"Paano kung ayaw ko?" asar ko. Tinalikuran niya ako at naglakad papaalis. "Hoy, hintayin moko!"
Naghahabol ako ng hininga nang makarating sa kotse. Malalaki ang hakbang nito at dahil ayaw kong maiwan ay hapos takbuhin ko na ang dinadaanan. Maligaw pa ako dito, hindi pa naman familiar ang lugar.
"Saan tayo pupunta?"
"Where do you want to go?"
Naisip ako, maaga kong natapos ang plano ko ngayong araw. Ano kaya ang gagawin ko?
Mag-mall! Ilang weeks or buwan na siguro akong hindi nakapagbisita sa mall.
"Mall tayo, ilang weeks na akong hindi nakabisita doon. Ano, agree ka?"
Hindi siya sumagot at naunang pumasok sa kotse. Silent means yes. Sabi niya free siya ngayon kaya gawin ko daw lahat ng gusto kong gawin.
"Sa malapit na mall ha." sabi ko at pumasok sa loob. Sinuot ko ang seatbelt.
Tahimik kami buong byahe. "Wala ka bang bibilhin doon?" tanong ko. "Wala..." maikling sagot nito.
"Doon na tayo mag-lunch? Libre ko. May ambag ka naman, huwag ka ng mahiya. Mahal na gas ngayon." Kaso ang problema, kumakain ba to sa isang fast food chain? Yun lang afford ko.
Bumaba ako at naunang pumasok. Lunch muna siguro kami?
"Saan mo gustong kumain? Wag sa mahal ha." tanong ko at nilibot ang tingin sa buong mall.
"Kumakain ka ba sa fast food?" dagdag ko. Hahakbang na sana ako para pumasok sa entrance nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa likod ko at hinila ako papasok.
"Libre ko na. Saan mo gustong kumain?"
"Huh? Huwag na, libre ko na."
"It's our date. I should be the one--"
"Sige, gusto ko doon sa fast food. Iyong jollibee nalang. Teka, kumakain ka ba sa fast food?"
Wala akong natanggap na sagot. Hinila niya ako papasok sa loob ng jollibee. Kumakain kaya to o napilitan lang?
"Napilitan ka lang ba?" natatawang ani ko. Mas sulit kasi ang pera mo dito kaysa sa mga restaurant, mas mura.
Matapos kaming kumain sa loob ng seafood restaurant ay dumiretsyo kami sa arcade. Nagdebate pa kami kung saan kakain. Gusto niya sa jollibee dahil saakin, mukhang napilitan kasi siya kaya pinaglaban ko na sa iba nalang kakain. Gold siguro tong tiyan ni Hades.
Bigla akong napatingin sa mga nakalinyang claw machine. Naalala ko bigla si Levi, kamusta na kaya ang lalaking yun? Yung teddy bear ko, hindi pa napapalitan ni Hades.
Hinila ko siya papalapit sa malaking claw machine kung saan malalaking stuff toy ang prizes.
"May utang ka pa saaking stuff toy. Kunin mo iyong nasa gitna, iyong yellow. Marunong ka bang mag-laro?"
"Of course."
Pinanood ko siyang laruin ang machine. Nakailang tokens na siya pero hindi niya pa rin nakukuha. Hindi na ako nakatiis, "Marunong ka ba talaga?!"
"Is that you, Ms. Corie? Long time no see." sabat ng kung sino. Sino to? Bat sumasabat? Ilang segundo bago ko narealize na si Levi pala ito. Hindi na binibini ang tawag saakin, bilis talaga ng panahon.
"Long time no see. Ikaw na ba yan?" hindi makapaniwalang sambit ko habang tinitigan siya pababa hanggang taas. Malaki ang pinagbago nitong lalaking to. Muntik ko ng hindi mamukhaan.
"Miss me?" nakangising tanong nito at binigyan ng mapanglarong tingin si Hades bago lumipat saakin.
"Of course not. Get lost." sagot ni Hades. Tawa lang ang sagot ni Levi, "I was about to go when you accidentally caught my sight, Ms. Corie. You look so gorgeous."
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong kiligin. I look gorgeous ba talaga? Ganito na ba ako kaganda?
"T-Thank you. You look hot." nahihiyang tugon ko. Ngumiti ako ng matamis at pasimpleng tinanggal ang braso ni Hades sa likod ko.
"Bakit ka pala andito?" tila hindi makapaniwala si Hades sa ginawa ko.
"Day off. Have you eaten yet? My treat."
"Tapos n--"
"Hindi pa, gutom nga ako eh." putol ko sa sasabihin ni Hades. Ilalaglag pa ako nito, libre na nga eh. Kahit busog na ako ay kain ulit, sulitin na natin to.
Tinanong muna ako ni Levi kung saan kami kakain. Wala naman akong masagot kaya siya nalang ang pumili. Tinangka pang ibalik ang braso ni Hades sa likod ko ngunit lumayo ako ng isang metro sa kanya at tumabi kay Levi na naunang maglakad.
Napansin kong sumunod si Hades sa likuran namin. Sumakay kami ng escalator at pumasok sa isang Italian Restaurant. Nagkwentuhan pa kami saglit.
Habang naghihintay sa pinareserve na tatlong upuan ay pinagpatuloy namin ang kwentuhan.
Nang matapos ay iginaya kami patungo sa table. May dalawang magkatabi at nasa harap naman ang isa. Pinaupo niya ako doon sa upuan na may katabing isa pang upuan. Akmang uupo siya sa tabi ko nang inunahan siya kaagad ni Hades kaya umupo siya sa harap namin.
Nag-order lang ako ng kaunting dessert. Matapos mag-order ay nagpaalam si Levi na pupunta sa banyo. Naramdaman kong pinatong ni Hades ang kanang kamay niya sa may hita ko.
"What the hell is your problem? Hindi ka pa ba nabusog?"
"Libre eh, hayaan mo na. Ilang taon na rin bago kami nagkita ni Levi. Alam mong day off ng tao."
"No, you're flirting with him. That was supposed to be me."

BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...