Mayera's POV
Mabilis na lumipas ang isang linggo matapos ang graduation ko... Babalik na ako ng Pilipinas bukas kasama si tita.
Nasa kwarto ako ngayon, nagaayos ng mga damit, kasama si Ryota. Tinutulungan niya akong magimpake.
"Handa ka na bang bumalik don Maye?" Biglang tanong sa akin ni Ryota na bumasag sa katahimikan namin.
"Ha? Ano... Ah... Oo naman! Bakit naman magiging hindi?"
"Si Nic... Paano kung magkita ulit kayo doon?"
Si Ryota naman talaga, oo... I think I know what he is thinking.
Since magkaharap kaming nakaupo kami sa sahig, gumapang ako papalapit sa kaniya. I stopped when our faces were about just a few inches apart.
I looked into his eyes, and solemnly swore... "Ikaw ang mahal ko."
Umupo naman ako at ipinakita sa kaniya ang singsing na soot kong bigay niya. "Ikaw ang pakakasalan ko." I think I nailed it! Tama ako... Yun nga ang ikipinangangamba niya. Ngumiti siya sa akin at parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
That night, Ryota slept with me, and promised to marry me after 2 years. Uuwi siya ng Pilipinas, at pakakasalan niya raw ako sa lahat ng simbahan. I can't wait to march the altar, seeing him waiting for me, wearing his wedding suit.
Sumapit ang umaga, ay nagulat ako nang nagiwan ng note si tita. Nakasulat kasi ito sa Japanese kaya si Ryota ang pinagbasa ko, at trinanslate niya ito sa English...
To my Mayera, I'm so sorry. There's an emergency. The company needs me right away. I went to Yomiyama this morning.
Ryota, be with Mayera, please?
Hala! Be with Mayera daw? Soooo... Anong ibig sabihin non?
Nagkatinginan kami ni Ryota.
"Malayo ba yung Yomiyama?"
"Oo. Mga tatlong oras mula dito. Be with Mayera raw. Maybe it means..." Ngumiti sakin si Ryota.
"Ihahatid mo'ko pauwi ng Pilipinas?"
WUHUUUUU!!! Thank you Company! Thank you Yomiyama! Thank you tita! I can spend more time with my man! <3 <3 <3
Mabilis na lumipas ang oras at byahe...
Nang makalabas kami n airport ni Ryota ay huminga ako ng malalim...
Hayyyy... April 24... Ang araw na nakabalik ako sa Perlas ng Silangan. :3 namiss ko yung polluted na hangin dito sa maynila. Lol.
Umuwi muna kami ni Ryota sa bahay at nag unpack ng mga gamit ko. Kumain kami ng tanghalian, at nagyayang lumabas si Ryota.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.