Chapter 53

365 13 0
                                    

"What's bothering you, Hmm?" Lumapit siya saakin at niyakap ako patalikod. Niligpit na pala niya ang pinagkainan namin, hindi ko namalayan dahil sa dami ng iniisip ko.

"Mahal mo pa ba si Garlea?" Natahimik siya at pinaharap ako. "What? What the hell are you talking about?"

"Hindi, okay lang naman eh. Sabi nila first love never dies,  baka lang naman. Naiintindihan kita kung ganoon--"

"Is that bothering you? No, of course. When I saw her, I didn't felt love. I loved her but I love you now. Okay, I'm just shocked."

"Hmm, are you worried? Jealous, perhaps?"

Nag-aalala ako na baka mahal niya pa yun. Plano ko sanang papasukin para makapag-usap sila pero si Hades na mismo ang nagsabing mag-uusap sila bukas ng umaga.

Lahat ng nakita ko ay totoo, akala ko ibang tao lang o guni-guni ko lang. Paano kung magbalikan sila? At selos? Siguro, pero baka nasanay lang na tawaging Love si Hades diba kasi call sign.

Hindi pa rin ako makapaniwala, baka multo lang yun? Pero hindi eh.

"Hades, promise me. Wag mo akong iiwan, ha?" Tumawa siya at inayos ako sa pagkakaupo sa kandugan niya, "Of course, till death do us apart."

Aasahan ko iyan, Hades. Nilapit niya ang mukha niya at tsaka ako hinalikan. Lumalim ang gabi, lumalim din ang halik na nauwi na naman sa panibagong yugyugan.

Kinabukasan nagising ako dahil sa mga halik sa pisngi at labi ko. Alam ko kung sino ito, amoy palang. Umungol ako at tumagilid upang iwasan ang mga halik.

Pinaharap niya ulit ako, "Do you want to come with me?"

Minulat ko ang mga mata ko, "Saan?"

"Breakfast. My parents and Garlea is already waiting for us." Pinagpatuloy niya ang halik niya sa pisngi ko. Bago pa iyon bumaba sa leeg ko ay tinulak ko na siya at gulat na tumayo. Alam na ng mga magulang ni Hades.

Lumapit ako sa salamin at inayos ang sarili. Nagpalit ako ng isang floral dress. Sabay kaming bumaba ni Hades at dumiretsyo sa restaurant.

"Oh, here they are." Napunta saamin ang atensyon habang naglalakad papalapit sa lamesang kinauupuan ngayon. Pansin ko ang batang nakaupo sa tabi ni Garlea.

Napansin kong bumaba ang tingin ni Garlea sa bewang ko kung saan nakapalibot ang braso ni Hades, umiwas din kaagad siya.

Hindi matanggal ang tingin ko sa babaeng nasa harap nito at ang kasama niyang bata. Ito siguro ang anak niyang hinahanap niya kahapon?

"So, what happened hija? We all thought you're dead. Walang nakitang bangkay at natangay ka raw ng agos ng ilog." Tanong ni Tita sa kalagitnaan ng pagkakain. Kuryoso sina Tita, Charles, Hades at pati ako.

"Tinulungan po ako ni Steeve na kaibigan ko na ngayon. Nakita niya akong walang malay kaya inuwi niya ang at inalagaan hanggang sa maayos na ako." Sagot nito.

"Kayo, kamusta na?" Pag-iiba niya sa usapan. Nagkatinginan muna kami king sino ang sasagot. Sa huli ay si Tita ang sumagot.

"We're doing good." Nakangiteng sagot ni Tita. Tahimik lang si kami nina Hades at Charles.

"Ahmm... How about you, Hades? I-It's been a long time."

Umayos ng upo si Hades, "I'm fine." Maikling tugon nito. Napunta saakin ang tingin ni Garlea. Umiwas ako ng tingin.

"Is she your girlfriend?" Tanong nito. Nagkatinginan naman sina Tita at Tito.

Napatingin ako kay Hades at napahinga ng maluwag, "Yes.."

Tumango-tango naman si Garlea habang nakatitig saakin na parang chinecheck ako. Umayos ako ng upo at uminom ng juice.

++

Nakatitig ako kina Hades at Garlea sa gilid. Nag-uusap sila, ito siguro ang sinabi ni Hades na mag-uusap sila pero kailangan nila ng privacy.

Unti-unting sumarado ang elevator. Napayuko ako at hindi mapigilang isipin na paano kung gusto pa nila ang isa't isa. Hinang hina akong naglalakad patungo sa hotel room namin.

Bakit ba ako nagseselos? Nag-uusap lang naman, oa ko talaga. Wala namang kababalaghang ginagawa at tsaka may tiwala ako kay Hades.

Pabagsak akong umupo sa higaan. Humiga ako at niyakap ang malaking unan. Amoy na amoy ko sa unan si Hades. Tirik na tirik ang araw kaya kahit pilitin kong matulog para mawala ang boredom ko ay hindi ako makatulog.

Ang tagal naman, nababagot na ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Lumabas ako ng hotel room at hinintay na bumukas ang elevator. Bumukas ito at sasakay na sana ako ng bumungad saakin si Hades. Magulo ang buhok at halatang kinakabahan.

Lumapit siya saakin at mahigpit akong niyakap. Nalilito ako sa nangyayari, tinanggal ko ang braso niya.

"Okay ka lang, teka ikukuha kita ng tubig."

Pumasok ulit ako sa hotel room at kinuha iyong bottled water. Ibibigay ko na sana sa kanya pero mabilis niya akong niyakap, mahigpit.

Naramdaman kong bumasa ang gilid ng balikat ko. Umiiyak? Bigla akong kinabahan.

"Love... I'm sorry."

"Sorry? Para saan? Dahil ba natagal kayo?" Hindi niya ako sinagot.

"Love, please. I'm really sorry. Please don't leave me."

"Hades? Anong nangyayari?"

"Shh, everything will be okay. No matter what happened, just stay with me always. Okay?"

Kahit naguguluhan ako ay tumango ako. Ano na namang kagaguhan ito, Hades? Kinakabahan ako sayo ah.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon