Dominic's POV
Ito na... Pag-asa laban sa pag-asa...
Pumasok na kami sa Operating Room. Pinahiga namin si Mayera. We started by injecting anaesthesia.
"Anong ginagawa niyo sakin?" Kalmadong niyang tanong. I smiled at her.
"You'll be fine okay? Just stay calm... Stay still..." Ngumiti siya. Ngumiti naman si Dr. Castro sa akin. "Let's do this quick Nic. I know you're hurting inside." Ryota tapped my shoulder...
Nilagyan muna namin ng oxygen si Mayera at nagsimula na sa pagbiyak sa ulo niya upang operahan ang utak niya.
Sa panahong iyon, ang nagpalakas sa akin ay ang mga anak namin at ang mga ala-alang masaya at magkasama naming binuo ni Mayera... Hindi ko syempre kinalimutana ng manalingin sa Diyos upang maging matagumpay ang operasyon.
Ituturok na namin ang medisina sa isang brain vein ni Mayera nang biglang may pumasok na nurse. Ang assistant nurse ko.
"Hey! We're under operation!" Sigaw ni Ryota.
"Pasensya na po. Pero kailangan niyo 'tong malaman!" The nurse turned to me. "Dr. Tamayo... Yung unggoy po na ininjectionan niyo ng medicine na yan... Namatay ngayon lang."
Nang banggitin niya iyon ay nawasak ang mundo ko. Napaupo ako sa sahig at nanginig ang mga kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan.
"Nic! Dominic! Get a hold of yourself! We can't go back! We must continue this operation!" Sigaw ni Dr. Castro sa akin. Pero halos manlabo ang pandinig ko dahil sa sakit nararamdaman ko ngayon.
Lumapit namain sa akin si Ryota at lumuhod.
"Nic! Nic! Makinig ka sakin! Nic!" Hindi ako tumitingin sa kaniya. Nakatulala lang ako... Iniisip ang mga mangyayari.
Nahimasmasan ako nang sampalin ako ni Ryota.
"DOMINIC LISTEN!" He yelled at my face.
"Either way, Mayera will die. We have no choice. We must continue this." Tama siya... This is either a chance for her to live, or a reason for her to die. Wala naman na kaming magagawa. Paparating na rin ang pang labing apat niyang taon... Inalalayan ako ni Ryota patayo at huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang injection.
At ipinagpatuloy namin ang operasyon.
Nang malapit na kaming matapos ay may napansin kaming vein sa utak ni Mayera na naglalabas ng dugo. Marahil ay epekto ito ng medisina.
"Nic! We'll fix this! Go and find a blood donor. Mayera's blood pressure is going down." Ako ang sinabihan nila dahil ako ang nakakaalam ng blood type ni Mayera. Type O siya... Hindi siya pwedeng tumanggap sa iba. Dapat type O lang din. Matatagalan pa kung kukunin ko pa ang reserved na blood type O sa inventory ng ospital. At isa pa, maaaring kulang iyon dahil sobrang uncommon ang blood type O.
Agad akong humiga sa isa pang kama sa tabi ni Mayera.
"Nic anong ginagawa mo?" Tanong ni Dr. Castro.
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.