Naalimpungutanan ako sa mainit na tumama sa pisngi ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. U-Umaga na?
Bigla akong nakaramdam ng gutom, bigla ko rin naalala na hindi ako nakakain kagabi dahil napasarap ang tulog ko. Si Hades kaya, kumain na ba ang lalaking iyun?
D-Dito pala siya natulog no? Nag-init ang pisngi ko. Bakit ko siya hinayaan? Wala naman atang malisya. W-Wala naman ata siyang ginawa diba?
Napatingin ako sa oras, alas otso ng umaga. Tumayo ako at akmang papasok sa banyo ng mahagip ko ang isang tray na may laman ng pagkain. May isang maliit na kulay yellow na sticky note.
'Eat this'
- H
Initial palang ay alam ko na kung sino. Ang pangit ng sulat, daig pa pagsulat ng doktor. Ang laman ng tray ay tatlong piraso ng pancakes na nilagyan ng chocolate syrup sa taas. May dalawang strawberry sa taas at isang basong orange juice.
Kumain na kaya ang lalaking yun?
Kinuha ko ang sticker note. Dahil gutom na ako ay kinain ko na. May nilagay kayang lason ang lalaking yun?
Mabilis kong natapos ang pagkain dahil gutom ako. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko, sinamahan ko na rin ng ligo. Para fresh ako incase na makita ko siya.
Pagkatapos ko ay kinuha ko ang tray at bumaba. Dumiretsyo ako sa kusina at niligpit iyun. Pupunta sana ako sa living room pero nakita ko doon si Ma'am Claudia.
Nahihiya ako, baka may isipin siya saamin.
Pagkatapos ko ay lakad takbo ang ginawa ko para hindi ako makita o maabutan ni Ma'am Claudia.
Liliko na sana ako ng makita si Ma'am na naglalakad patungo sa direksyon ko. Napamura ako at bumalik sa kusina. Tahimik akong humiling na sana hindi pumasok si Ma'am pero hindi nadinig ang hiling ko.
"Oh, andito ka pala. Kanina pa kita hinanahap, balak ko sanang pag-usapan ang plano natin. Kahapon pa pero mukhang wrong timing ako."
"Huh? Hindi na man po. W-Wala lang po yun."
"What? Naglalambingan kayo tapos nakaabala pa kami. Naghalikan ba kayo?"
"H-Hindi po, anong halikan pinagsasabi niyo? Wala pong nangyaring ganun." kabadong sagot ko. Minamalas nga naman ako ngayong araw.
"Wala pa ba kayong balak magpakasal? Gusto ko ng magkaapo." nakangiting ani saakin ni Ma'am. Tumawa ako upang itago ang kaba ko.
"Po? Nag-aaral pa po kami, i mean b-bata pa po ako. Ay wala pala kaming relasy--" naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Hades.
"Mom, please. Don't be in a hurry, we still have a lot of plans to do."
Peke akong tumawa at kumuha ng tubig. Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito? Ininom ko ang tubig. Nakakastress.
"Oh, you're right son. I'm sorry hija, maybe let's talk later. Bye!" Kumaway ito bago lumabas.
Nilapag ko ang baso sa mesa at lumapit kay Hades. Mahina kong hinampas ang dibdib ni Hades.
"Anong nangyayari sayo? Wala tayong relasyon, gago ka."
"Can I court you then?"
Natahimik ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ang pangit ng sulat mo." sagot ko at dinikit sa braso niya ang dala kong sticky note sa kanya. Sa noo sana kaso hindi ko abot.
Ligaw? Wala namang masama diba?
"Hindi mo ba naiintindihan? Kung tatanungin mo ang isang babae kung liligawan mo dapat gusto mo ito hindi yung liligawan mo tapos hindi mo gusto parang naglalaro ka lang." wika ko at umiling-iling.
"What? If I like you, will you agree?"
"Oo naman, bakit hindi?"
Natahimik siya, doon ko lang din na-realize ang sinabi ko. Tumalikod ako sa kanya at nagkunwaring kukuha ng tubig kahit kakainom ko lang. Bakit ko sinabi yun? Kumuha ulit ako ng tubig at ininom iyun.
"Then I think I'll just confess to you now. I like you, Almirah. Can I court you?" wika niya sa seryosong tono. Nabuga ko ang tubig na iniinom ko sa gulat. Malakas din ang kabog ng puso ko. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya ako? O baka kulang lang ako sa tulog?
Nanatili siyang nakatayo at nakasandal sa countertop habang nakatitig saakin, naghihintay sa sagot ko. Tumingin ako sa kanya, seryoso lang siyang nakatitig saakin na tila ba binabasa ako.
"Hindi pwede," umayos siya ng tayo nang marinig ang sagot ko, "Hindi pa pwede." dagdag ko.
"Why? Why not yet? Do you like Levi? Do you like other men?"
Bakit napapasok si Levi sa usapan?
"Anong kinalaman ni Levi o ibang lalaki sa usapan natin?" taas-kilay kong tanong. Kitang nananahimik yung tao.
"Answer my question first."
"Hindi ko siya gusto, okay? At lalong wala akong ibang gusto maliban sayo. Ang atat mo naman, hindi pa ako pwede sa mga ligaw. Aral muna bago landi."
"Y-You like me?"
Awtomatikong napatingin ako sa kanya na ngayon ay namumula ang tenga. Shit, nadulas ako. Ito na ba ang sign para umamin na rin ako? Baka pwede kami? Gusto namin ang isa't isa.
Shit, hindi ko inaakalang gusto niya ako. Para akong nawalan ng lakas. Dinig na dinig ko ang puso ko.
Mamatay na ba ako?
"Willing akong ligawan ka hanggang sa pwede na. Even if it takes a years. Please, stop driving me crazy."
Lumapit siya saakin at mahigpit akong niyakap. 'Shit I can't believe it', bulong niya. Lalo lang ding namula ang tenga niya at lalong hinigpitan ang pagyakap saakin. Naiipit ako!
"Kinikilig ka ba?"
Awtomatikong napabitaw siya saakin at umiwas ng tingin. Aww, parang baliw kiligin itong lalaking to. Ganito rin kaya siya kiligan sa ibang babae?
![](https://img.wattpad.com/cover/315887459-288-k825663.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...