"Yes, I am."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi makagalaw. Kaya pala pamilyar si Bruce, pero akala ko ba Yuri? B-Bakit Bruce?
"Dad, meet my teacher!" boses iyun ni Bruce. Umalis si Manang para ihanda ang ginawang cookies ni Bruce. Manang kasi ang tawag ko dahil iyun ang tawag sa kanya ng karamihan.
"I'll help, Nanny." wika ni Bruce at sumunod. Ngayon ay naiwan kaming dalawa. Ramdam ko ang presenya niya sa likod. Huminga ako ng malalim, bakit ako natatakot?
Humarap ako sa kanya, "Anak nyo pala si Bruce. Magaling iyan sa klase.."
Hindi siya sumagot bagkus ay malamig siyang nakatitig saakin. Umiwas ako ng tingin at nakahinga ng maluwag nang nakita sina Manang na paparating dala-dala ang mangkok ng cookies.
Sumunod si Bruce at isa pang kasambahay na may dalang pitsel ng juice at mga baso. Gusto kong umalis sa lugar na to pero naaawa ako kay Bruce.
Pinaupo ako ni Bruce sa malaking couch at in-on ang tv. Kumuha ako ng isa at tinikman iyun. Masarap naman.
"Ma'am Corie, you can visit me every weekend here." nakangiting wika ni Bruce. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Umupo si Manang sa tabi ko. Sinulyapan ko si Hades na patungo sa taas.
"H-Huh? Bruce--"
"I'll also want to ask your phone number, Ma'am." dugtong niya. Hindi ako makaproseso dahil sa pagkalito.
"Ma'am Corie, please." sambit nito at nag-puppy eyes. Kahit ayaw ko ay tumango ako at kinuha ang cellphone. Magpapaalam ako kapag hindi ako makapunta dito at ayaw ko ring pumunta dito kaso lang..
"Good!" wika niya matapos makuha ang number ko. Tumayo siya at tumakbo patungo sa pangalawang palapag ng bahay.
"Pagpasensyahan mo na ang batang yun, Ineng. Baka sana ay kung meron kang oras na bumisita, ay bumisita ka. Sayo lang siya ganito." wika ni Manang.
May choice ba ako?
"Sige po, Manang." kahit kuryoso akong tanungin kung bakit ay hindi ko nalang tinuloy. Ayaw kong isipin nakikisiksik ako sa buhay nila.
Hindi kalaunan ay bumaba si Bruce na may dalang isang karton ng laruan. Lumaki na pala iyong batang to. Ngayon ko lang nalamang anak pala nila ito. Si Manang kasi ang palaging dumadalo kapag may PTA meeting o sumusundo. Na-curious tuloy ako kung bakit hindi si Garlea.
"Ma'am Corie, let's play snake and ladder. The winner will receive a prize."
"What prize?"
"Maybe a dare?"
Binuksan niya ang karton at hinanda ang laruan. May malaking board, dice at apat na maliliit na hayop. May pusa, aso, kuneho at baboy. Ang cute, magandang gawing souvenir.
"Oh siya, maiwan ko muna kayo. May gagawin pa ako." paalam ni Manang.
"What? I need more player.. the more, the merrier." malungkot na wika ni Yuri, Bruce pala. Nakita kong nagdadalawang isip si Manang. Kung maglalaro ba o aalis.
"Huwag na, Bruce. Tayo nalang. Busy si Nanny." pangkukumbinsi ko. Sumimangot siya, "I'll call Dad." wika nito at mabilis na tumakbo. Tawagin ko sana pero huli na.
Parang gusto kong umuwi.
Kagat labi akong naghintay hanggang sa bumalik si Bruce na hatak-hatak ang braso ni Hades. Umiwas ako ng tingin at inayos ang natumbang statue ng baboy.
Huminto sa paghatak si Bruce, "We'll play in my room." binitawan niya si Hades at kinuha ang laruan. Nauna siyang tumakbo patungo sa taas.
Naiilang akong tumayo at sumunod. Nanatiling nakatayo si Hades habang nakatitig bago sumunod saakin.
Nakita kong lumiko si Bruce at pumasok sa isang kwarto. Huminga ako ng malalim at pumasok. Ano ba tong pinasok ko?
Blue themed ang kwarto. Pinaupo ako ni Bruce sa kama. Nasa gitna siya habang ako ay nakaupo sa gilid. Hindi ko binalingan si Hades na kakapasok.
Umupo siya sa harap ko at kinuha ang baboy na statue. Gusto ko sanang sawayin dahil iyun ang paborito ko pero hindi ko ginawa.
Sa huli ay kinuha ko ang kuneho habang si Bruce ay aso. Nilagay namin ito lahat sa Number 1.
"I'll go first..." Si Bruce. Sunod-sunod ang laro, tahimik lang kami ni Hades habang tuwang-tuwang si Bruce. Kapag tumatawa siya ay napangiti na rin ako, pero agad ding napapawi dahil sa ilang na nararamdaman ko.
Sumunod ako at hinagis ang dice. Lima, inusog ko ng lima ang kuneho. Natatawa pa ako dahil ang akala ko ay mananalo si Bruce pero saktong huminto sa malaking ahas kaya back to zero siya. Sa huli ay si Hades ang nanalo.
"What's the prize again?" tanong niya kay Bruce pero nakatingin saakin.
"A dare!"
Ako ang nasa huli kaya ako ang may dare. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sumulyap kay Hades na ngayon ay nakatitig saakin habang nag-iisip. Halata sa kanya ang amusement at nagpipigil ng ngisi. Bigla tuloy akong kinabahan at lihim na nagdasal.
"Uuwi na ako.."
Nakita ko ang lungkot sa mata ni Bruce. Wala pang naisip si Hades kuno kaya baka next time nalang.
"Ihahatid na kita." wika ni Hades. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.
"H-Huh? Huwag na, kaya ko na sarili ko."
"Ma'am Corie, it's not safe outside. Let Daddy drive you." sambit ni Bruce habang nililigpit ang laruan.
Huh, ano daw? Sakyan ko Daddy niya?
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomansaCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...