Wala na akong pakialam kung meron makakita sa akin na hinahalikan ko si celestine, kahit Makita pa kame ni colton. Pake ba nya? Ano ang nauna, dapat lng na gawin ko to. Pinipilit kong patugunin si Celestine sa mga halik ko
"Surrender baby, surrender. Don't force yourself, I know you like it" I said in between our kisses. Oo medyo hilo ako, pero malinaw sa pag iisip ko na hinahalikan ko siya.
Pinipilit nyang lumalayo sa pagkakayakap ko pero hindi ako nagpatinag. Alam kong natatakot siya kung may makakita sa amin, pero I really don't care, basta magawa ko lng tong business ko na to. Hindi ko na naramdaman na napalag siya sa pagkakayakap ko. unti unti na siyang nagreresponse sa mga halik ko. napangiti ako. hindi nya alam kung gano ako kasaya sa simpleng pagresponse nya sa mga halik ko. its like walang sagabal sa relation namen.
" WALANG HIYA KA MACKROSS!" rinig ko na sigaw ni colton sabay hablot sa akin at suntok.
Sa sobrang lakas ng suntok nya muntikan na akong mapadapa. Susuntukin pa nya dapat ako pero pumagitna sa amin si chris.
" Gago ka! Kaya ayaw kitang narito kase bantay salakay ka!" sigaw sa akin ni colton. Kita ko sa mga mata nya ang inis. Natawa nlng ako sa sinabi nya.
" Pre mag dahan dahan ka sa pananalita mo ah, sino kaya sa atin ang bantay salakay ah!" sabe ko sa kanya. Pinunasan ko ung dugo ko sa labi, ang gago ang lakas ng loob na suntukin ako. nakipagtitigan ako sa kanya.
" oo inaamin ko na bantay salakay ako,pero wala naman kayo ah, tanggapin mo na pare na talo ka na, na nasa akin ung pinakamamahal mo" sabe nya napangiti naman siya sa sinabi nya.
Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi nya, at sa pagngiti nya. Mabilis ang pangyayari at nasuntok ko siya ng malakas.
" Gago ka, wag kang magsasalita nang ganyan na parang you take her for granted." Sigaw ko sa kanya.
Napahiga siya sa suntok ko. sinuntok ko pa ng isang beses, at inawat ako ni chris. Pati siya nabalingan ko ng inis. Sinuntok ko rin si chris
" wag mo kong hahawakan ah!" sabe ko. Pinunasan ni chris ung dugo sa labi nya
" Pre huminahon ka nga! Alam kong lasing ka kaya ka nagkakaganyan" sabe ni chris.
" Gago hindi pa ako lasing, wag kang mangealam, isa ka pa, bait baitan ka pero tang ina mo rin" sabe ko sa kanya.
" Nakakaawa ka pre! Tignan mo sarili mo, talunan." Sabe ni colton sabay halakhak.
Nagdilim ang paningin ko sa pagtawa ko. mabilis ang pagsuntok ko sa mukha nya
" gago! Kahit kelan wag mo kong sasabihan talunan, kase wala ka namang alam!" sabe ko, sabay na suntok ng paulit ulit. Marami ng umaawat sa amin,
" TAMA NA!" sigaw ni Celestine.
nakita ko siyang umiiyak. Kumawala ako sa mga umaawat sa akin at tangkang lalapitan ko si Celestine ng sampalin nya ako.
"tigilan mo na to Mackross, please lng, kung hindi ka pa makamove on eight years ago that's too bad for you, ako kase nakalimutan na kita" sabe nya. Napailing nalng ako.
" Hindi..... hindi.. sinasabi mo lng yan para tumigil ako, sinasabi mo lng yan para mapahiya ako sa lecheng colton na yan" sabe ko. yayakapin ko na dapat siya pero umiwas siya sa akin.
" this is not about you and colton, this is about my feelings for you. Tapos, matagal nang tapos ang relasyon naten mackross. Ilang beses ko bang kelangan sabihin sayo na tapos na, ilang beses pa ba mackross? Pinipilit mong sinisiksik ang sarili mo sa akin , hindi mo naiisip na may ibang taong nadadamay dahil sa mga ginagawa mo" sabe nya.
