Chapter 9

775 24 1
                                    

Ganang gana kumakain si Hades. Gutom na gutom, napapala sa hindi kumakain. Nag-iinarte pa. Ako ang naghanda ng lunch nito at nag-serve na rin

"Kumain ka na?" tanong nito sa gitna ng pagkain. Tumango ako

Tahimik siyang kumakain at ako ay tahimik lang na nag-iintay at pinagmasdan ito. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig mo sa buong kwarto

Bakit ba nag-iinarte pa siya? Gusto nya bang malipasan? O baka nalipasan na

Pinagmasdan ko siya kahit kumakain ito. Seryoso siyang kumakain at tila may malalim na iniisip

Bigla siyang huminto sa pagkain at kumuha ng tissue na pinahid nito sa kalat na pagkain sa bibig. Ang gwapo niya sa lahat ng anggulo kahit kumakain ito, daya naman ng mundo

Lumakad ako sa direksyon nito at niligpit ang pinagkainan. Halos maubos na nya ang lahat ng hinanda ko, minsan kasi hindi nya inuubos

Niligpit ko ito at lumabas. Pagkarating ko sa kitchen ay wala na akong naabutan na mga maid na nagliligpit ng mga groceries. Sila kasi ang nag-oorganize ng mga ito

Hinugasan ko muna ang mga plato at kubyertos na ginamit at nilagay ito sa tamang lagayan. Naalala ko si Celine, siya kasi minsan kong nakikitang naghuhugas ng pinagkainan namin at ng mga amo namin

Di bale, tatawagan ko siya at bibisitahin pag may free time ako. Napatingin ako sa pintuan ng kusina ng may nakita akong rebultong nakatayo

"Excuse me, pakihugas din ng pinagkainan ko" ani nito. Magandang dilag ito pero hindi ako nabibighani sa angking ganda nito, hindi kasi pantay yung kilay. Sexy siya at malaki rin ang dibdib

Tapos na rin naman akong maghugas at pupunta na sana sa kwarto ni Hades. Sino na siya? Hindi naman siguro siya isa sa mga amo ko diba dahil nakapang-maid outfit siya  Ngayon ko lang siya nakita

"Kakatapos ko lang maghugas baka pwedeng ikaw nalang ang maghugas. Kailangan ko pang puntahan si Hades" wika ko at dumaan sa gilid nito. Nakaharang kasi siya sa pintuan

"Excuse me, Kilala mo ba ako?" inis na wika nito at padabog na nilapag ang plato at kubyertos. Humarap siya saakin at inirapan ako. Sino ba siya?

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na. Hindi pa ako nakadalawang hakbang ng bigla nya akong hinarap. Problema nito?

"Wala ka ba talagang balak na gawin ang iniutos ko sayo?" galit na wika nito. Nagtataka akong pinagmamasdan ito

Napabuntong-hininga ako ng galit pa rin ito at inip ka nag-iintay sa sagot ko. Maid naman siya ha?

"Hindi ako isa sa mga maid dito at maid ka naman kaya ikaw na ang maghugas. Pasensya na talaga pero baka hinahanap na ako ni Hades" sagot ko at binawi ang braso ko

"Bastos ka ha!" sigaw nito at hinigit ako pabalik. Masakit ito ngayon kaysa kanina dahil sobrang higpit ng hawak nya sa braso ko

Napangiwi ako sa sakit na nararamdaman ko sa braso ko

"Hindi mo ba talaga ako kilala ha!" sigaw nito sa pagmumukha ko

"Hindi kita kilala kaya bitawan mo ako bago pa kita saktan" sagot ko. Feeling ko namumula na ang braso ko sa higpit ng hawak nito

Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko kaya pilit ko siyang pinakawala

Tinulak ko siya ng malakas dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba sa sahig. Pinagmasdan ko ang braso ko na namumula

"ANONG NANGYAYARI DITO?!"

Pareho kaming napatingin kay Manang na nasa pintuan ng kusina

"Erica? Ano na naman ang pinanggagawa mo?" inis na wika ni Sunny na kakarating lang din. Inis na tinulungan ako ni Sunny at tinignan ang braso kong namumula at may kaunting daplis dahil sa kuko nito. Nakakahiya sa kuko nyang bago lang at may kulay pa

Erica? Siya ba? Siya ba ang malandi na dahilan ng pagtanggal sa trabaho ni Celia?

"Ako pa talaga ang tinanong mo nyan? Yang babaeng yan ang may kasalanan" galit na ani ni Erica

"Wow, si Corie na naman ba ang target mo ngayon?" inis na sagot ni Sunny. Hinawakan ko ang braso nito, "Hayaan mo na..." bulong ko

"Hayaan? Tanginang babaeng yan. Sumosobra na yan ha!" galit na wika nito at akmang lalapit kay Erica pero pinigilan ko ito

"Manahimik ka nga, Sunny! Erica? Ano ba talagang nangyari?" Manang

"Kasing babaeng yan. Napakatigas ng ulo, ang tamad" inis na sagot ni Erica. Tinignan ako ni Manang na para bang hinihintay ang sagot ko

"Manang, Wala po akong ginagawang masama. Niligpit ko lang ang pinagkainan ni Hades tapos pinahugas nya saakin ang pinagkainan nya, wala na po akong oras dahil kailangan pa ako ni Hades. Mainit pa naman ulo non" mahinanong sagot ko. Tinaasan ng kilay ni Manang si Erica

"Sabihin mo, tamad ka lang"

Akmang lalapit sana si Sunny peri pinigilan ko ito. Mahina kong binulong ang pangalan nya para huminahon ito

Inirapan nya lang ako at sinamaan ng tingin si Erica. Hindi din nagpatalo si Erica kaya masama ang tingin nilang dalawa

"What the hell is going on here?" inis na mura ni Charles na kakarating lang

"Napakalakas ng boses ninyo" dagdag nito. Inis itong naglakad papalayo, hindi manlang hinintay ang sasabihin ni Erica

Tumalikod nalang ako at pumunta sa kwarto ni Hades. Mahapdi ang braso ko pero hindi naman masyado

Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko siyang may kinukuhang libro sa bookshelves nito

"What takes you so long?" bungad nya saakin

Tinago ko ang braso ko sa likod ko at umiling. Ngumiti ako sa kanya, "May kailangan ka pa ba?" Tanong ko. Umiling ito kaya napahinga ako ng maluwag

"Anong nangyari sa braso mo?" Taas-kilay nitong tanong at sumandal sa bookshelves

"Ah ito ba? Wala to?" sagot ko at pilit na umiiwas ng tingin. Tumayo siya ng maayos at lumakad patungo sa direksyon ko

Hinawakan nya ang braso ko at mahina itong hinawakan. Hindi naman siya masyadong mahapdi, medyo nalang

"Wala to? Are you out of your mind? Sino namang gumawa sayo nito" inis na wika nito

"Ano, daplis lang ng kuko" naiilang na sagot ko. Sobrang lapit nya kasi sa mukha nito saakin habang sinusuri ang braso ko

"Then, bakit namumula?"

Hindi ako nakasagot, binitawan nya ang kamay ko at lumabas. Saan pupunta yun?

Tumayo ako at sinundan siya, mukhang napansin nyang sinusundan ko siya. Humarap siya saakin at tinuro ang kwarto nito

Napabuntong-hininga ako at bumalik sa silid nito. Ano na naman ang gagawin ng lalaking iyun?

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon