Chapter 30

541 19 0
                                    

"Ito na ang hiniram ko. Alagaan mo ha!" wika ni Sunny kay Hades. Napatawa naman ang iba. Anong nangyayari?

Bahagya niya akong tinulak palapit kay Hades. Nabigla ako at nawalan ng balanse. Humanap agad ako ng makakapitan at sa balikat ng itim na t-shirt ang nakapitan ko. Pisteng Sunny.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Tinignan ko ng masama si Sunny.

"Are you okay?" tanong saakin ni Hades. Tumango lang ako at umupo sa tabi niya. Ito nalang kasi ang bakante. Nakakahiya rin kay Hades dahil sa kanyang balikat ako napakapit. Langhiya talaga ng babaeng iyun, pero in fairness si Hades ha. Bango ng amoy.

Tumawa sila at huminto rin ng sumigaw si Ma'am. "Mamaya na iyang chikahan! Kainan na!"

Napahiyaw ang iba at nagsimula ng kumain. Mabuti nalang at naturuan ko paano magkamay si Hades. Kanya kanya na kami ng kain. Walang pakealaman sa iba, ang nakakainis lang ay malapit na akong maubusan ng ulam dahil dumudukot sila at tinatago sa gilid para ma-solo.

Mahina akong napamura, naubus na ang ulam na malapit saakin. Meron pa sa direksyon nina Ma'am pero nakakahiya. Todo dukat si Sunny, patay-gutom.

"Here. Have this."

Kaagad akong napatingin sa kanya. Hala, seryoso? Binigay niya saakin ang ulam niya na hindi ko rin tatanggapin. Woi, siya ang gumastos kaya dapat siya ang mabubusog.

"Hala, wag na. Busog na ako." wika ko kahit hindi naman. Gustong gusto ko pang kumain! Kaso nahiya ako kay Sunny. Kapal ng mukha, hindi na nahiya.

Dahil nasa harap lang nakaupo si Sunny ay mahina ko siyang tinadyakan sa paa niya. Mukhang naramdaman niya dahil huminto siya sa pagkain.

"Ano?" tanong niya sabay subo ng pagkain. "Tangina mo, wag mong solohin ang ulam. Mamigay ka! Yung amo natin halos hindi na kumain. Kapal mo!"

Nilapit ko pa sa kanya ang bibig ko para marinig niya ang bulong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Ano? Kapal talaga!

"Afford naman nila at si Ma'am pa ang nagsabi na kain lang ng kain." wika niya. Narinig ng lahat, umiwas ako ng tingin at yumuko. Tumawa naman si Ma'am.

"Here, take this. Busog na ako." natatawang sabi ni Ma'am. Hala! Napakamot ako ng noo at kinuha iyun. Ito ang kahinaan ko, ang ayawan o hindian si Ma'am.

Natawa naman silang lahat ng makita akong tinanggap ang ulam. Napayuko ulit ako at sumubo. Shit, malas talaga ang islang ito.

O ako yung malas?

Hindi, hindi naman ako minamalas. Minsan pero hindi sunod sunod. Malas talaga tong islang to.

SA HULING pagkakataon ay napatingin ako sa isla. Uuwi na kami, aaminin ko minamalas ako ng islang ito pero isa ito sa memorable places sa buhay ko.

Sana maulit ulit to, kahit hindi kami sa private property nina Ma'am ay sana maulit ulit. Masaya sila kasama, alam kong nararamdaman niyo rin iyan.... ang kasama ang kaibigan o katropa.

Iba ang feeling ng mayroong kaibigan.

"Woi, wag ka na ma-sad...... Malay mo sa susunod na pupunta ulit tayo dito ay may kasalan ng magaganap." wika ni Sunny at ngumuso. Kasalan? Anong pinagsasabi ng babaeng ito?

"Baliw ka ba? O dati kang baliw sa past life mo?"

Napatawa siya, "Oo, baliw sayo .... Ayiee, akin ka nalang. Wag ka na doon kay Señorito."

"Huh?" pinagsasabi ng babaeng ito? Baliw na ata talaga.

"Wala, Hahaha."

Napairap ako at tumingin ulit sa papalayong isla.

"Hoy, para hindi ka na ma-sad. Ibibili kita ng isla, maraming isla. Tapos may mansion kami, may masasarap na pagkain. At may mamahalin at eleganteng mga damit. Ahh napakasarap may ganun."

"Sunny...."

"Corielyn, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong tao. Sana.... Sana alagaan mo yung kapatid ko. Maging ate ka sa kanya kapag wala na ako sa piling niya."

"Sunny... Anong pinagsasabi mo?"

"Please, Corie. Sayo ko lang sasabihin ito, ang sahod ko ang gagawin mong pera para sa pagpapaaral sa kapatid ko at sa pagpapagamot kay Papa."

"Sunny... Ano ba!"

"M-May sakit ako sa puso, Corie. Nabibilang na lang ang araw ko. Please, alagaan mo ang kapatid ko at ituring siyang kapatid mo. Huwag mong sasabihin sa kanila dahil alam kong ipipilit akong ipagamot ni Sunshine. Hindi na kaya ng bulsa namin, may Papa pang may sakit. Please, magmamakaawa ako." wika niya sa paos na boses.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ngayon ay nasa pinakagilid kami at pinakahuli na nakaupo.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala saakin si Sunny. Una si Celia tapos ngayon si Sunny? Lord, tulungan nyo po ako. Hindi ko po kakayanin.

"Bakit pa kasi ako? Kailangan ako ng ama at kapatid ko."

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Sunny. Lumaban ka naman." inis na wika ko sa kanya. Bakit ba ganito ang mundo? Kung sino pa ang mabait at kailangan ng pamilya sila pa ang mawawala. Dapat sa mga masasamang tao iyan eh, gaya ng pumatay sa Mama ko.

Napapikit ako, dinadama ang sakit na nararamdaman. Pinahid ko ang luhang tumulo sa mukha ko.

"Corie, salamat ha. Ikaw nalang ang nakikilala kong makakatulong saakin. Sobra sobra na ang ginawa saamin ni Señorita. Parang ina ko na iyun dahil sa kabaitan."

Tumango-tango lang ako habang nakapikit. Mabuti nalang at ang iba ay busy sa pagtitig sa harap.

"Sunny, isa ka sa mga taong nakilala kong matapang at palaban. Ang gagawin lahat para sa pamilya. Huwag kang mag-alala, hindi ko sisirain ang tiwala mo. Gagawin ko ang lahat, para sayo at sa pamilya mo. Salamat sa lahat, kahit pinahiya mo ako kanina. Mahal na mahal kita, ikaw ang pinakamahal kong kaibigan."

Tumango-tango siya at pinahid ang luha niya. Nakaramdam agad ako ng awa, siguro ako yung malas? Kaya nangyayari lahat ng ito? Pilit kong iniisip na yung isla ang malas pero ako talaga.

Malas ako at baka dahil sa kamalasan ko ang naging dahilan kung bakit may sakit ngayon si Sunny.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon