Chapter 25

561 19 0
                                    

"Ready everything. Pagkatapos nating kumain ay magbo-bonfire tayo mamaya." wika ni Ma'am.

"Opo." sabay kaming lahat. Aksidente akong napatingin kay Hades. Kanina pa siya ganiyan, hindi ako kinakausap magdamag. Problema nito?

Nag-order lang si Ma'am sa kabilang isla ng seafood. Nakakatakam!

Umupo muna kami sa same spot kung saan kami kumain ng lunch. Gawa ito sa kahoy at matibay. Ano kaya ang ginamit na kahoy? Ang tibay, matibay pa sa relasyon niyo.

Nang humudyat si Ma'am ay kanya kanya agad. Iba na ang sitting arrangement namin. Katabi ko na ngayon si Sunshine at Charles. Nasa harapan ko nakaupo si Hades katabi ni Sunny at Ma'am.

Hindi na ito budol-budol gaya kahapon. Kanya-kanya na.... hmm sarap naman nito. Sinong kayang nagluto?

Ilang minuto kaming walang kibuan habang kumakain. Syempre nasa pagkain ang atensiyon,  matagal-tagal rin bago naluto.

Naunang natapos si Charles, kasunod si Sunshine. Nagpresinta na si Sunshine at Charles na ihanda ang bonfire sa gitna. May nakatambak ng mga kahoy, posporo, at iba pa.

Nang matapos ako ay saktong natapos din si Sunny kaya pumunta kami sa direksyon nina Charles at tinulungan sila. Mukhang wala na dahil nagsisimula na ang apoy.

Umupo nalang ako sa malapad at maliit na kahoy. Ang malamig at preskong hangin ay tumama sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi kalaunan ay natapos din kumain sina Ma'am kaya lumapit din sila saamin at umupo. Yung iba ay nakaupo sa kanilang tsanelas habang yung iba ay nakaupo lang sa buhangin.

May dalang alak sina Manang, mag-iinom ata. May dala ring mga chichirya at juice.

"Wag kayong Kj, lahat tayo iinom maliban kay Charles at Sunshine. Bawal ang mga bata uminom, Okay!?" wika ni Manang sabay lapag sa dala nitong alak.

Aayaw na sana ako pero hindi ko natuloy dahil mariin ang titig saakin ni Hades. Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko dahil sa kanya.

Binigyan kami isa-isa ng canned beer. Ayaw kong sirain ang oras na ito. Siguro, kailangan ko ring magpakasaya.

"CHEERS!!" sabay na sabag nilang ani at pinagdigkit ang alak. Nakajuice lang si Sunshine at Charles. Sabay-sabay din kaming tumungga.

Napapikit ako sa lasa, first time ko ito.

Hindi rin nagtagal ng tuloy tuloy na akong tumutungga. Nagkwekwentuhan ulit kami sa mga nakakatawang bagay.

"Laro tayo!" suhestiyon ni Sunny.

"Ano naman?" taas kilay na tanong ko .

"Truth or Dare. Ano game?" Sagot nito.

Umu-o naman ang lahat. Kumuha ako ng isang chichirya at kinain iyun. Hindi pa naman naparami ang nainom ko.

Pinaikot ni Charles ang boteng walang laman. Humihiyaw naman sina Sunny habang naghihintay kong kailangan hihinto.

Huminto ang ulo ng bote kay Sunny habang ang pwet naman ay kay Ma'am. Napangisi naman si Ma'am na para bang may masamang balak.

"Hija, Truth or Dare?"

"Dare!" proud na sagot ni Sunny.

"I dare you to..... go to the cabin and sleep. Bukas sa umaga ka na bumalik dito.." Natatawang ani ni Ma'am.

"Seryoso?" biglang nawala ang ngiti sa labi ni Sunny ng marinig si Ma'am. Humalakhak kami ng malakas.

Tumango naman si Ma'am na lalo pang ikinasimangot nito.

"Señorita, Truth nalang po!" nakangusong ani nito. Lasing na ba to? Sabog na eh!

Sumenyas si Ma'am kay Sunny at mukhang naintindihan ito ni Sunny kaya lumapit ito. Sila pala ang Kj ha!

Nagpatuloy ang laro, natatawa nalang ako sa nangyayari. Ang alam ko lang ay bigla nalang umikot ang paningin ko kaya tumayo na ako at iniwan sila.

Pumasok ako sa kubo at dumiretsyo sa banyo. Naparami na pala nainom ko. Hindi pa nga ako nakalaro, minalas ako hindi napili ng bote.

Humiga nalang ako sa kama at kaagad nakatulog.

_

Someone POV

Mabilis na napansin ng binatang si Hades si Corie. Bigla kasi itong napapikit at ang kaninang tahimik na umiinom ay bigla nalang nakisama at nakiingay sa kasama nito.

'Lasing na ba ang babaeng ito?' tanong ng binata sa sarili. Hindi nito pinansin ang kasama at mabilis na sumunod kay Corielyn.

Paekis-ekis pa ang paglalakad nito hanggang sa makapasok sa maling kubo. Pumasok ito sa kubo nina Manang. Napailing siya at naabutan itong nakahiga sa kama.

'She's wasted.'

Lumapit ito at pinagmasdan ang maamong mukha ng dalaga. Amoy alak ito at mahimbing na natutulog.

Tumawa ng mahina ang binata at binuhat ng bridal style ang dalaga.

"Hmm." ungol ng dalaga.

Lumabas si Hades at mabilis na sinara ang pintuan. Pumasok ito sa kanilang kubo at mahinang nilapag si Corielyn sa kama.

Napamura si Hades sa sarili. 'Gigisingin ko ba itong babaeng to para magpalit ng damit?' tanong sa sarili. Hindi ko kayang palitan siya ng ako lang, dagdag nito.

Malutong na napamura ulit ang binata, hindi siya makahingi ng tulong dahil siguradong lasing na din ang kaniyang mga kasama. Hindi rin puwedeng ang nakababatang kapatid dahil lalaki ito.

Napamura ulit siya ng maalala na galit siya kay Corielyn pero kailangan niya itong tulungan. Hindi niya kayang iwanan ang babae, lalo na't lasing ito.

'Tanging yung isang babaeng kasama namin ang hindi uminom, sino nga ulit iyun? Ohh, it's Sunny? Sunshine? Fuck What should i fucking do?'

Sa Kabilang dako, hindi nila napansin na nawala na sa grupo sina Hades at Corielyn dahil sa lasing. Tanging si Charles at Sunshine lang ang nakakita.

Nakisama na rin pala ang dalawa dahil boring sa kubo. Hinayaan na rin ng dalawa si Hades at Corie dahil alam nilang masarap na masarap talaga ang tulog ng dalawa ngayong gabi at sa susunod.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng lumapit si Hades kay Sunshine at pinakiusapan ito. Natawa  naman ang grupo, kahit lasing ay naiintindihan nila ito. Walang nagawa si Sunshine at sinunod ang utos ng amo. Nanatili lang sa labas si Hades at hinihintay na matapos at lumabas si Sunshine.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon