napahikab ako sabay tingin sa oras. malapit na mag-5 pm at sigurado akong malamig na yung hinanda kong pagkain para sa kanya
umupo sa couch nito at pinagmasdan ang malaking tv flatscreen. kitang-kita ko ang reflection ko sa flatscreen
napatingin rin ako sa pagkain. malamig na nga, kumain na rin ako bago ko hinanda ang pagkain nya. tagal nya naman
nang-chicks pa ata!
ang huli ko nalang na naramdaman ay unti-unting dumilim ang paligid
***
nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa pisnge ko. mabilis kong sinangga ang sinag sa kumot.
pinikit ko ulit ang mata ko at inaasahang makatulog ulit pero nabigo ako. gumulong nalang sa gitna ng kama, nasa gilid kasi ako baka mahulog pa ako
teka? single bed lang naman kama ko kaya kung gugulong ako edi mahuhulog ako?
minulat ko ang mata ko at bumungad saakin ang topless na lalaki. hindi ko siya maaninag dahil nakatalikod siya saakin
nakakumot siya na hanggang balikat. teka? may nangyari bang masama?
napatingin ako sa suot ko at napahinga ng maluwag ng makitang iyun pa rin ang suot ko kahapon
pero, sino tong lalaking ito?
inikot ko ang tingin ko sa buong silid. t-teka? kay hades to ha? p-panu ako napunta dito?
bigla kong naalala ang nangyari kagabi, nakatulog ako sa couch ni hades habang hininhintay ito. hindi pa rin nakabalik ng umalis ito, bakit ako nandito?
mahina akong napamura at mabilis na tumayo. lakad-takbo ang ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko
shit! literal na shit
pumasok ako sa banyo at naghilamos. nag-toothbrush narin ako habang iniisip ang nangyari kanina
bumaba ako at pumunta sa kusina. kailangan kong maghanda ng breakfast nito pero hindi ko sya kayang harapin
pumasok ako sa kusina at naabutan ko si sunny na hindi mapakaling nakatingin sa kuko nito. napansin ko rin na hindi na ito mahaba hindi gaya ng dati
"sunny? anong nangyari sa kuko mo?" takang tanong ko nito. inis nya akong tinapunan ng tingin bago bumalik sa pagluluto
"tsk! may rules na ang mansion, si señorito hades ang gumawa" inis na wika nito at in-off ang kalan
"huh? rules?"
mukhang hindi ako updated sa bagong rules na yan ha. nagtataka ako, bakit may rules?
"bawal na daw ang mahahaba ang kuko. kahit sino daw, kahit driver, maid, bodyguard, at lahat ng trabahador" sagot nito. kumuha siya ng tray at hinanda ang almusal ni charles. sumunod ako sa kanya at naghanda na rin
bacon, egg, at hotdog lang ang niluto nito. kaya kumuha ako, dinagdagan ko rin ng isang basong gatas. baka magiging dragon na naman si hades, bubuga ng sermon
"bakit daw?"
tinaasan nya ako ng kilay, "dahil sayo, dahil sa braso mo" ani nito at tinuro ang braso ko
"dapat si erica lang ang dapat putulan ng kuko. nadamay pa kami lahat sa ginawa ng bruhang iyun" wika nito at umalis
dahil saakin? wala naman akong ginawang masama ha?
humabol ako kay sunny pero hindi ko na siya naabutan. sayang, gusto ko sana siyang tanungin
bigo akong pumasok sa silid ni hades. naabutan ko siyang kakagising lang at nakaupo sa kama. may hawak siyang toothbrush at magulo rin ang buhok
mukhang hindi nya ako napansin dahil tulala siyang nakatingin sa salamin na nasa harap nito
nilapag ko ang tray sa coffee table nito at akmang lalabas ng tawagin nya ako. nilingon ko siya kahit labag sa loob ko
hindi pa ako nakamove on sa eksena na nangyari kanina. shit, nakakahiya!
"nevermind"
tinawag nya ako tapos nevermind? bahala na nga. nagpaalam ako na lalabas at tinuro ang coffee table nito na may hinandang pagkain
hindi siya sumagot kaya kinuha ko ang pagkakataon upang lumabas. nakakailang siya minsan. minsan komportable ako kapag kasama siya
pumasok ako sa kwarto ko. hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa kwarto ko kakadaldal ko sainyo
pumasok ako sa loob at dumiretsyo sa banyo. naghubad muna ako bago pumasok sa shower. malamig na tubig ang bumungad saakin
biglang pumasok sa isip ko sina auntie jhena at ang pinsan kong si jhonalyn. masaya na kaya sila ni eric? (ex ko)
mukhang nakamove-on na ako sa mukong na yun. hindi na ako nakaramdam ng sakit tuwing naiisip ko siya
kamusta na kaya sila?
gusto ko silang kumustahin o bisitahin kaso bigla kong naalala, pinalayas nila ako. yun na siguro yung sign na pinutol na si auntie ang koneksyon namin
in-off ko ang shower at nagbihis na. 10 mins lang naman akong naligo. napatagal ata ang daldal ko sa inyo
lumabas ako ng natapos ako, maaga pa naman. pupuntahan ko nalang muna si hades, baka may ipapagawa pa yun
knock... knock....
katok ko sa pinto bagkus walang sumagot. kumatok ulit ako at wala pa ring sumagot. pumasok ako at wala akong naabutang rebulto ni hades
saan na naman pumunta yun?
"bulaga!"
napasigaw ako sa gulat. masama kong tinignan si sunny na tumatawa. lakas ng trip!
"sino ang hinahanap mo jan?" natatawa pa rin ito. mahina ko siyang binatukan kaya bigla itong huminto
"nakita mo ba si hades?" tanong ko habang hinihimas nya ang batok nya. napapala sa mga walang magawa, lakas ng trip
"pinatawag ni señorita" sagot nito habang hinihimas parin ang batok. bigla kong naalala yung pinagawa ni señorita, kakayanin ko kaya? i mean, sino ba ako? bakit pa ako ang pinagkatiwalaan diba?
"sige, kitakits nalang. salamat nalang sa pangbabatok mo saakin" ani nito at lumayas.
mahina ko siyang minura, yung babaeng yun talaga! sarap batukan ulit
no choice ako kaya bumalik nalang ako sa kwarto. kailangan kong magplano para sa gagawin kong misyon
ano kaya?
hmm?i-set up ko kaya sila?
o?
ipakitang bumabawi si ma'am?ano ang mas gagana? plan a or plan b? gawin ko nalang isa-isa yung plano ko, pero mas maganda na ipakitang bumabawi si ma'am diba?
siguro yun nalang
oo yun nalang!
final na talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/315887459-288-k825663.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...