Chapter 3

1.2K 26 0
                                    

"Thank you for comforting me Almirah. I feel okay now." pasasalamat ni Hades. Ngumiti lang ako at nagthumbs up

Ngayon kasi ay may dinner siya kasama ang pamilya nito sa isang restaurant. Sa mga hindi nakakaintindi sa trabaho ko, ako rin. Maid na babysitter kaya iba ako sa ibang maid. Maid-sitter kung baga, may ganun?

"Maayos na ba ang suot ko?" tanong niya habang nakaharap sa salamin. Seryoso itong nag-iintay sa sagot ko. Nakasuot siya ng itim na toxedo.

"Bagay po sainyo" sagot ko. Namangha pa ako sa suot nito dahil sobrang gwapo nya. He smiled at me.

"You can now leave. Thank you again" malamig na wika niya. Tumango ako at lumakad palabas.

Sinara ko ang pinto at pumasok sa silid ko. Napahawak ako sa dibdib kong kanina pa malakas ang tibok. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bathroom.

NAGISING ako ng may mainit na tumama sa may mata ko. Tumagilid ako para protektahan ang sarili sa init, unti unti akong dumilat.

Bumangon ako at chineck ang oras sa cellphone ko. Alas siyete e medya na kaya bumangon ako, naghilamos at nagtoothbrush.

Pagkatapos kong gawin yun ay lumabas ako papunta sa garden. Wala ding masyadong tao dahil busy sa paghahanda ng almusal.

Gustuhin ko mang tumulong ay hindi naman nila ako pinayagan. Sobra ang pagod ko kaya hindi na ako nakipagdebate.

Matigas kasi ang mga ulo ng mga maid dito. Napatingin ako sa garden, puno ng pulang rosas. Hinawakan ko ang petals sa isa sa mga ron.

Hindi ako nababanguhan sa kahit anong bulaklak. Masakit siya sa ilong, ibang-iba talaga ako kumpara sa mga babaeng kaibigan ko.

Enjoy na enjoy lang ako sa paligid ng biglang may tubig na pumatak sa noo ko. Hinimas ko ang noo ko at napagtantong may tubig nga.

Sa sandaling iyun ay biglang umulan ng malakas kaya tumakbo ako patungong backdoor at doon pumasok. Basang basa ako.

"Jusko pong bata ka" nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Si Manang Gloria lang pala. Ang mayordoma ng mansion.

Nakilala ko siya ilang araw ang nakalipas. Nanay ang tawag ng mga maid sa mansion kaya nakigaya nalang ako.

Bumalik si Nanay at may dalang puting tuwalya, "Magpatuyo ka muna" sabay bigay sa towel. Kinuha ko ito at nagpasalamat.

Nagpaalam na siya na may gagawin pa ito kaya umalis narin ako. Huminto ako sa paglakad ng makita ko si Charles (Nakababatang kapatid ni Hades) na nakaupo at kumakain, nakasabit pa ang isang paa nito sa upuan.

Napahinto siya sa pagkain ng makita akong nakatayo sa backdoor habang nagpupunas ng sarili. Umayos siya ng upo at pinagpatuloy ang kain.

Ngumiwi ako at pinagpatuloy ang paglakad. Hindi pala sinama si Charles. Kung magtatanong kayo paano ko siya nakilala.

Pinakilala siya saakin si Sunny, kung madaldal si Sunny ay malamig naman ang pakikitungo ni Sunshine. Magkaiba talaga sila.

Pumasok ako sa silid ko. Bukas pa uuwi si Hades dahil doon sila natulog sa isang resort.

Wala akong gagawin ngayong araw at gusto ko sanang umuwi kay sa probinsya kaso may trabaho na ako bukas.

May i-ba-babysit pa pala akong damulag.

Pumasok ako sa kwarto. Maglilinis nalang ako ng kwarto since umaambon sa labas. Pagkatapos maliligo ako.

NAPAHIGA ako sa higaan sa sobrang pagod. Nilinis ko na rin ang banyo para may ambag din ako. Ang laki-laki ng sweldo tapos kaunti lang ang gagawin. Unfair!

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon