Palabas kami sa kainan, hindi ako masyadong nagpabusog. Andami ding nakain ni Hades, favorite ata yung gravy dahil ilang ulit siyang nagpa-refill.
Uuwi na ata kami,
"Uuwi na tayo?" tanong ko sabay sumubo ng fries na sobra, sayang kasi. Umiling siya at naunang maglakad.
Huh? Ano pa bang gagawin nitong lalaking ito? Patuloy siyang naglakad pero this time, mabagal ang kanyang mga hakbang.
Hindi ko naman saulo ang malaking mall na to. Para lang akong tuta na sumusunod sakanya dahil sa height nya at sa height ko. Nagmukha kaming duwende at kapre.
Nagapatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa arcade. Pumasok kami doon, may nilapitan siya malapit saamin.
Hinayaan ko siya at nilibot ang paningin sa buong lugar. Ang daming pwedeng paglaruan, napahinto ako ng makita ang claw na may lamang malaking stuff toy.
Ang cute!
Lumapit ako doon at pinagtitinginan isa-isa ang mga laman ng lahat ng claw mashine. Nilibot ko ulit ang paningin ko at hinanap si Hades.
Nang makita ko siya ay lumapit ako, naglalaro siya ng basketball. Umusog siya habang patuloy na nagshoot. Tumabi ako sa kanya at kumuha na rin ng bola.
Hindi ko alam kung marunong o magaling itong si Hades. Halos lahat ay nashoot sa ring habang ako nakaisa palang.
Ang daya nitong machine na to ha!
Marunong naman akong magshoot bakit ayaw ma-shoot?
Ilang minuto bago natapos, malaking puntos ang aming nakuha. Si Hades lang ata ang nakashoot. Hindi ata umabot sa lima yung na shoot ko.
Pinagtatawanan din niya ako sa tuwing hindi ko na-sho-shoot. Magaling naman akong magshoot, sadyang sira lang ang machine.
"Chamba lang yan!" nakasimangot na sagot ko.
"Chamba? Talaga lang ha." natatawa pa rin siya at lumapit sa claw machine. Naghulog siya ng pera at tinutok sa maliit na stuff toy.
Napatawa ako ng makitang hindi iyon nakuha. Nagtaka siya at tinaasan ako ng kilay. Umalis na ako doon bago nya pa ako anuhin, lumapit ako sa claw na may laman na malaking stuff toy.
Naghulog ako at tinutok sa malapit na stuff toy. Naramdaman ko si Hades sa likod ko, mukhang manonood.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinindot ang button. Napapikit ako at tinabunan ang mukha ng kamay. Natatakot ako kung makukuha ko ba.
Sana makuha!
Gusto ko sanang matuwa dahil nakuha ko pero nahulog lang noong malapit na. Napabuga ako ng hangin, malas.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Hades. Gumaganti ha! Makukuha ko to no, first try ko palang yun noh.
Nagtry ulit ako hanggang da umabot ng fourth try pero hindi ko pa nakuha. Tawa lang ng tawa si Hades at sinubukan din.
Pati siya, siguro madaya itong arcade nila.
Napabuntong-hininga ako, wala ata saamin ang makapanalo. Imposible kasi, bakit ba ayaw makuha?
Nag-give up na si Hades at lumapit sa car racing game. Umupo, naglaro, at nagmaneho. Hindi ko siya pinansin at nagdasal nalang na sana ay makuha ko this time.
Napabuga ako ng hangin ng hindi ko pa din napapanalo.
"Magandang Hapon sayo, binibini,"
Awtomatiko akong napatingin sa biglaang nagsalita sa gilid ko. Teka? Kilala ko to, sino nga ulit to? Yung pinsan ni Hades?
"Corielyn, right?" tanong niya saakin. Oo, si Levi pala to. Anong ginagawa niya dito?
Tumango ako,
"Your struggling getting this toy?"
Tumango ulit ako at napasimangot dahil tanggap ko ng hindi ko ito makukuha.
"Let me, magaling ako dito." napangiting wika niya at nagwarm up. Pinagtitinginan kami ng ilang tao dahil nagmukha siyang tanga.
Naghulog ulit ako ng barya at hinayaan siyang maglaro. Seryoso siya habang naglalaro.
Unti-unting lumiwanag ang mukha ko ng makitang nakuha niya ito. Napangiti siya, kinuha ang stuff toy at binigay saakin.
Nakangiti kong tinanggap iyon at niyakap. Narinig ko siyang tumawa,
"Sino pala ang kasama mo dito, Binibini?" tanong saakin ni Levi. Tinuro ko si Hades na ngayon ay seryosong naglalaro.
"Magkasama kayo?" gulat na tanong niya saakin, "Oo, bakit?" takang tanong ko.
"Date?"
Mabilis akong umiling at nanlaki ang mga mata. Seryoso?
"Bakit hindi? Oh i mean, gala-gala lang? o may binili lang?"
"Oo, h-hindi kami nagda-date. May binili lang sya."
Napatango naman siya at mahinang tumawa.
"Bagal ni Hades." bulong niya.
"Huh?"
"Nothing, mauna na pala ako binibini. Aksidente lang kitang nakita kaya dinaanan kita at may importante pa akong gagawin. Paalam at enjoy!" nakangiting wika niya dahilan upang mapatingin ako sa diple sa kanang pisnge niya.
Gwapong lalaki, ganito ba talaga ang mga Ohio?
Kumaway siya bago lumisan. Tinanguan ko lang siya at bumawi ng ngiti.
Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad sa direksyon ni Hades na ngayon ay kakatapos lang maglaro ng nilalaro niya kanina.
Taka niya akong pinagmasdan habang papalapit. Nakuha ko, panis!
"You won?"
Umiling ako,
"Si Levi, iyong pinsan mo. Napanaluhan niya at binigay saakin." Nakangiting wika ko sa kanya. Umigting ang panga niya at naglakad. Sumunod ako sa kanya.
Uuwi na ata kami,
Gaya kanina wala pa din siyang imik hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hindi niya rin ako matignan sa mata.
Galit ba siya?
Galit ata dahil nanalo ako habang siya wala. Haha
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...