Naghanda na ako, ilang oras lang daw ang byahe. Oras na rin siguro para magpahinga muna ako. Nagpaiwan si Sunshine dahil gusto rin na bumisita at bigyan ng oras ang boyfriend.
"Buti sumama ka." rinig kong wika ni Riyu. Tumawa ako at umupo malapit sa bintana ng bus.
Halos lahat ata ng advisers ay sumama. Ilang years na rin siguro akong hindi nakabisita sa mga beach dahil trabaho palagi ang inaatupag ko.
Allowance ni Sunshine, bayad sa kuryente at tubig at idagdag mo pa ang upa sa apartment. Pang-araw-araw pa na gastusin.
Naboring ako sa kalagitnaan ng byahe, nakinig nalang ako ng mga kanta sa playlist ko. Wala akong katabi sa upuan. Uuwi rin naman kami kaagad mamayang hapon. Bring to share pa, soft drinks nalang inambag ko.
May kumalabit saakin sa likod kaya tinaggal ko muna ang head set at lumingon. Sumenyas si Riyu na okay lang ba ako, tumango naman ako.
Akala niya siguro nalulungkot akong walang katabi. Mas mabuti nga iyun, walang manggugulo.
"Ang ganda naman dito." sambit ni Dianne. Yung mga lalaking teachers ay kasalukuyang nagbubuhat ng mga case ng red horse at bucket ng ice.
Isang malaking cottage ang pinareserve ng Principal. Sa sobrang laki ay kasya kaming lahat na guro.
Alas nuwebe ba ng umaga at kaunti pa lang ang mga tao sa resort. Namiss ko ang amoy ng dagat.
Nagkanya-kanya na sila. Yung iba naliligo, kumakain at nagpi-picture. Hindi naman ako maliligo, sumama lang ako para marelax din itong buhay ko.
"Ms, sama ka saamin magpicture dito!" aya saakin ng ka-guro ko. Umiling ako, "Hindi ako mahilig sa mga ganiyan."
"Sige na, sayang naman. Maganda pa naman ang view."
Yung view lang maganda?
Sa huli ay sumama ako. Hindi kasi ako tinantanan, ang ingay pa ng mga bunganga.
"Tumayo ka diyan tapos bend ka ng kaunti. Lagyan mo ng facial expression. Iyuko mo ulo mo." sunod-sunod na wika nito. Sinunod ko ang lahat ng sinabi niya.
"Send ko nalang sa messanger itong mga pictures mo. Pag-ipopost mo sa social media, huwag mong kalimutang i-credits ako ha."
Tumango lang ako at pagod na bumalik sa cottage. As if I po-post ko, lol.
Napahinto ako ng makita si Bruce na naglalaro sa buhangin. Hindi kalayuan ang isang cottage, nakaupo ang pamilyang Ohio at hindi pamilyar na lalaki.
Gosh, kailangan ko pang dumaan sa harap ng cottage para makapunta sa cottage namin. Huli ko silang nakausap ay matagal tagal na. Mga nasa 40s na siguro sina Ma'am Claudia. Lalaking-lalaki na rin ang porma ni Charles.
"T*ngina!" bulong ko sa sarili. Tumalikod ako at bumalik kay Nadia, ang photographer ko ngayong araw.
Kung minamalas ka nga naman..
"Oh, bakit kapa andito? Gusto mo pa magpapicture?" bungad ni Nadia. Umiling ako, "Boring sa cottage. Dito muna ako, i-to-tour ko muna sarili ko." tugon ko at nilagpasan siya.
May maliit na playground sa resort na ito. Umupo ako sa bench at tumitig sa dalampasigan.
"I never thought I'll see you here.." boses iyun ni Hades. Hindi na ako nagulat kung bakit siya andito.
Umupo siya sa tabi ko at tumitig sa dalampasigan. Napabuntong-hininga ako, "Gusto kong mapag-isa at mag-isip-isip kaya kung pwede ay umalis ka sa pwesto ko."
"Woah, easy. Are you thinking of someone?"
Am I? Am I thinking of him? Why the hell I am thinking of him?
Hindi ko mapigilang sumagot sa kanya ng totoo, "Oo."
Inisip ko kung bakit siya andito sa tabi ko. Inisip ko kung okay lang ba siya. Teka nga, bakit ko ba siya iniisip? Importante ba siya? Nakamove on na ako..
"Who?"
You. I am thinking of you.
"Ikaw." natahimik siya at napatitig saakin, "kailan ka balak umalis sa pwesto ko?" dagdag ko. Natauhan siya nang marinig ang sinabi ko.
"Are you on your period right now?" walang prenong tanong niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Paano niya nalaman?!
"Oo kaya umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sayo."
"What if I don't?"
Hindi ko siya binigyang pansin. Ang ingay-ingay!
"Ano na naman kailangan mo saakin? Diba sabi ko sa susunod nalang tayo magkita para mabisita ko sa kulungan iyong tatay ni Garlea." inis na sambit ko. Gusto ko rin sanang bumisita sa puntod ni Garlea, gusto ko siyang makausap.
"Daddy Hades!" sabay kaming napalingon kay Bruce na papunta sa direksyon namin. Hila-hila nito ang hindi pamilyar na lalaki, hawig sila ng mata at ilong.
"Hello, Ms. Corie. This is my biological father. He is Steeve Lee."
Tumayo ako, "Magandang umaga po."
Kaya pala gwapo si Bruce, mana pala sa ama.
"Good morning. I'm Steeve Lee, and you're?"
"Corie.. Corielyn Almirah Sonero. Corie for short." pagpapakilala ko. Single ba to? Pumapatol ako sa single dad.
Nagkatitigan muna sila ni Hades. Parang nag-uusap gamit ang mga mata. Hinila ako ni Bruce patungo sa buhangin.
"I remember you! You are Tito's Ex."
"Tito?"
"My father wants me to call him Tito because he's jealous. From now on, I'll call him Tito." umupo siya sa buhangin at naglaro. Yumuko ako at nagbungkal ng buhangin.
"Hindi mo pala ako nakalimutan." nakangiting sambit ko.
"How can I forget you? You have a lots of pictures in my Tito's room."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...