Chapter 44

56 5 2
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas, simula nung Makita ko sila. Nangungulit sila sa twitter , sa text, or kaya sa email ko, ayoko lng talaga silang kausapin. Pero hindi na sila nagpapakita sa akin. Well ok naman sa akin ung ganun scenario. Nasanay na ako na ganun ung nangyari sa akin sa nakalipas na taon. 

Ngayong linggong ito walang pasok sa school, foundation week kase. Nakapagbigay na ako ng exams at assignment sa mga estudyante ko. Sa ngayon chinechekan ko ung mga exams nila. Walang bumagsak sa exam ko ngayon and that's a good news to me. Sign lng yan na magaling akong magturo at effective teacher ako. Madali lng naman ung exams ko para sa akin. Dalawang items lng un pero maraming hahanapin, magbibigay ako ng circuit diagram tapos they will solve that sa binigay na way ng pagsosolve. Sa circuits kase maraming theorem, 10 theorems if I not mistaken, hindi naman mahirap kung nag-aaral ka. 

 Wala namang ginawa sa office kaya ung vacant time ko ngayon ginawa ko nlng sa panchecheck ng papel nila. Maaga ako nag out, and that's very unusual sa akin. Pagkadating ko sa carpack ay nakita ko si Celestine. Hindi ko alam pero kahit may sama ng loob ako sa kanya, gustong gusto ko siyang yakapin pero kaylangan kong pigilin ung sarili ko. Pride. Yan nlng ung natitira sa akin. Nagkasalubong kame ng mata pero nag iwas ako at puunta sa kotse ko. 

" Mackross saglit lng please" sabe nya. Papasok na ako sa kotse ko nang pumasok siya sa kabilang side ng kotse ko.

 " Ano na naman ba to celestine ah?" sabe ko. naguguluhan na kase ako. hindi ko alam kung pinaglalaruan na naman ba nila ako.

 "alam kong galit ka sakin , pero sana naman kausapin mo naman ako oh " sabe nya. 

" what can you expect from me? Welcome you with open arms? Celestine people change kagaya ng lagi mong sinasabi. Tsaka kausap mo na ako ngayon, bilisan mo nlng para makababa ka na" sabe ko. inistart ko ung engine , ang init kase, tsaka hindi maganda ung tibok ng puso ko.

 " hindi ako bababa ng kotse mo kaya, paandarin mo " sabe nya. Sabay ngiti sa akin. Inayos nya ung pag upo nya sa kotse ko. napasimangot nlng ako. 

" are you serious? " sabe ko. lumingon siya sa akin at ngumiti. Takteng ngiting yan, ung pride ko na binuild ko sa puso ko natutunaw na dahil sa ngiti nyang yan. 

" no, kaya paandarin mo na , hindi kita titigilan" sabe nya.

 " wala akong panahon na makipaglaro sayo Celestine , I have enough ok. Bahala ka dyan" sabe ko. nakakainis kase.

 " Hindi kita nialaro, gusto ko lng malaman mo na may dahilan ang lahat kaya sana pakinggan mo muna ako" sabe nya. 

" ewan ko kung makikinig ako pero I will try my best, just go ahead habang nagdridrive ako. ayokong masayang ung oras ko" sabe ko. 

Pinaandar ko na ung sasakyan ko. badtrip sana hindi traffic. Pero minamalas ka nga naman talaga oh, kung kelan gusto mong makawala sa tao tsaka naman traffic. Tadhana nga naman oh.

 "gusto ko lng malaman mo na sorry, hindi ko intensyong saktan ka. Gusto ko lng naman na makalimutan mo ko kase simula palang hindi na naging maayos ung para sa atin." Sabe nya. 

" well, thanks you nakakalimutan na kita" sabe ko. nakita ko sa mata nya na mukhang nasaktan siya. Napatungo siya. Shet what I have done? Takte hindi naman kase totoo ung sinabi ko pero gusto kong maging malamig as much as possible sa kanya.

 "alam ko, kaya nga sobrang nag sisi ako kase hindi man lng kitang nagawang ipaglaban." Sabe nya. This time nakaharap na siya sa harap.

 " simula nung naghiwalay tayo hindi ko magawang alisin ka sa isip ko. buong araw kitang naiisip, hindi ko alam kung tama ba ung naging desisyon ko na ilet go kita nun eh. Masyado akong natakot sa mga naiisip ko kaya naging mahina ako. Days, weeks, months and years had passed pero ikaw paren. Sinubukan kitang Makita...... " 

Sinubukan nya akong Makita pero bakit hindi siya nagpakita sa akin. 

