Kailangan ba ang right time? Baka nasa kabilang buhay na ako niyan. Tulala ako pagkagising ko, wala rin akong ganang kumain.
"Eat more..." rinig kong sermon niya saakin. Hindi ko siya pinansin at tumayo. Niyaya ko pa siyang lumabas pero hindi siya pumayag. Feeling ko may iniiwasan siya. Uuwi na kami mamaya.
"Labas lang ako." malamig na paalam ko. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at lumabas na. Sumakay ako sa elevator, bago pa ito sumara ay nakita kong sumunod si Hades.
"Akala ko ayaw mong lumabas?"
Pinindot niya iyong button kaya sumara ito. "Sasamahan kita,"
"Huwag na, kaya ko namang wala ka."
"Love..." taas-kilay ko siyang hinarap. "Napag-usapan na natin to.." dagdag niya.
"Naiintindihan kita kong ayaw mo munang sabihin saakin ang problema. Lalabas lang ako, kaya ko na sarili." tugon ko, saktong tumunog ang elevator at bumukas. Lumabas ako at hindi na siya hinintay.
Napahinto ako sa paglakad dahil bigla niya akong hinila. "Alright, I'll tell you in our hotel room."
Umayos ako ng tayo at nagpahila sa kanya. Bumalik kami sa taas. Pagod akong pumasok ulit sa hotel room.
"Hindi na naman kailangan--"
"I have a son.."
H-Huh?
"But I'm not sure. MagpapaDNA kami ni Garlea if it is really my child." dagdag niya. Garlea?
"Y-Yung bata bang kasama ni Garlea?"
Tumango si Hades at tsaka ako nilapitan. Umiwas ako, "Kailan?"
"Love.. I'll handle this please--" hahawakan na niya sana ako pero winaksi ko ang kamay niya. "Kailan?"
"Years ago, but I'm sure na walang nangyari saamin. Papanagutan ko naman ang bata."
"Paano--"
"Garlea and I already talked about this."
"At?"
"Love, please.."
"Anong pinag-usapan niyo?"
"My.. mom wants me to marry her but I declined--"
Napaluhod ako sa narinig, hindi ko naman siya masisisi. Sila noon kaya baka may nangyari. Kasal? Syempre ano ba naman ako sa buhay niya.
"K-Kailangan mong panagutan ang bata, H-Hades." hindi ko mapigilang humagulhol. May pamilya na pala, nakikisiksik lang pala ako.
M-magpapakasal kayo ni Garlea para buo na kayong pamilya. Diba? Ayaw mo bang magkapamilya? Diba gusto mo ng maligayang pamilya?" kahit nahihirapan ako ay pinilit ko ang sarili kong tumayo.
"Yes but ikaw ang gusto kong papakasalan, papanagutan ko ang bata. Love, please."
Bago pa ako mahulog sa sahig dahil sa panlalambot ay sinalo niya ako. Hinalikan niya ang noo ko habang paulit-ulit na binigkas ang 'sorry'
"Ano ang pangalan ng anak mo?" napapikit ako at hinayaan siyang yakapin ako ng mahigpit dahil paniguradong ito na ang panghuli... Magkakapamilya na siya.
Ilang oras kaming nakaupo sa sahig. Nakayakap saakin habang pinapatahan ako. Sabay kaming napalingon sa pintuan.
"Bilisan niyo raw diyan at uuwi na tayo."
Kahit pagod ay tumayo ako, inalalayan niya akong makatayo. Lumapit ako sa luggage at staka nag-impake. Tinulungan ako ni Hades habang hindi ako binibitawan.
"Kailan ang kasal?"
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Napatingin ako sa salamin, mugto ang mga mata dahil sa ilang oras na pag-iyak.
"Walang kasal na magaganap." malamig na sagot niya. Magulang niya nga ang nagsabing kailangan magpakasal, bakit pa to aayaw?
Tahimik kaming lumabas. Naabutan namin sina Tita na kausap si Garlea at ang kasama nitong bata. Napunta saamin ang atensyon. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Tita.
"Corie.."
Nauna akong pumasok sa loob ng van. Sumiksik ako sa pinakagilid at sinandal ang ulo sa bintana.
"You already told her?" dinig kong tanong ni Charles sa likod.
"What is your plans now?" Si Tito naman. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang dalawin ng antok.
Nagising akong nakaandar na kami. Katabi ko si Hades at nakasandal na ako sa balikat niya. Ang iba natutulog pero nakuha ang atensyon ko sa anak nina Garlea. Kumaway siya saakin kaya napunta ang atensyon sa mga gising saakin. Si Tito, Charles at Garlea.
Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. Akala ko makakapagrelax ako sa bakasyong ito ngunit hindi pala.
Isang oras ang byahe at tahimik lang ako sa gilid. Sumakay na kami ng private plane nila at nakisabay na rin si Garlea. Narinig ko na doon titira sina Garlea sa mansion dahil iyon ang gusto ni Tita. Napamahal na nila ang bata, hindi ko naman sila masisisi.
"Hello po.." bati saakin ng bata. Ngumiti ako at hinaplos ang mukha niya. Lalaki ito at gwapo rin.
"Are you tired po ba?" inosenteng tanong niya saakin. Pagod akong tumango, "Rest po kayo."
Tumango ulit ako bago siga umalis at bumalik sa tabi ng nanay. Napatingin ako kay Hades na mariing nakatitig sa bata, sa bata nga ba o kay Garlea?
Siguro hanggang dito na lang kami, may fiancee na pala pero makikisiksik pa ba ako?
"Are you okay?" tanong ni Hades saakin. Tumango ako at sumandal sa kanya. Ilang oras ang byahe at sa wakas ay nakauwi na rin.
Nauna akong pumasok sa mansion. Binati ako ng iilang maid pero mabilis din napunta ang atensyon kay Garlea. Gulat ang mga ito sa nakita.
Lumapit ako kay Nanay Gloria dahil gulat din ito pero sinenyasan niya akong lumapit. Ang akala ko ay magtatanong siya tungkol kay Garlea pero mali.
"Huwag ka sanang magugulat, hija pero wala na si Sunny. Kanina lang ng umaga, inatake sa puso at hindi na kinaya."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
Roman d'amourCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...