Chapter 28

519 17 0
                                    

Hindi ko na tinuloy magbihis at maligo ng dagat. Nawala bigla ang gana kong maligo. Lumabas nalang ako ng banyo at naabutan paring nakahiga si Sunshine. Sa ngayon ay nakapikit na siya, hindi ko alam kung tulog o nagtulog-tulogan.

Lumayas ako sa kubo, taka akong pinagmasdan ni Sunny. Tinaasan niya ako ng kilay na kung bakit hindi pa ako nakabihis, umiling lang ako at bumalik sa duyan.

Kunot-noo niya akong sinundan ng tingin. Mayag-maya lalapit iyan saakin at tatanungin ako. Mamaya ko na ihahanda ang mga gamit ko, hapon pa naman kami uuwi.

Lumapit nga saakin si Sunny habang kunot-noo akong pinagmasdan. Ang pagkalito nito ay naglaho at napalitan ng ngisi.

"Akala ko ba maliligo ka? May nangyari ba?" kuryosong tanong niya saakin. Umiling ako, hindi ko kayang sabihin o kwentuhan si Sunny sa nangyayari dahil alam kong aasarin lang ako nito.

"Weh? Galing ka kaya sa kubo nyo tapos galing ka din sa kubo nina Manang, ano ang ginawa mo kung ganun?"

Shit, sabi na nga ba at hindi ako uurongan ng babaeng ito.

"Wala nga, kulit mo naman!" inis na sagot ko. Napakatigas ng ulo.

"Woi ito naman, napakainit ng ulo. Wag mong sabihing may nangyari kaya nagkakaganyan ka?" hindi pa rin mawala ang ngisi saakin ni Sunny.

"Ikaw, kailan mo ako tatantanan?"

"Ito talaga, nakapainitin ng ulo. Dati hindi ka naman ganiyan, mainitin ka na. Yan ba ang natutunan mo kay Señorito?"

Kung pwede lang manapak ng tao gagawin ko iyun para tigilan ako nito. At anong nagbago? Ganito ako kapag naiinis ako. Naiinis ako sa pagmumukha ni Sunny.

"Sige na nga. Pero ayaw mo ba talagang maligo? Uuwi na tayo mamayang hapon. Malaki pa naman ng dagat oh!"

Nang dahil sa sinabi niya bumalik ang kagustuhan kong maligo. Tama siya, minsan-minsan lang ito at ang maganda pa ay nasa private island kami na pagmamay-ari ng amo.

Tumayo ako at pumasok sa kubo namin. Hindi ko alam kung bakit ako pumasok nandoon pa naman si Hades sa kama. Nakaupo pero bihis na.

Napansin niya ba?

Nag-angat siya ng tingin at seryoso akong pinagmasdan. Umiwas ako ng tingin at pumasok sa banyo. Shit naiwan ko yung damit ko sa duyan.

Napabuntong-hininga muna ako at lumabas. Hindi ko pinansin ang dalawang matang nakatitig saakin. Para akong matutunaw sa titig.

Lumabas ako at sinara ang pintuan. Tumakbo ako patungo sa duyan at nakita si Sunny na taas-kilay akong pinagmasdan. Nandito pa pala itong gagang ito?

Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang damit bago bumalik sa kubo. Pumasok ako at naabutan ko paring nakaupo si Hades.

Hindi ko ulit siya pinansin at pumasok sa banyo. Doon ako nagbihis, parang hindi ko na kayang lumabas.

Ilang minuto muna akong nanatiling nakatayo. Tinatanong ang sarili kung lalabas ba o hindi. Siguro naman ay wala na siya diba? Ilang oras ako dito at baka nainip siya kakaupo at lumabas o natulog.

Pinihit ko ang doorknob at naabutan ko parin siyang nakaupo sa kama habang nakatitig sa pintuan ng banyo. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, "Hindi ka ba lalabas o maliligo? Hindi ka rin naligo, relax ka muna."

Umiling siya, "May binabantayan ako." maikling ani nito. Napatango ako at lumabas. Biglang akong kinabahan dahil sa narinig ko.

Bumuntong hininga ako at naglakad sa direksyon ni Sunny. Napangiti siya ng makita ako at tumakbo patunga sa dagat.

Bago pa siya makalapit sa dagat ay lumingon muna siya saakin at tinaasan ako ng kilay, na parang tinatanong kung bakit ang hina kong naglakad?

Tumakbo ulit siya palapit saakin at hinila ako kaya napatakbo na rin ako. Masakit ang kaliwang braso dahil sa biglaang paghila.

Hindi pa rin ako binibitawan ni Sunny hanggang sa makarating kami sa malalim na bahagi kung nasaan sina Manang.

Doon na ako binitawan at mabilis na lumangoy. Ang sakit ng braso ko! Lunurin ko kaya tong babaeng to?

"Ang tagal mo naman, Hija." bungad saakin ni Manang. Ngumiti lang ako at lumangoy.

Si Manang ay nakalife-jacket habang si Ma'am ay nakahiga sa salpabidang donut ang design. Nakasunglasses ito at nakatwo-piece.

Si Sunny ay nakabikina na kulay yellow at ako ay nakat-shirt lang. Ayoko nang suotin iyung bikini, ibebenta ko nalang online. Mamahaling brand pa naman yun.

Ilang minuto akong lumalangoy at pilit na sipain si Sunny dahil sa tuwing lalangoy ako ay bigla niya akong sasakyan. Gusto ata akong malunod.

Napatingin ako sa gawi nina Charles. Nandoon si Hades na nakaupo sa ilalim ng puno katabi si Charles. May sinasabi si Charles habang nakatutok lang si Hades sa gawi namin.

Nakaramdam tuloy ako ng ilang at lumapit kay manang. May kinuhang isa pang salpabida si Sunny at tinapon iyun sa gawi namin.

"Hoy, akin iyan ha. Ako kumuha!" sigaw niya saamin at hinabol ang salpabida. Natawa ako at kinuha iyun, malapit kasi sa gawi ko. Kaagad akong sumakay, narinig kong ang malakas na sigaw ni Sunny.

"Hoy, babae! Akin iyan!"

Hindi ko siya pinansin at nagrelax lang. Biglang sumakay si Sunny kaya ako natumba. Ahh! Sakit sa ilong, napasukan ng tubig-dagat!

Sinabunutan ko ng mahina si Sunny. Napaaray siya at mabilis na nilayo ang salpabida.

"Tangina mo!" sigaw niya saakin. Tumawa lang ako na lalong kinainis nito.

"Porket, may nagbabantay sayo ganiyan ka na. Kung wala lang talagang nakatutok sayo, kanina ka pa nalunod." dagdag nito. Huh?

"Talaga ba?" inis ko sa kanya. Nakabantay? Baka yung lifeguard ang tinutukoy.





The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon