Nagpatutog ang DJ ng Fly love by jaimee fox. Kung nanunuod kayo ng rio alam nyo un. Ang ganda ng beat ng kanta kaya marami ang napapasayaw sa beat nito. Ung mga kanta tong bagay na sayaw kagaya ng chacha or mga contemporary dance.
Since graduation ball meron mga alak, hindi naman mga sobrang lakas na alak,mga low alcohol content lng naman. Sa TLE kase merong bartending, kaya ung mga ibat ibang uri ng mga shots ang nihahain.
Ako nandun lng ako sa counter ng mga shots. Matagal ko na tong gustong gawin ung lunurin ung sarili ko sa alak, alam ko naman matatagalan akong malasin kase nga low alcohol content tsaka parang hindi ako naniniwala sa lasing. Hindi pa kase ako nalalasing, umiinom ako pag nandyan si papa, pero hindi umaabot sa punto na malalasing ako. Ewan ko lng ngayon na ibat ibang mga klase ng alak ang pinag hahalo, pero masarap siya hindi mo malalasahan ung paet pero mararamdaman mo ung hagod.
Like what I had said earlier gusto ko talgang magpakalasing ngayon, hindi ko maidentify na si Celestine ung kapartner ko. So hindi talga siya pumunta? Ganun na ba talaga ang ending ng love story namen. Na kahit alam kong maraming iba dyan pero siya lng eh, tsaka hindi ako ung tipo ng lalaki na maloko sa babae, once na meron ako siya na un at wala nang liko liko pa. loyal kase akong magmahal. Ang mga babae kase pagminahal ka na nyan, totoo un. Kaya ung minahal ako ni Celestine, mas sobra pa ang pagmamahal ko sa kanya. Matagal ko na ngang gusto di ba.
Medyo marami na akong naiinom, pero kaya ko pa. medyo nahihilo na nga ako eh, nag slight headbang na ung ulo ko pero kaya pa, matagal akong malasing. Hindi ko nga alam ang feeling nang malasing eh, hindi ko alam kung totoo ba na wala kang maaalala pag lasing ka,or sadyang gawa gawa lng un ng tao, para pagtakpan ung kahihiyang ginawa nila.
Kanina lng kasama ko sina colton at chris, pero si colton ang hypher pala pag nakainom un nakikipagsayawan sa mga babae at ang malandi nakipaghalikan pa. si chris naman nakikipagsayawan din pero hindi kagaya ni colton na nakikipaghalikan. Ganito na pala kawild ang mga kabataan ngayon. Halos lahat ata gumagawa ng kababalaghan sa pagsayaw, I pity them. Basta ako hindi ako ganun.
Naalala ko tuloy ung prom na si Celestine lng ang first and last dance ko, naiinis nga ako pag may lumalapit na gustong makipagsayaw sa kanya, cyempre ako binabakuran ko na. natatawa na nga lng siya sa akin eh pero naiintindihan naman nya. Tsaka ayaw nya rin na ibang lalaki ang makasayaw nya. Naisip ko, yan ba ang hindi na ako mahal? Alam ko talaga may malaking dahilan siya pero pesteng dahilan yan nagpasira ng relasyon namen. Kayo ko naman siyang protektahan, paulit ulit ko nlng sinasabi yan pero tang ina nakakainis. Gusto kong malaman kung ano ung dahilan nya, maiintindihan ko yan kahit napakaestupidong dahilan pa yan.
Takteng kantang yan, first love ng utada hikaru, kung bakit ko nalaman dahil kay Celestine, lagi nya kaseng pinapatugtog yan. Maganda kase ung meaning. Takte naiiyak ako, gusto kong sigawan ung DJ na bakit yan, takte nananadya ba sila. Pero wala akong magawa kase gustong gusto ng mga kabatch mate ko. May tumakas na luha sa mata ko shet, sana walang nakakita, dali dali kong pinunasan, nakakahiya un pag nakita ng iba. Tumungo nlng ako at nagpatuloy sa pag inom. Pucha mahal na mahal ko siya, sobrang mahal. Takteng kantang to, parehas nameng first love ang isat isa. Alam nyo ung tamang tama sa pagmumuni mo ung kanta, na lahat ng mga naging masasayang alaala nyo naaalala nyo.Hindi ko na mapigilan ung luha ko kaya tumungo nalng ako para wala lng makakita, sobrang bigat na kase.salamat naman ay natapos na rin ung kanta pero mabigat paren ung damdamin ko.
Pero takte kala ko makakaalis na ako sa mourning session ko na to pero lintek na kantang yan There you'll be ng Faith hill, favorite ni mama. Bakit ba ganito ang kanta, bakit puro kasentihan naman to. Anong meron, national senti day ba ngayon? Tapos meron tumabi malapit sa akin na magsyota, takte naiingit ako, ingit na ingit ako. ganyan kame kasaya ni Celestine eh. Makikita mo sa mata nila na sobrang saya nila na ung lalaki inaalagaan nya ung girlfriend nya.Hindi ko na kinaya ung nakikita ko, iniwas ko ung tingin ko. Pinaparusahan nyo ba ako lord ngayon kung bakit puro kasentihan ang nangyayari ngayon. Sa pagkakaalam ko wala namng akong ginawang masama ah, bakit nangyayari sa akin to, bakit nakipaghiwalay siya sa akin.
BINABASA MO ANG
For the love of Celestine #Wattys2015
RomanceLoving a person means loving yourself. It has the most incredible feeling when the person you love is mutually the same as with them. Mackross, a guy who has been in loved for a very long time but didn't have the chance to say it to the girl he lov...