Para akong tinutusok sa sinabi nya. Natahimik ako. gusto kong magsalita pero walang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
"hindi mo matanggap na mas pinili ko ang kaibigan mo kesa sayo kaya ka nagkakaganyan hindi ba? Kaya pinipilit mong akitin ako. Tama ka nga I cant deny the fact that you still have hots in me pero it doesn't mean na mahal paren kita. Naaawa lang ako sayo mackross kaya pinagbibigyan ko ang mga gusto mo" sabe nya.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako
" Bakit si colton ah Celestine? bakit si colton pa, bakit ang kaibigan ko pa ah? Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo ako, pinanghahawakan ko un Celestine kase alam ko bago tayo maghiwalay eight years ago, sinabi mo sa akin un na ako lng di ba? Sinunod ko ung payo mo na hanapin mo na naten ung sarili naten. Hanggan ngayon mahal paren kita Celestine" sabe ko. natawa nlng siya
" God mackross, hindi ba sabe ko sayo, everything is changing. Ang tanga mo mackross para maniwala pa dun. Mga bata pa tayo mackross, ung naramdaman ko lng sayo nun ay infatuation lng. Akala ko nga pagmamahal na un eh pero mali pala ako. hanggang sa nakalimutan ko na ung pagmamahal ko para sayo. Hanggang sa nakilala ko si colton." Sabe nya. Ang sakit ng mga salitang binatawan nya.
" Don't tell me na mahal mo siya. NA MAS PIPILIIN MO SIYA,...mahal na mahal kita Celestine" sabe ko sa kanya.
Dinuro ko pa si colton. Pinipilit kong lumapit kay Celestine pero ayaw nya. Tinulak na ako ni colton.
" Wag ka nang makulit mackross, talo ka na ako na ung pinili nya" sabe ni colton.
" TUMAHIMIK KA, HINDI KITA KINAKAUSAP GAGO KA!" sigaw ko sa kanya.
Bumaling ako ulit ng tingin kay Celestine. nakita ko sa mga mata nya awa, awa para sa akin? Lungkot, galit.
" TIGILAN MO NA TO MACKROSS PEDE BA, UMALIS KA NA. HINDI NA KITA MAHAL NAIINTINDIHAN MO. GUSTO MO PANG ULITIN. HINDI. NA. KITA. MAHAL.MAKAKAALIS .KA NA!"sigaw nya akin.
Bumuhos ang luha ko sa mga sinabi nya. Napailing na lng ako sa sinabi nya.
" hindi... hindi" sabe ko.
Tinignan ko siya, nakita ko ung seryoso nyang mata, ung conviction sa mga tingin nya
" Hindi.na.kita mahal" sabe nya.
Napatungo nlng ako. nilagay ko ung kanang kamay ko sa mga mata ko para mapunasan ang mga luha ko. naramdaman ko nlng na may nagtap ng likod ko pero pinigilan ko siya.
" Sana pinatay mo nlng ako Celestine, sobrang sakit... ang sakit sakit na..... sana hindi nalng kita minahal ng todo.... Sobrang sakit, hindi ko na kaya" sabe ko nlng.
Tumalikod na at nagsimulang maglakad palabas ng bahay nila. Sana mamatay na ako ngayong araw, hindi ko na kaya ung sakit.narinig ko ung mga bulung bulungan ng mga tao pero wala akong pakialam sa kanila. Dali dali akong pumasok sa kotse ko, at dun ko nilabas ang sama ng loob ko. Sana panaginip lng ang lahat ng ito, sana kayanin ko pa, at sana hindi ko nlng siya nakilala simula palang para hindi na ako nasasaktan nang ganito. Ayoko na. ako rin pala ang talo sa laro na nilaro ko. hindi ko na sila papakialaman kahit kelan, iisipin ko nlng na wala akong kilalang Celestine at iisipin ko nlng na wala akong kilalang mga kaibigan. Ibabaon ko na ang lahat.
BINABASA MO ANG
For the love of Celestine #Wattys2015
RomansaLoving a person means loving yourself. It has the most incredible feeling when the person you love is mutually the same as with them. Mackross, a guy who has been in loved for a very long time but didn't have the chance to say it to the girl he lov...