Chapter 58

430 14 0
                                    

Pumasok ako sa maliit na apartment at nilibot ang tingin. Maliit pero sakto na ito para saamin. Humarap ako kay Lance, "Salamat at pasensya na sa abala."

Ngumiti lang siya at nagpaalam. Napalingon ako kay Sunshine na nakatitig sa apartment. May dalawang maliit na kwarto at tanging higaan na gawa sa kahoy ang mayroon.

"Dito ka muna, may bibilhan lang ako." sambit ko kay Sunshine. Walang emosyong tumango siya at nilapag ang gamit.

Lumabas ako at pumasok sa isang tindahan. Bumili ako ng rice cooker, stove, kotson, at iilang mga kubyertos. Iyon lang ang binili ko sa loob dahil kulang na ang pera ko.

Siguro iyong iba ay sa susunod nalang, pag nakaluwag-luwag na ako. Bumalik ako sa apartment at pumasok.

Naabutan ko si Sunshine na naglilinis. Hindi na siya nagulat ng makita akong may dalang mga gamit.

"Salamat po, Kuya." pagpapasalamat ko dahil siya ang nagbuhat ng mga pinangbili ko. Dinagdagan ko nalang ang pamasahe ko.

Pagod akong napahiga sa higaan, may kutson na kaya malambot. Natapos naming linisan at i-arrange ang mga gamit. Nakakapagod lalo na't pareho kaming babae. Kulang ang lakas sa mga mabibigat na bagay.

May sofa kami na gawa sa kahoy. Nagpapasalamat ako sa may-ari ng apartment dahil sa libreng sofa at mesa.

Malaki ang pagsasalamat ko kay Lance. Tumutulong sila sa mahihirap, siguro lima kaming scholar nila at kasali na si Sunshine. Magmagandang loob na, bakit ko pa tatanggihan lalo na't kailangan ko?

Sobra na iyung pagbigay niya saakin ng trabaho at saktong kulang ng tatlo kaya ako binigyan. Kinabukasan ay nag-ayos ako, pupunta kami sa funeral ni Sunny.

Yung ibang gamit ni Sunny ay nandito na sa apartment. Hinaplos ko ang frame ni Hades at nilagay iyun sa isang karton kung saan ko tinatago ang mga importanteng bagay.

Tahimik kami sa byahe hanggang sa makarating sa funeral. Ginanap ito sa mismong bahay nila, magkatabi daw na ililibing sa ama'ng pumanaw na rin. Matagal-tagal din ang byahe.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa nakita. Nakasuot ng puting bestida at mahimbing na nagpapahinga. Hinaplos ko ang salamin, lahat nalang iniiwan ako.

Si Mama at Papa, ikaw at si Hades... Natatakot akong baka sumunod si Sunshine..

"Pinapangako kong aalagaan ko ang kapatid mo na parang kapatid ko na rin." wika ko at pinahiran ang sarili kong luha.

Nakayuko ako at pagod na tinapon ang puting bulaklak sa kabaong. Ayoko sa ganito.. si Mama at Papa ay wala na rin tapos bata pa ako nun. Naawa ako sa batang Corie noon.

Ngumiti ako sa harap ng camera. Ngayon ang pinakahihintay na araw ko. Sa lahat ng pagod at mental breakdowns ko ay worth it lahat. Nakapagtapos na rin..

Graduated with latin honors.

"Congrats." bati saakin ni Lance at niyakap ako pagkatapos naming magpicture.

"Congrats, Ate.." bati rin saakin ni Sunshine. Ngumiti ako ng matamis at niyakap siya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ngunit yumakap nalang din pabalik.

Naalala ko pa nung nag-away kami,

"Kahit kailan ay hinding-hindi mo mapapalitan ang totoong ate ko. Huwag kang mag-alala saakin na parang ikaw ang totoo kong kapatid."

Hindi ko na mapigilang masampal siya , tumagilid ang mukha niya dahil doon. "Huwag mong sabihin iyan. Oo, nag-aalala ako dahil kapatid na rin kita. Itutupad ko ang pangako ko sa ate mo."

"Yan naman ang palagi kong naririnig na dahilan!"

"Pagod ako, Sunshine. Nagtatrabaho ako para saatin--"

"Palamunin ako diba? Gusto kong magtrabaho pero ayaw mo. Lalayas na ako kung ganun--"

"Sige, lumayas ka. Pagod na pagod na akong intindihin ka! Nawalan ka ng mahal sa buhay at nag-iisa pero ako? Wala na rin akong natira maski isa! Sarili ko nalang, Sunshine. Alam kong hindi-hindi ko mapapantayan iyang ate mo, pero ginagawa ko ang lahat para maging mabuting ate sa iyo kahit hindi kita kadugo."

Iyon ang pinakamalaki naming away. May kaunting salo-salo sa apartment at tanging mga kaibigan ko at mga kapit-bahay ang inimbitahan ko. Nagtitipid pa rin ako,

"Congratulations sayo." bati saakin ni Loraine, ang kapit-bahay ko. "Sige, salamat sa pagpunta. Kain ka na."

Papasok na sana ako ng mahagip ko ang isang pamilyar na itim na kotse na nakapark sa kabilang daan. Mariin kong tinitigan iyon hanggang sa mabilis na umalis.

Pamilyar pero hindi ko maisip. Itim na lambo.. Kanino nga ulit iyon? May kaklase ba akong may ganoong sasakyan? Mukhang wala naman.

"Good morning, Class. I am your new adviser."

"Thanks, God. Wala na iyung supladang math teacher natin." napangiwi ako ng marinig iyun. Hindi ko maitanggi pero suplada talaga. Tinatarayan ka kahit wala kang ginagawa.

"Ang ganda ng bagong teacher ng grade 2.." rinig kong wika ng isang estudyante. Ngumiwi ako at ngumisi. Hindi naman masyado.

May iilang nakipagkaibigan saaking mga guro. May iilan ring suplado at ayaw saakin. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ang atensyon sa pagtatrabaho.

"Sabi nila na nakapagsex daw iyan sa principal kaya nakuha.."

Padabog kong hinampas ang mesa. Sa lahat ng mga maling paratang at chismis ay ito na siguro ang pinakamasakit. Bakit ko naman kailangang makipagtalik, kinuha ako ng principal dahil sa skills ko na magturo hindi na kabastusan.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon