"Pasensya na, Hades. Natagalan ako masyado, s-si Sunny kasi eh."
"No.. It's okay, you look gorgeous in your dress."
"Talaga?"
Tumango siya at inalalayan akong lumabas. May kotse na sa labas at mukhang yun ang sasakyan namin. Binuksan niya ang shotgun seat at inalalayan akong umupo roon.
Umikot siya at pumasok na rin sa drivers seat. Napapikit ako ng maamoy ang panglalaking perfume.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Inistart niya ang kotse bago tumingin saakin. "You can suggest."
Napakagat ako ng labi habang inaalala ang sinabi saakin ni Sunny. Kailangang nasa isang romantic place kami tapos wala akong ibag alam na lugar about sa romantic na place na iyan.
"Ahmm, m-may alam ka bang... R-Romantic place?" kagat-labing tanong ko sa kanya, hindj ko tuloy siya matignan sa mata dahil hiya.
Hindi siya sumagot pero ramdam ko ang reaksyon niya. Unti-unti kong inangat ang tingin. Nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.
"How about we try a new restaurant? I know a restaurant nerby." sagot niya. Tumango ako at nanahimik nalang.
"You want romantic places huh?" Kung masasabi ko lang sa kanya na yun ang suggestions saakin ni Sunny. Kailangan ko ba talagang gawin to no?
Huminto kami sa isang fancy restaurant. May iilang kumakain at mukhang mayayaman. "Pwede namang huwag dito, mahal ata." At isa pa hindi bagay ang suot namin sa lugar na ito, magmumukha akong hampas lupa.
"I can afford." tugon nito sabay kalas ng seatbelt. "Hindi na, ano kasi eh..." Paano ko ba sasabihin? Ang suggest ni Sunny ay dapat kami lang dalawa.
"G-Gusto ko tayo lang ano.... d-dalawa."
"Sure... If that's what you want."
Bumyahe ulit kami ng ilang minuto bago huminto sa isang malaking hotel building. "Nagpahanda na ako ng lunch sa taas. We're going in my room's balcony. Are you okay with that?"
Tumango ako, mag-isa naman siguro kami diba dahil hotel ito?
Kinalas niya ang seatbelt niya kaya kinalas ko na rin ang akin. Bumaba siya at umikot, bubuksan ko na san ang pinto ng pinagbuksan niya ako. Hinawakan niya ang bewang ko at sabay na pumasok.
"Good afternoon, Sir." bati saamin ng receptionist.
"Hades Ohio." tugon nito. May chineck pa isang papel bago ito tumawag ng isang tao, empleyado ata. "This way, Sir." ani nito at naunang maglakad. Kitang kita ang malaki at bilugang pwet niya sa kumikembot tuwing hahakbang.
Tinignan ko pa si Hades kung nakatingin siya roon pero straight lang ang tingin niya sa harap at hindi napansin ang bilugang pwet.
Sumakay kami sa ng elevator at pinindot naman ng nito ang numerong 12. Tahimik lang kami hanggang sa may tumunog at bumukas. Naunang lumabas si ateng may malaking pwet bago kami sumunod.
Nararamdaman kong mas lalong hinigpitan ni Hades ang paghawak sa bewang ko. "Nandito na po tayo, Sir. Handa na rin po ang lahat. Enjoy!" huling wika nito bago nagpaalam. Sinundan ko siya ng tingin habang hindi makaalis ng titig sa pwet niya.
Napansin ata ni Hades na nanatili akong nakatayo kaya hinigpitan niya ang paghawak saakin at hinila ako papasok.
Binuksan niya ang malaking pinto. Napanganga ako sa loob. Parang bahay lang sa sobrang laki. May kusina at living room.
Dumiretsyo kami sa loob ng kwarto. May malaking kama, tv, may walk in closet pa sa isang sulok at may malaking balkonahe na may nakahandang table at dalawang upuan. May kandila sa gitna, iilang ulam at mga kubyertos.
May wine rin at dalawang wine glass. Pinaupo niya ako bago siya umupo sa harap. Napatingin ako sa gilid ko. Kitang-kita ko ang magandang sunset.
"Do... Do you like it?" Napadako ang tingin ko kay Hades. Sasagutin ko na sana siya ng biglang tumunog ang isang violin pagkatapos ay sunod-sunod nang tumunog ang iilang instrument. May banda pala na hindi ko napansin kanina. Ang sarap din pakinggan.
Romantic place siguro ito no? May sunset at banda na lalong nagpaganda sa paligid.
"Gusto ko." tugon ko habang nakatitig sa araw na unti-unting lumulubog.
"Are you hungry?"
"Ikaw, gutom ka na?"
Tumango siya, "K-Kumain na tayo."
Hinayaan ko siyang kumuha ng pagkain sa plato ko. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos. Ang sabi saakin ni Sunny ay mas mabuting pagkatapos kumain ko sa kanya sasabihin.
"May desserts pa."
Naghinay muna akong dumating ang desserts bago ako aamin. Nang dumating ang mga desserts ay lalo akong kinabahan. Maghahanap ako ng tyempo.
Sabi ni Sunny na kung aamin ako, ire-ready ko raw ang sarili. Sasagutin ko raw pag mahal niya ako pero kung hindi ay babastedin. Napabuntong-hininga ako at nagsalita.
"Hades, m-may gusto sana akong sabihin."
"Hayaan mo muna akong matapos at sana pakinggan mo ako. Importante ito."
Sabi saakin ni Sunny ay ilabas ko raw ang lahat ng gusto kong ilabas.
"Noong una kitang nakita, natatakot ako sayo dahil suplado ka raw sabi ni Sunshine. Pero habang tumatagal, nakikilala kita at mabait ka naman. Matagal ko ng kinikimkim ito, pinipilit ko ang sarili kong pigilan ito dahil hindi pwede pero noong nalaman kong gusto mo ako at liligawan ay natutuwa ako. Gusto ko mang sagutin kita pero palagi kong iniisip ang pag-aaral. Gusto ko lang na malaman mo na.... Gusto rin kita at sa tingin ko ay... M-Mahal na kita."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...