Chapter 1

300 9 0
                                    

Nic's POV

"Nic? Son?" If I'm not mistaken, boses ito ng tatay ko. Tama ba ako ng dinig? Boses ni Dad? Medyo di ko maaninag ang mukha ng lalaking nasa tabi ng kama ko. Masyado akong naliliwanagan sa ilaw...

"Reyna! Reyna! Call the doctor! My son is finally awake!" Kahit parang feeling ko, ang bigat ng kamay ko, ginawa ko yung best ko para kusutin ng onti yung mata ko. Pinikit pikit ko ito, at medyo naka adjust na ito sa liwanag. Though hindi pa ito ganun ka linaw, nakilala ko agad na si Dad nga ang lalaking nasa tabi ko.

"My Son... You're back. Thank God, you're back..." Sabi ni Dad habang halos maiyak sa tuwa. Hinalikan niya ako sa noo kong may benda at hinawakan ang kamay ko...

"I never left Dad." I answered. Halos bulong lang ang naisagot ko kay Dad. Feeling ko hindi na ako marunong magsalita. Ilang linggo ba akong tulog? Hindi niya siguro iyon narinig.

Ilang saglit lang ay dumating na ang doktor at may mga chineck sa akin. Matapos nito, ay lumabas siya kasama si Dad. May pag uusapan daw sila. Naiwan si Reyna sa kwarto kasama si Charlene at Charlotte. Medyo pumayat si Reyna, at parang tumangkad na si Lene at Lotte.

"You've been in a coma for a year kuya, a year and four months to be exact." Sabi sa akin ni Charlene. WHAT THE HELL... One year and four months?? Sobrang sakit ng ulo ko at nahihirapan pa akong magsalita kaya kinimkim ko nalang ang pagkagulat ko. Perooo shit. One year and two months?! Sayang yung oras. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ako na-coma?

"Nabunggo ka ng  kotse a week before you're high school graduation Kuya... Sayang. Hindi ka nakapag speech!" Sabi naman ni Lotte..

"Can't remember..." Hindi ko na matiis. I feel so curious about what happened to me. Wala akong maalala putspa. Sumasakit lalo ulo ko. Sana naman magets nila na gusto kong ikwento nila sa akin kung anong nangyari.

"Well... We won't force you to remember. Kakagising mo lang kaya chill ka lang muna Nic. Maaalala mo rin lahat eventually." Sabi sa akin ni Reyna. Naglakad siya papalapit sa akin at inilapit ang mga labi niya sa tenga ko.

"I missed you..." She whispered as she held my hand.

Hindi ko na kinaya ang sakit ng ulo ko at hindi ko na napigilang makatulog... Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Huli kong narinig ay ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito.

Reyna's POV

Nang pumasok si Tito ay nakapikit na si Nic. Kinabahan ako na baka bumalik sa pagkacomatose si Nic! Wahhhh!! Hihinga palang ako para magsalita ay pinangunahan na ako ni Lotte.

"Te Reyna, baka nakatulog lang si kuya... Masakit pa siguro ulo niyan..." At nakahinga naman ako ng maluwag. I turned to Mr. Tamayo.. Nagsalita siya.

"Like the Doctor said a few months ago, Nic will have a temporary amnesia. Maaaring may mga bagay siyang malilimutan, o taong hindi makikilala pero napakaliit ng porsyento nito, at pansamantala lang."

 

"Tito, wala po siyang nalimutan sa atin. Kilala niya tayong lahat." Abot tengang ngiti kong sinabi kay tito.Sigurado yun... Yun yung nararamdaman ko. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Sige po. Aalis na ho ako, may huling klase pa ako ng 4pm."

Matapos ang mga maiikling pamamaalam ay bumaba na ako ng ospital. Hindi ko maiwasang isipin si Nic. Nagising na siya... Hindi ako makapaniwala. Ang tagal din niyang nakahandusay at tulog sa ospital. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Miss na miss ko na siya. Kahit ngayon na alam kong gising na siya, namimiss ko parin siya. Lintek na klase to oo. Kung hindi lang to major hindi ko na ito aattendan eh. -_-

Malaki ang ipinagbago ni Nic. Pumayat siya at ang haba na ng buhok. Hanggang balikat na.

Si Kyle, madalas dumalaw sa ospital kahit na nagaaral na rin siya sa Isang University sa kursong Med Tech. Si Mayera naman, minabuti ni Kyle na huwag nang padalawin kay Nic. Lagi lang umiiyak si Maye at madalas siyang bangungutin tuwing gabi. Hindi siya nagaral ngayong taon at nagstay lang sa bahay nila at nagmumukmok. Ewan ko ba dun sa babaeng yon. Nang maaksidente si Nic, parang nawalan siya ng ganang mabuhay. Kulang nalang sa kaniya ay maglaslas!

Ayaw rin kasi siyang padalawin ng tatay ni Nic. Hindi naman daw niya sinisisi si Mayera, iba raw ang dahilan nito at ayaw niya itong sabihin sa amin...

"Reyna." Pagtawag sakin ni Vhrix. Teka. Nasa school na pala ako? Hindi ko namalayan...

"Tulala parin as usual ah." Bungad ni Barbie sakin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta desk ko.

Nang makaupo ako, imbis na making ay tumulala ako ulit. Nang makabalik kami ng school galing ng retreat, umiyak si Maye at nagpunta ng music room dahil nalaman niyang wala na pala si Dr. Richard Hawkeye na kumupkop raw sa knaiya nung nasa America siya. Tinago yun sa kaniya ni Nic.

At syempre, nung nagpunta si Mayesa music room, sinundan siya ni Nic. Leche. Naalala ko tuloy yung huling conversation namin ni Nic bago siya naaksidente...

*flashback*

Pumasok ako ng music room matapos kong kausapin si Mayera. Sinabi ko sa kaniya na after graduation, aamin ako kay Nic. Regardless kung anong response niya, gagawin ko anglahat para maging kami.

"Reyna. Anong pinagusapan niyo ni Mayera?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Nic at lumapit sa kaniya.

"Would you mind if I hug you?" Halatang nagulat si Nic sa sinabi ko non...

"Bakit Reyna? May... problema ba?"

"Nalilito kasi ako sa nararamdaman ko para sa'yo... Gusto ko lang malaman kung parehas lang ba ang mararamdaman ko kapag..."

Ngumiti si Nic nun. "Okay lang Reyna... It's just a hug." Niyakap niya ako... Pakakawalan na sana niya ako pero... Nic. Stay still...Sabi ko sa kaniya... Nung panahong yakap ko si Nic, iba yung nararamdaman ko kumpara sa naramdaman ko nung niyakap ako ni Tyler na crush ko nung elementary, at ni Henry na close friend ko rin last year.

Iba eh... Iba talaga yung kay Nic... Yung puso ko lundag ng lundag. At yung labi ko, kusang ngumiti. Habang kayakap ko siya ay dumating bigla si Mayera. Nagulat siya nang makita niya akong kayakap si Nic. Bumitaw ako and I slowly leaned para halikan siya sa labi pero napansin ni Nic yung presensya ni Mayera sa likod niya.

Tumakbo si Maye at hinabol siya ni Nic...

Hanggang sa tumawid si Maye, sumunod si Nic sa kaniya, at...





*end of flashback*

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon