It's been 5 years, lahat ng pagod, hirap at sakit ay nakaya ko lahat. I'm proud of myself, I am now a successful teacher.
Nag-aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. I love baking, kung may oras ay nagbabake ako sa mga customers ko. Sakto rin marunong akong magpainting kaya medyo nahasa ako sa pagdedesign ng cake.
Pinapaaral ko si Sunshine sa kolehiyo ngayon. Nagtuturo ng mga bata, gusto ko ng bata.
"Ihahatid na kita, Ma'am." napangiti ako dahil sa isang estudyanteng tumulong saakin. Marami akong papel na dala at mabigat pero mabuti nalang at may tumulong saakin. Isa itong grade 5 student at grade 2 adviser naman ako.
"Ma'am Sonero, crush ka raw po nito oh. Ayiee!" sambit ng isang estudyante sabay pabirong paghampas nito. Pumasok kami ng room ko.
"Maraming salamat." pagsasalamat ko. Nahihiya naman itong ngumiti at nagpaalam.
Kasalukuyang akong nagtuturo sa isang private na elementary school. Malaki ang sahod kaya swerte ako.
"Good morning, Class."
Ang kaninang maingay at nagtatakbuhang estudyante ay mabilis na umupo.
"Good morning, Ma'am Corie." pabalik nilang bati. Ngumiti ako at kinuha ang chalk.
"Let's pray first before our examination start. Did y'all study?"
May iilang tumango at may iilang din umiling-iling. Pagkatapos naming magdasal ay kanya-kanya na sila sa pagkuha ng lapis. Kinuha ko ang testpaper at pinamigay iyun.
Nagbigay lang ako ng instructions sa mga bata at umupo sa gitna.
"If you have questions, please don't be shy to ask your teacher." nakangiting sambit ko. Matatalino naman itong mga bata ko kaysa noong last year. Ang kukulit.
"Goodbye, Class." paalam ko matapos ang examination. Bago ako umalis ay pinahinto ako ni Bruce, isa sa mga estudyante ko.
"Ma'am, I would like to invite you in our house in the weekend. I already asked Dad and he approved." nakangising wika ni Bruce, kilala ko ang nanny nito kaya umuoo nalang ako.
Sanay na rin naman ako. Pag may okasyon siguro sa bahay ng mga bata ay iniimbita nila ako. Magaan ang loob ko sa mga nanay nila pati sa mga bata.
"Parang gusto kong bumalik sa grade 2, ang strick ng bagong adviser natin." sambit ni Mikaela ng makapasok ako sa loob ng canteen. Estudyante ko yan noon, matalino at honor sa klase.
Bumili ako ng kaunting snacks at pumasok sa faculty. Ang haba rin ng oras ko sa loob ng classroom. Nakaupo habang sumasagot ng mga tanong ng aking mga estudyante.
Pumara ako ng taxi, kinuha ko ang cellphone ko at nag-set ng reminder sa calendar ko. Baka makalimutan ko pa, mabait pa naman iyong nanny niya.
Binigyan ako ng pagkain at sabi na galing iyon sa amo. Nahihiya man ako pero tinatanggap ko. Pagkarating ko sa apartment ay wala si Sunshine, nagpaalam siya saaking may gagawin silang group projects.
Pagod akong umupo sa sofa pagkatapos kong magsaing. Bumili na ako ng barbeque sa labas kaya hindi na ako magluluto ng ulam namin.
To: Sunshine
Wag kang magtatagal diyan.
Wala akong natanggap na reply sa kanya. Wala pang iilang minuto ay dumating na siya.
"Wala akong load, ate. Pauwi na ako nung nabasa ko text mo." bungad niya saakin. Tumango ako at naunang pumasok sa kusina.
"Ate, may hiring na trabaho. Night shift at malaki ang--"
"Huwag na. Kaya kitang buhayin, Sunshine. Mag-aral ka nalang ng mabuti para makatapos ka." putol ko sa sasabihin niya. Kahit nag-aalinlangan ay tumango siya at sumandok ng pagkain.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Naligo ako at kumain. Magkaiba ang ruta ng daanan na pupuntahan namin ni Sunshine kaya hindi kami sabay. Binigyan ko nalang siya ng allowance.
Palagi niyang nababanggit saaking aalis siya sa bahay para buhayin ang sarili. Syempre umiling ako, nangako ako kay Sunny at tutuparin ko iyon.
Siguro papayagan ko na siya kapag nakapagtapos na at nakahanap ng magandang trabaho. Kaunting tiis nalang naman ay fourth year college na siya.
Gaya ko ay magtuturo rin siya, hindi ko siya pinagbabawalang magboyfriend basta hindi niya lang pabayaan ang pag-aaral. Malalaki naman ang grades at mabait iyong boyfriend.
Mayaman at gwapo. Willing itanan si Sunshine pero humindi muna ako dahil bata pa.
"Good morning, Ma'am Corie." bati saakin ng mga estudyante. Pumasok ako sa faculty at kinuha ang lahat ng testpaper na chineck ko kahapon.
Malapit ng matapos ang klase at bagong estudyante na naman. Sa lahat ng estudyante ko ay isa rito ang nakuha ng atensyon ko. Matalino at napakadaldal, iyun ay si Bruce.
Familiar siya,
"I would like to congratulate Bruce Lee and Missy Ellie for perfecting the math exam."
Nagpalakpakan naman ang mga bata. Ngumiti ako at binigay iyong mga testpaper. Last grading na namin to kaya paniguradong busy ako sa pagtotal ng mga grades.
Walang bagsak, lahat passing.
"Good morning, Ms. Sonero." nakangising bati saakin ni Riyu. "May meeting pala mamaya.."
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagtatrabaho.
"Hoy, sama ka. Libre ni Dianne."
Tumango ako at tumayo. Inayos ko muna ang nagkalat na papel. "Bilis tumayo, ah. Tara na nga!"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
Roman d'amourCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...