na ang lunch kaya busy ang ibang maid.
"Gusto mo ba?" Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot. Ilang segundo akong tahimik at walang masagot. Pumalakpak naman siya at ngumisi.
"Gusto mo pala eh. Pa-hard to get pa." umiling-iling si Sunny. Sana mahulog ka sa pool!
"Pag ako talaga ikaw ay wala ng ligaw ligaw pa, jackpot eh!"
"Sunny, hindi mo kasi naiintindihan. Mas uunahin ko ang pag-aaral." sagot ko.
"Priority mo naman pa rin ang pag-aaral pero ayaw mo nun? Nagtatrabaho ka lang tapos napasayo ang amo mo." Pangkukumbinsi nito saakin. Napaisip ako,
"Sagabal lang siguro?" tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Sagabal? Gaga! Bahala ka. Baka kung tatanggi ka ay hindi ka na liligawan ulit." ani nito at umiling-iling. Nakaramdam ako ng takot.
Mabilis lang kaming natapos. Nagpaalam siya para maghanda sa kaunting snacks para kay Charles. Pumasok na rn ako at bumalik sa kwarto.
Hindi nagtagal ay may kumatok, tumayo ako at pinagbuksan iyun. Naabutan ko si Madam Claudia na ngayon ay abot langit ang ngiti.
"I have a good news, Hija." nakangiting wika niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Napansin ko ang saya sa mga mata niya at ngayon ay nangingilid ang luha.
"O-Okay na kami ng anak ko.."
"Talaga po? Eh kung ganun, wala ng suyuang magaganap?"
Umiling ito at niyakap ako. Gumanti ako ng yakap, hindi ko masukat ang saya sa mga mata ni Ma'am.
"It's all thanks to you, my son is so lucky to have you." wika nito. Hindi ko mapigilang ngumiti.
"Magtatanong lang po sana, ganun po ba kalaki ang nagawa niyong kasalanan para hindi ka halos mapatawad ni Hades?"
Nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot. Naguilty din ako sa tanong ko, sana hindi ko na pala tinanong. Magsasalita na sana ako.
"Garlea's mother is my husband's mistress. Kaya ko nagawa lahat ng iyon. Guilt is killing me, hindi niya kasalanan ang kasalanan ng ina niya."
"Today is my older sister's birthday. There's a small party in their mansion. You should come together with my son. Ipapakilala kita sa angkan mamayang gabi." bumalik ang ngiti ni Ma'am. Ipapakilala? Hindi ko naman kaano-ano si Hades. Tatanggi na sana ako ng biglang pumasok ang isang malaking lalaki na naka-all black.
Lumapit ito kay Ma'am at may binulong. Tumango naman ito at nagpaalam saakin. Napaupo ako sa kama. Ayaw kong pumunta doon, nakakahiya.
Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa to. Sumasakit na ang ulo ko. Mahina kong hinampas ang sarili kong ulo baka sakaling maibsan ang sakit.
"Are you okay?"
Gulat akong napatingin kay Hades na ngayon ay nasa harap ng pintuan.
Tumikhim ako, "Oo."
"Are you sure?"
Hindi ko na siya sinagot at humiga nalang sa kama. Binalot ko ng comforter ang katawan ko at pinikit ang mga mata.
Ilang segundo bago ako nakaramdam ng pag-uga ng kama. Nilingon ko kung sino iyun. Hindi ko namalayang nakalapit na pala tong lalaking to saakin. Nilagay niya ang palad niya sa ulo ko.
Mabilis akong umiwas at tinanggal iyung kamay niya. Wala naman akong sakit.
"Okay lang ako." ani ko at umusog para magkalayo kami. Umusog din siya palapit saakin. Uusog sana ako papalayo pero nahuli niya ako at nakulong sa bisig niya.
"Mahuhulog ka kapag patuloy kang uusog." kampanteng wika nito. Tinikom ko ang bibig ko.
"H-Hindi ka ba maghahanda? May salo-salo kayo mamaya." Tanong ko at mahinang kinagat ang pang-ibabang labi.
"How about you? Hindi ka sasama?" wika nito at pinaglaruan ang mga daliri ko. Binawi ko ang kamay ko at bumangon.
"Hindi..."
"Then we'll stay here." mariin nitong wika. Hinampas niya ng tatlong beses ang kama kung saan ako kanina nakahiga.
"Birthday yun ng Auntie mo." wika ko at tumayo. Umupo ako sa maliit na sofa. Tumayo rin siya at umupo sa tabi ko.
"Bawal kang pumasok sa kwarto ko ng walang paalam kaya layas, hindi ka welcome dito."
"Hey, what's the matter?"
"Wala, naiinis ako sa pagmumukha mo."
Mahina itong tumawa, "Why?" natatawang tanong nito.
"Sabihin mo kasi sa nanay mo yung totoo." inis na sagot ko.
"Anong totoo?"
"Iniisip ng nanay mo na tayo na, ipapakilala daw ako sa buong angkan. Hindi pa naman tayo."
Tumayo ako at bumalik sa higaan para makalayo sa kanya.
"Hindi pa? You mean..."
"Bakit ano ba tayo? Diba wala?"
"Hindi pa tayo? So hindi pa?" Is that what you mean?"
"Oo, payag na ako."
Natahimik siya,
"Tayo na?"
"Hindi, papayag lang ako na liligawan mo ako. Ano ba!"
Napatingin ako sa wall clock, malapit na mag-ala una ng hapon. Bumalik ang tingin ko kay Hades na ngayon ay tahimik habang nakatitig saakin.
"Really?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...