Nanlumo ako ng makitang dinagnagan pa ni Hades ang plato ko. Kakaubos ko pa lang ng dinagdag nya kanina. Sobrang busog na ako!
"Eat more" aniya. Jusko, sa sobrang busog ko ay parang gusto ko ng isuka lahat ng kinain ko kaso sayang naman. Grasya na bawal ko ng isuka.
Pinagtitignan rin kami dahil agaw pansin si Hades. Sino ba naman ang hindi mapatingin sa kanya. Pati nga ako ay napatingin noong una kaming nagkita.
"Hades!" reklamo ko ng makitang kukuha pa siya ng isang paa ng manok. Gulat siyang napatingin saakin.
"What? Para saakin to" asik nya. Napahiya tuloy!
Napayuko ako at ngumuso. Hindi ko na kayang galawin ang pagkaing nasa plato ko.
"Busog na ko" mahinang sambit ko na ikinatigil nya sa pagkain. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Nagalit ko ba siya?
"Ubusin mo" maikling sagot niya. Seryoso ba siya? Kakasabi ko lang na busog ako.
Umiling ako habang pinagmamasdan ang pagkain. Pabagsak niyang binitawan ang kubyertos kaya naalarma ako at sumubo kahit labag sa tiyan ko. Parang sumisigaw na 'puno na ako'
"Ubusin mo na iyan" asik nya. Parang gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng umuwi!
Labag man sa loob ay pinilit kong lunukin ang pagkain. Sumubo ulit ako habang nakatingin kay Hades. Nakamasid lang siya saakin habang kumakain.
Hindi ko alam kung paano ko naubos ang pagkain. Basta ang alam ko ay subo ako ng subo. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko, pati pag-inom ng tubig ay hindi ko na magawa.
Tumayo ako at napatingin sa cashier. Kumain na siguro sina Sunny dahil lumabas kanina si Manang para kumuha ng makakain.
"Where are you going?" kunot-noo niyang tanong saakin.
"Babalikan ko muna si Celia. Ikaw? Bakit ka andito?"
Umiwas siya ng tingin bago sumagot, "sinamahan ko lang si Charles"
"Bakit nandoon si Charles?" dagdag na tanong ko. Napakamot-batok siya at ininom ang tubig.
"I don't know"
***
Sunny POV
Naiinip na ako. Kanina ko pa hinihintay si Corie na lumabas lang para magpahangin. Sampung minuto na ang nakalipas. Nasan na iyong babaeng iyon?
Hindi kaya't may nilalandi siyang gwapong doktor o nurse? Marami kasi akong nakitang mga gwapong doktor at nurse. Pati na rin ang pasyente na halatang mayayaman.
Napatingin ako sa pinto ng makitang bumukas iyon. Ang akala ko ay si Corie, hindi pala. Si Manang na may dalang sapot ng pagkain.
Lumapit siya saakin habang nakangite. Pilit pang pigilan ang pag-ngiti pero hindi siya nagtagumpay.
"Manang, nakita nyo pa si Corielyn?" tanong ko habang pinagmamasdan ang laman ng supot. Hmmm, mukhang masarap.
Umabot ang ngiti ni Manang sa tenga pagkatapos marinig ang sinabi ko. Abnormal na ba itong matandang ito?
"Aba'y hija, sabay silang kumain ni Señorito. Todo bantay si Señorito kay Corie" ani nito. Kinikilig pa siyang nagke-kwento saakin.
Sumilay rin ang ngiti sa labi ko. Nagsimula na kaming kumain kahit natutulog pa si Celia. Himbing ng tulog porke't naka-private ang room.
Mamaya, pagbalik ng babaeng yun.
Ng matapos kaming kumain ay umalis si manang upang mag-banyo. Sakto rin na pumasok si Corie na hindi maipinta ang mukha.
"Ahem, akala ko ba nagpahangin lang?" sinadya kong lakasan boses ko para marinig nya. Nagkunwari pa akong may pinag-aabalahan. Ang bilis maka-score ah!
Hindi siya sumagot bagkus pabagsak siyang umupo sa sofa na kaninang tinulugan ni Manang kanina.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Parang mas mukhang kailangan nyang magpa-ospital kaysa kay Celia. Medyo maayos na ang kalagayan nya, hinihintay na naming magising siya. Napahinga ako ng maluwag ng marinig na maayos na siya.
Umiling siya at patakbong pumasok sa banyo. Pilit nyang binuksan at pinipihit ang doorknob kaso lock. Teka? Tumatae si Manang diba?
"MAY TAO!" sigaw ni Manang sa loob ng banyo. Sabi na nga ba eh!
"Nasusuka na ako, Sunny" mangiyak-iyak nyang sabi. May sakit ba siya? Lumapit ako sa kanya at sinuri siya.
"Natatae ka ba?" tarantang tanong ko ng may tumulong luha na sa mata nya, "Sabing nasusuka eh!" Corie
Napakamot-batok ako. Pano ngayon yan? Nasa loob si Manang. Bigla akong napaisip sabay tingin sa plastik na wala ng laman.
Nagmamadaling kong kinuha iyun at inayos bago tinapat sa bibig nya. Sakto rin dahil nasuka nya ang nakain nya. Eww!
Napapikit ako. Mukhang mamahalin ang nasuka nya. Sayang, mahal pa naman!
Mangiyak-iyak siya kaya hinagod ko ang likod nya. Na-food poison ba siya ni Hades?
Corielyn POV
Hindi na nakaya ng tiyan ko. Talagang gustong gusto ko ng isuka lahat. Alam mo yung feeling na nasusuka diba with matching sakit sa tiyan?
Ikaw ba naman ang kumain ng halos lahat ng pagkain. Kalahati lang ata ang nakain ng lalaking iyun habang ako, jusko.
Hinagod ni Sunny ang likod ko habang nakahawak parin sa plastic. Naabutan rin kami ni Manang na nasa ganung posisyon. Nagulat siya, syempre.
"Anong nangyari sayo, hija?" tanong ni manang. Pinagpapawisan rin siya, anong ginawa niya sa loob ng banyo at pawisan siya?
Parang naligo na sa sariling pawis.

BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
Storie d'amoreCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...