"......pero, nasaktan lng ako nang nakita kita. Nakita ko kase na may kahalikan kang babae, ang saya saya nyong tignan. Umiyak ako nun, bumalik na naman ung sakit na nangyari, pero kasalanan ko naman kung bakit ganun"pagpapatuloy nya.

 Naalala ko nga pala nung college may girlfriend ako kaso hindi nag work out. Un siguro ung nakita nya. Nakita ko siyang nagpahig ng luha sa mata. 

" sakit pala nun noh, nakita mo ung taong mahal mo na Masaya na sa piling ng iba. Kaya kahit masakit, pinilit kong buksan ung puso ko sa iba. " sabe nya. Hindi ko alam pero bakit nasasaktan ako.

 " sa trabaho, nakasama ko si colton. Naging malapit kame sa isat isa, hanggang sa niligawan nya ako. Alam kong babaero siya pero nagbago siya nang dahil sa akin. Naging kame naman, pero tumagal lng ung ng 8 months.Hindi kita kase maalis sa puso ko eh, na kahit meron taong nagmamahal sa akin pero ayoko namang lokohin ung sarili ko." sabe nya. 

Naging sila pala talaga ni colton pero wait nung last year ano ung lokohan lng ba un. 

" wait ung last year lng kayo pa ah, so ano niloloko nyo lng ba ako?" sabe ko. medyo nainis ako dun. 

" saglit lng , wag kang magalit please. Nalaman kase ni papa na ikaw paren ung mahal ko, na ikaw paren . Alam mo naman na ayaw ni papa sayo di ba. Akala ko magiging ok na ung lahat kapag malaman nya na ikaw paren pero ayaw nya paren ikaw tanggapin sa buhay ko. Papalayasin nya ako, itatakwil. Kahit na ayaw ko pero papa ko un eh, na kahit mahirap. Pero ung nagkita tayo umaasa ka paren na babalik ako sayo pero ayoko namang masaktan ka kaya pinilit namen ni colton na magpanggap" sabe nya. 

Naiyak na siya sa huli nyang sinabi. Humugot ako ng malalim na hiningan. 

" so mas pinili mo kong saktan ganun ba un?" sabe ko. napailing siya

 " hindi.. hindi ganun, gusto ko lng na kalimutan mo ko kapag nalaman mong may boyfriend na ako pero iba pala ung nangyari. Sobrang mahal kita mackross, na kahit ako nlng ung masaktan wag lng ikaw" sabe nya. I smirked

 " sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ah? Sa tingin mo hindi ako nasaktan nun ah. I almost died, Celestine. buti nlng may mga taong tumulong sa kin. Sobrang mahal kita eh, pero mas pinili mong saktan ako"sabe ko. 

Umiyak lng siya ng umiyak. Damn, ayoko ng nakikita siyang umiiyak pero ayokong ibaba ung pride ko. 

"hanggang ngayon ba naman hindi mo paren ako igawang ipaglaban sa papa mo. Alam mo hindi pagmamahal yang tawag dyan sayo eh. Kase kung talagang pagmamahal yan, magagawa mo akong ipaglaban. Kase choice mo un Celestine, buhay mo na ung nakasalalay dyan, pero takot ka paren. Masakit isipin na ung taong mahal ko ay hindi ka kayang ipaglaban" sabe ko. 

" im so sorry mackross, sorry. Natakot lng ako" sabe nya, at mas lalo pa siyang humagulgol. Hahawakan ko na sana siya pero naiisip ko masyadong masakit ung ginawa nya. 

" please sana ako nlng ulit mackross, mahal na mahal kita" sabe nya. 

Napalingon ako sa kanya at kita ko sa mata nya na seryoso siya sa sinasabi nya..

 " Alam mo Celestine, marami nang nagbago. Tsaka ang hirap mong mahalin" sabe ko. 

Hinawakan nya ako

" please, gagawin ko ang lahat mahalin mo lng ako please. Hindi ko na kayang mawalay sayo, kase ang sakit pala na mawalay sayo. Tumutol man sila o hindi ipaglalaban na kita, kaya please ako nlng ulit please" sabe nya. 

I cant believe si Celestine is begging for my love. Masaya ako. mahal ko naman siya eh pero natatakot ako. hiindi ko alam pero takot na tako ako. pero tang ina mahal ko paren siya. Bahala na. 

" gagawin mo lahat ng gusto ko," sabe ko. " ok lng basta matanggap mo lng ako" sabe nya, napangiti nlng ako. just wait Celestine.

For the love of Celestine #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon