Chapter 22

551 19 0
                                    

Ang ganda! Literal na nalaglag ang panga ko sa ganda. Sobrang ganda ng view, may ilang puno ng niyog, malinis at maputing bungangin, may tatlong maliliit na kubo, at malinaw na dagat.

Dito magandang magrelax, kasama ang kaibigan at pamilya.

Napatakip ako ng tenga ko ng humiyaw na naman si Sunny. Anong problema ng babaeng to? Nakalunok ba to ng megaphone?

Ang tahimik naming lahat tanging si Sunny oang ang gumagawa ng ingay. Nakikita ko ring hindi matanggal ang kanilang atensiyon sa isla habang unti-unting kaming lumalapit.

5 minutes ang biyahe at sa wakas nakarating na rjn. Humiyaw na naman si Sunny, pangalawa na niya to.

Naunang bumaba ang lalaking nag-assist saamin kanina. Sumunod si Manang habang inaalalayan ni Kuyang nag-assist. Sunod si Charles, Sunshine, at Ma'am.

"Robert, ito na ang susi. Buksa mo muna yung mga kubo."

Tumango yung kuya at umalis. Hala, pano ako kuya? Sila lang yung inalalayan, binayaran pa naman yun.

Tumalon si Hades at kaagad na hinawakan ang kamay ko. Gulat ko siyang tinignan, tinaasan niya ako ng kilay at bumulong na "baba na".

Napabuntong-hininga ako at bumaba. Inalalayan niya ako, muntik pa akong mahulog kung hindi niya lang hinawakan ang bewang ko.

"Salamat." mahinang bulong ko at yumuko para tignan ang tsinelas kong nasira dahil sa pagbaba ko. Mahina siyang napatawa ng makita ang tsinelas kong may butas. Porket naka-channel na tsinelas tatawanan nalang ang tig-wanpipte kong tsinelas.

Ang tagal ko ring itong ginamit, ito yung tsinelas ni Jhonalyn, yung pinsan kong dahilan kong bakit ako pinalayas. Kinuha ko, pera ko naman ang pinagbili niya. Ano siya, Gold?

"Here, use mine"

Literal na lumaki ang mata ko dahil sa narinig. Hala, yung paa niyang mas mahal sa isla, madudumihan.

Nakakahiyang suotin yung channel sa paa kong mas mura pa sa ukay ukay. Umiling ako, kung ganun titiisin ko nalang ang tsinelas ko. Sayang yung 150 pesos ko, maganda pa naman design kahit mas mukhang maganda kay Hades.

"Nakakahiya sa paa mo." wika ko at tumalikod. Nasa kubo si Ma'am, chinecheck ata yung kuno habang si Charles ay bored na nakatayo sa gilid ng niyog. Si Sunshine at Manang ay nakatayo sa gilid ng dagat, nag-uusap. Hindi na ako nagulat kay Sunny ng nakasuot na ito yellow na two piece.

"Whoo! Saya!" si Sunny. Napatawa naman sina Manang, Sunshine, at Ma'am. Umiling lang su Charles, ang saya pala.

"Stop it, Hahaha." ani ng lalaking nasa likod ko. Bakit siya tumatawa? Baliw na ata itong lalaking ito.

"Ang saya nila habang ikaw nakasimangot." wika nito habang natatawa pa rin. Nakasimangot? Hindi kaya.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit halatang pilit at pinakita iyun sa kanya. Lalo siyang tumawa at bumulong, hindi ko marinig. Puwet niya lang ata nakarinig.

"Problema mo?" inis na wika ko at mabilis na naglakad papunta kay Sunny. Kasalukuyang siyang may pinapahid sa kaniyang balat.

"Ano yan?" tanong ko. Napahinto siya sa paglagay at tinignan ako.

"Ito ba? Sunblock to, hiniram ko kay Señorita."  sagot niya. Ang kapal rin nitong babaeng ito, feeling close ha!

"Magkaibigan na kami, nakakatuwa daw kasi ako" kinikilig niyang wika. Talaga ba? Ingay mo lang kasi!

***

Claudia Vien POV

"Madam, lahat po dito ay may air conditioner at malalaking higaan. Dito po," wika ni Robert sabay bukas ng unang kubo. "Mayroon po tayong dalawang malaking kama kaysa po sa dalawang tao. May cr at kusina, ito po yung pinakamalking kubo." ani nito, maganda dahil may kalahating second floor, may salas at kusina. Mayroon ding dalawang queen sized bed sa taas.

Dito kami matutulog ni Charles. Gusto kong isama si Hades pero alam kong aayaw iyun, hindi ko muna siya pipilin. Time to relax muna tayo.

Kitang kitang ang view ng dagat sa maliit na open room. Nagtour lang kami sa tatlong kubo. Pareho lang ang dalawa, walang second floor at kusina. Tanging maliit na salas, cr, at isang queen sized bed. Kasya naman siguro sila diba?

Palagi akong busy kaya wala na akong masyadong timekay Charles at Hades. Babawi muna ako kay Charles sa ngayon, next time si Hades.

May air conditioner din naman yung dalawang kubo. Pagkarating mo palang ay mayroong hagdanan dahil sobrang lapit lang sa dagat. Samantalang yung dalawang kubo, ay malayo sa dagat.

"Guys, listen. Ang matutulog sa malaking kubo ay me and Charles. Kulang kami ng isa, malaki ang kama namin kaya kulang kami ng isa." Claudia

"Ma'am, si Señorito Hade--" Sunny

"Si Sunny nalang, Señorita." Putol ni manang

"Okay, me, Sunny and Charles. How about the second kubo?" Claudia

"Señorita, kami nalang po ni Sunshine. Kasya po kami sa isang kama" ani ni Manang.

"Then, Corie and Hades sa isang kubo?"

Sumang-ayon ang lahat.

"Okay, final na. Now pumunta na tayo sa kanya kanyang kubo dahil mamaya i-seserve ang lunch." wika ko. May tiwala naman ako sa anak ko at kay Corie. Bagay rin naman sila.

***

Someone POV

Napatulala si Corielyn sa narinig. Magkasama kami sa iisang kubo ni Hades? Hindi siya makapaniwala.

Nakangisi lang si Sunny, Manang, at Charles sa dalawa.

"Oi, huwag gumawa ng kababalaghan." Sunny
"Bro, fighting!" Charles
"Aba ineng, sigurado akong masarap ang tulog mo niyan." Manang.

Halos nangiyak ngiyak na si Corie, dumagdag pa ang tatlong epal.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon