Chapter 2

169 4 0
                                    

Reyna's POV

"Oy Reyna!"

"Ano ba yon?" Nakakagulat naman tong si Barbie bigla biglang naninigaw!

"Kanina pa kita tinatawag! Tapos na yung klase. Look around, tayo nalang nandito." Tama siya... Kami nalang dalawa... Tapos na yung klase, hindi ko namalayan... Matagal pala akong lutang? Ganun ba ako katulala at lunod na lunod sa kakaisip sa nakaraan?

Pano ba kasi. Somehow, I feel responsible. Feeling ko may kasalanan din ako kung bakit nacoma si Nic...

Bumalik ako ng ospital at inabutang tulog parin si Nic. Wala akong magawa kaya naisipan kong tawagan si Kyle... Dapat sa phone ko lang siya kakausapin, pero nung mabanggit kong nagising na si Nic, nagpumilit siyang pumunta ng ospital. At ayun, wala pang 30 minutes nakarating na siya.

Sa may garden ng ospital kami nagusap, gusto ko kasing makita yung sunset. Nakaupo kami ngayon sa isang bench, magkatabi, nakaharap sa araw na lumulubog.

"Ganitong oras ata nung mabangga si Nic." Paguumpisa ko.

"Oo nga. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagpikit ng mga mata ni Nic, pagtulo ng uhog mo, at—-"

"UHOG KA DYAN!" Ano bang pinagsasabi neto? Natawa naman siya sa bigla kong pagsigaw.

"Este, luha pala. Chill ka lang! Nagkamali lang ako." Nagbago na si Kyle. Medyo dumaldal na siya pero syempre, may pagkacold parin ang pananalita minsan.

"Okay na si Mayera." Dugtong niya. Medyo nasurpresa ako kaya napatingin ako sa kaniya. "Isang beses nung nagdadrama siya sakin, nasampal ko siya."Nagpigil ako ng tawa.

"Pagkatapos nun, unti-unti na siyang naging okay... Naging masaya... At hindi na masyadong inisip yung mga nangyare sa nakaraan niya. Kung iisipin mo naman kasi, mabigat talaga ang lahat ng pinagdaanan niya."


Oo nga naman. Ikaw ba naman mamatayan ng nanay sa sunog na ikaw ang may kasalanan, mamatayan ng tatay sa harap mo, mamatayan ng pangalawang tatay na nag alaga sayo, maaksidente ang taong mahal/ kababata mo, tapos nagalit pa sayo yung bestfriend mo? Kung ako siguro sa kaniya matagal na akong palutang-lutang dyan sa Pasig River.

"Hindi siya nagaral last year, ngayon, mag-aaral na siya. Arch Angel University." Ano daw?

"AAU? Sa Recto?? Seryoso? Pumasa siya don?" Grabe. Hindi ko alam! July na ngayon. Ibig sabihin pasukan na ng AAU next week.

"Baka kasi Valedictorian natin siya? Scholar siya doon, Architecture ang course na kinuha niya, first year palang." AAU... Grabe. Sobrang hirap makapasok doon, dobleng hirap kumpara mo sa UP.


"Kailan siya nag exam dun?"


"Nung April. April ko na siya nasampal eh." Parehas naman kaming natawa. Medyo humupa na rin yung galit ko kay Mayera. Mabuti naman at... okay na siya. Okay na nga ba talaga? Isang taon at apat na buwan rin kaming hindi nagkita at nagkausap. Pero magaan sa loob ko na magaaral na siya ulit. Magkakaroon na siya ng bagong social life.

Medyo matagal din kaming nagkwentuhan ni Kyle. Natigil kami nang itext ako ni Charlotte na hinahahanap daw ako ni Nic. Oh my gooosh. I should've heard him say my name. :'> nagmadali kaming umakyat ni Kyle. Pagkapasok namin doon ay nakita ko si Nic na nakatanggal na yung oxygen, at nakaupo sa kama.

"DOMINIC!" Agad namang napasigaw si Kyle at dumaretso kay Nic, nag-akapan sila.

"Okay ka na ba talaga? Buti nakaka upo ka na! Ang haba na ng buhok mo! Pwede nang i-braid!" At kalian pa dumaldal ng husto itong si Kyle? Nakakainis. Inunahan  ako sa pagyakap kay Nic. L

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon